Chapter 3> "TOPIC: a STONE GUY"

68 6 2
                                    

Chapter 3> “TOPIC: a STONE GUY”

Ace’s POV

(picture po ni kuya Ace sa side >>>>>> ^.-

“Red? Red? Asan ka ba ha?”- Nakaka inis nakawala na naman yon. Dami kong ipapagawa eh.

Sumasakit na ang ulo ko dahil sa dami ng trabaho ko. Eh kase kahit nag-aaral pa ako eh tinutulungan ko na sina papa at mama sa business namen. Bata pa lang kami eh sina sanay na kami.

Dati akala ko perfect ang pamilya namen pero hindi pala.

Hindi ako ganito kaseryoso noon, sa totoo lang makulet ako nung bata pa ako,ngayon ako yong tipo na kinatatakutan nila once na umimik ako o tumingin lang ng masama. Nag bago ang lahat lahat sa aken. Ganun din si Red. Dati ubod sya ng baet, napaka masunurin din nya. Pero katulad ko nag bago din ang lahat sakanya. Naging palaaway na sya, may pagka moody na din.

Talagang sa mundong ito walang sekreto ang hindi mabubunyag. Dahil dun sa lintik na sekreto na yon, nag bago ang lahat samen. Hindi na kami matatawag na perfect family.

“, Sebastian nakita mo ba si Red?”- tanong ko dun sa Butler namen.

“Pasensya na po Master pero hindi ko pa po nakikita na pumasok sa gate ang kotse nya.”

“Ganun ba. Pag dumating sabihin mo dumiretso sya sa kwarto ko.”- at pumunta na ako sa kwarto ko.

Pag sinabi ko kasi na dumiretso sya sa room ko, hindi na yon mag-aalinlangan. Diretso na agad yon sa kwarto ko. Alam na kasi nya pag ganun yong sinabi ko. It means may pag-uusapan kami na malayo sa business.

.

.

.

.

.

20 minutes later

.

.

.

Tok tok tok!... ( katok sa pinto)

“Pasok”- sabi ko habang tinitingnan ko yong mga papers sa lamesa ko.

“Nakita ko sya”- pagka sabi nun ni Red napa-angat ako ng tingin sa kanya. Hindi ko na pinansin yong pasa nya sa mukha dahil alam ko din naman kung ano ang pinag-gagagawa nya.

“Talaga? Nakita ka din nya?” tumayo ako sa upuan ko tapos lumapit ako sa may bintana at sinilip yung mga nag-gagarden sa baba.

“Yup,at gaya ng dati bato pa din.” Sabi ni Red tapos naupo sya sa may gilid ng Lamesa.

“Hindi mo ba sya nilapitan?”- pinagsalikop ko na ang mga braso ko.

“why would I do that? tsk sakit lang yun sa ulo.”- at tumayo na sya palabas na sana ng pinto, pero humarap sya saken. “Ahmm kuya, nag kausap na ba ulet kayo ni papa?” tanong nya saken.

“Hindi. “ Ganun lang kaikli ang mga isinasagot ko pag tungkol kay papa ang tanong.

Hindi ko alam kong maibabalik pa sa dati ang masaya naming pamilya. Nakakasawa na din naman na nakatira nga kami sa iisang bahay pero parang ang lalayo namen sa isa’t isa. Lalo pang sumakit ang ulo ko dahil dun sa ibinalita saken ni Red. Napahilot na lang ako sa sentido ko.

Paano ba mapapalambot ang isang walang buhay at matibay na bato? Tskk.. ang habang isipin naman. Since Saturday na bukas makakapag pahinga ako ng maayos kase konti na lang trabaho ko.

___________________________________________________________

RED’s POV

Grabe muntik na ako dun. Kapag kasi tinanong nya kung bakit ganito itsura ko siguradong malilintikan ako sa kanya. Buti na lang talaga naisingit ko pa iyon. Atleast hindi naman ako nag sinungaling sa sinabi ko. Hinding hindi ako mag sisinungaling kay kuya yun ang ayaw nya. At si kuya na lang ang kakampi ko dito kahit strikto sya hindi ko gagawin yung ginawa ng parents namen samen.

Stalker si Cosplayer (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon