Chapter 2> CRUSH @ 1st SITE
MILFA’s POV
Hayyy.. Dumaan na naman ang maghapon sa school. Grabe nakakapagod din pala mag-aral. Teka daan muna ako dito sa mcdo. Bibili lang ng favorite kong French fries at mcfloat.
Habang naka pila ako bakit parang ang dilim ng aura sa likod ko. well alam ko naman na may naka pila din sa likod ko. gusto kung tingnan kung anung klaseng tao to.Mahilig kase akong mag masid at mag puna ng mga tao sa paligid ko. malay ko pa ba kung ganun din ang ginagawa nila saken, eh di ako din.
(at mag baliw-baliwan na tayo ^___^ yahaa)
Hindi na talaga ako nakatiis kaya naman humarap ako ng pasimple sa likod ko. At nang humarap ako sa kanya. OH MY GOSHHHH. As in talaga. Tao ba ito o manika na manikin na nakatayo sa likod ko. Kase as in ang gwapo nya talaga, ay hindi, maganda ata ah basta masarap syang titigan. Sya yong tipo na kahit maghapon lang kayong magtitigan ok na ok kana. Busog kana kumbaga. Grabe, bakit yong mga barkada ko mga gwapo din naman as in ha. Pero kakaiba ang dating ng isang ito saken. Sya yong kapanta-pantsya para saken. Ang tangkad din nya. Mga tipo kong lalake. Tapos mukha pa syang seryoso. Yong mga ka-ugali ni uchiha itachi ng akatsuki sa naruto(naisingit pa talaga un?). ihhhh.. nkakakilig naman ng palihim. Tapos tiningnan nya lang ako. Kase nga, naka-nganga ako sa kanya. Tapos yong tingin nya parang isang hari na mag-uutos sa kanyang mga alagad. Tapos ibinalik na nya yong tingin sa unahan ko, nakatingin pa din ako sa kanya. Na magnet na ako eh. Tapos panira ng moment yong taga lista ng order kase bigla nalang umimik sa tabi ko. tinatanong kung ano daw order ko.. argghhh.. sayang naman ang sarap pa naman nyang titigan. At sinabi ko na agad ung oorderin ko. Pag-harap ko ulet sa kanya eh wala na si pogi dun. Alam mo yong tingin nya saken kanina eh parang gusto kong sundin ano man ang i-uutos nya(kilig mode lang). Awww sayang naman. Hinanap ko sya ng pasulyap sulyap baka nasa paligid lang. Sayang talaga tskk, at pag-harap ko, aba teka bakit may lalaking malapad ang likod na nasa unahan ko. Ang alam ko babae ang sinusundan ko ah. Kaya naman hindi na ako nakatiis. Kinulbit ko na sya.
“Psstt.. hoyyy. Mister pasensya na ha kase kung may manners ka siguro naman nakikita mo na may naka-pila din. Wag kang basta na lang sumisingit. Ok lang po ba ha.?”- ako na nagpipigil lang sumigaw.
Tapos humarap yong lalake. Te-teka lang sya yong si pogi yon ah. Nasa unahan ko lang pala sya. At ang pasaway kong mga nerves bakit kinilig.? Nung mag tama ang aming mga mata. Teka ganun ba talaga ang mga mata nya. Oo maganda pero parang may mali. Parang puno ng pait. Ah ewan ko ba. Mahilig lang siguro akong mag-masid kaya siguro kung ano-ano pumapasok sa utak ko.
“Sorry ha. Eh kase naman an—“ naputol sasabihin ko dahil itinaas nya yong kamay nya. It means pinatatahimik nya ako. Kaya zip na ang bibig ko. para talaga syang hari noh.?
At –OH-MY-GEEEE (sorry nhahawa na ko kay Raff) bigla syang nag salita at ang sabi nya ay………. (0.0)
“Kung saan saan ka kase naka-tingin since hindi ka naman nalakad papunta sa counter kaya umuna na ako”- sya sa sobrang lamig na boses. As in talaga.
Kaya ako NgaNga na lang ng madinig ko syang mag salita. Hindi ako napatigil dahil sa na offend ako dun sa sinabi nya. Iyon ay dahil sa ang ganda ng boses nya. Kahit kasing lamig ng yelo pa yon. Ah basta crush ko na sya. Iyan na iyan ang ugali ng lalake na gusto ko. Iyong suplado, kase alam ko na ako lang ang iibigin nya, na hindi nya ako lolokohin. Ay teka anu ba itong agiw sa utak ko. crush ko lang sya yon lang yon.
Oo tama crush ko lang sya. As in ultimate crush. Hayyy ano kaya ang pangalan nya. San kaya sya nkatira? Ano kaya ang tipo nyang babae? Sana katulad ko. choss.. hehe. Anu ba naman iniisip ko
Ay ako na pala oorder. Teka wait asan na si pogi. Bigla-bigla nalang nawawala eh. Tsk. Anu ba yan. Pag kami nag-kita ulet nako hindi ko sya titigilan.
BINABASA MO ANG
Stalker si Cosplayer (ongoing)
Novela JuvenilNaranasan nyo na ba ang maging STALKER sa isang taong manhid at hindi marunong ngumiti.? Kase ako Oo. Grabe, yung feeling na isang tingin ko pa lang sa kanya nag ka crush na agad ako. Eto ang tinatawag na “crush at first site”. Kung ganon hindi ko n...