Chapter 7> AKI’s POV (pakialamo)
Burarang babae pala iyun.. naiwan ba itong cp nya.. hay.. tskk..
“Abala pa talaga ang luka lukang iyun.. anu ba iyan..”- ngayon nagda-drive na ako papunta sa bahay nung babaeng luka luka para ihatid ang cp nya na naiwan dito sa kotse ko…
Pero parang may kamukha sya.. ahh basta..Ayokong mag-isip kung sino man ang kamukha nya..
Pero kanina ang cute naman nya..” Teka..”—kamukha sya nung babae sa mcdo ahh.. aH ewan.. Kelan pa ako nagkainteres sa mga tao.. haissttt..
Ringgggggg!! Ringggggggggg!! Cp ko ba iyun..?
“Tsk.. ano..?”- sagot ko sa cp ko..
“Aki mag-usap tayo.. please son..” sya yan..
“Don’t call me son..kahit kelan hindi mo ako itinuring na anak..”—ibinaba ko na ang cp..
Ugghhh.. lakas ng loob tawagin akong anak.. Sisirain pa araw ko.. sabagay kelan pa ba naging maganda ang araw ko..
Andito na ako sa bahay nung luka luka..
Magdo-door bell ba ako.. o iiwan ko na lang cp ya.. hayyy.. pahirap naman ohh..
Sige na nga.. ding dongggg!! Ding dongg!! Ding dongg—binuksan na nya..
Naka tangla lang sya saken.. te-teka sya ba ito o may kapatid lang sya.. Pero kamukha din naman nya.. teka nga..
“Ahmm eto o”- iniabot ko iyung cp.. Sisiguraduhin ko muna kung sya talaga eto o kamag-anak nya..
Eh kase ang itsura ng babae sa harap ko maganda.. cute.. dyosa.. te-teka.. bakit ko ba pinupuri ang babaeng ito.. eh baka eto iyung luka luka.. tskk anu ba iyan..
(picture po ni Milfa pag hindi naka-cosplay>>>>>> *()*
“A-aH.. mi-mMr. Sungit.. hoyy ikaw nga..”- sya na nga din yan.. at ang cute pag ngumiti.. tskkk .. anu ba iyun…
“O-oo.. bakit ha..? eto oh.. burara ka..”—ibinigay ko na cp nya.. ayokong mag-tagal dito..
Ayokong makakita ng inosenteng mukha..
Pagka bigay ko umalis na ako pero…..
Pero pinigilan lang nya ako.. hinawakan nya kase iyung laylayan ng damit ko..
“Te-teka lang.. Magte-thank you pa ako ahh..”- nakangiti sya.. shit naman..
“Kahit wag na.. Nagmamadali din ako”- inalis ko na iyung kamay nya sa damit ko..
Nagyon ko lang sya napagmasdan.. parang ang soft nya tingnan.. sobrang inosente parang anghel.. parang ano—anu ba yang pumapasok sa utak ko.. Hayyyy..
Kelangan ko ng lumayo sa babaeng ito.. at lumakad na ako palayo..
At may pahabol pa sya..“Hoy Mr. sungit.. ako nga pal si Milfa.. Tandaan mu ang pangalang iyan ha.. Kase magkikita ulit tayo..”
Ano..? Magkikita daw..? ha!.. Sinong niloko nya.. hindi na iyun mangyayari.. hanggat maaga pa iiwasan ko na sya.. Ayoko sa mga babaeng masyadong soft.. Kase nasa loob ang kulo ng mga iyan.. katulad ng babaeng ng iwan saken.. tskk..
Nakasakay na ulet ako ng kotse ko.. may tumatawag ulet sa cp ko.. I’m sure sya ulet ito.. ang daddy ko na ngayon lang ako tinatratong anak..
Sa loob ng 18 years ko dito sa mundo, 3 years na ang nakakalipas simula ng tanggapin nya akong anak nya.. at sa loob ng 3 years na iyon ako ang umaayaw sa kanya.. na dati ako ang humahabol sa kanya maging ama lang sya kahit patago..
BINABASA MO ANG
Stalker si Cosplayer (ongoing)
Novela JuvenilNaranasan nyo na ba ang maging STALKER sa isang taong manhid at hindi marunong ngumiti.? Kase ako Oo. Grabe, yung feeling na isang tingin ko pa lang sa kanya nag ka crush na agad ako. Eto ang tinatawag na “crush at first site”. Kung ganon hindi ko n...