Kurt's POV
Damn. Kahit nasa unahan kami nagtatapakan kami ng paa.
"Huy, umayos nga kayong dalawa." Jade
"Kami na naman. Wengya!" Fritz
"Ikaw lang." Mabilis kong depensa.
"Wag kang magmagaling dahil nakakasuka." Fritz
"My gosh buntis ka?" pangaasar ni Jade
"Wala namang papatol dyan." banat ko.
"Alam mo ang yabang mo talaga. Eh sayo? May papatol kaya? Kahit pa ata bakla isusuka ka" Fritz
"Upakan kaya kita?" ako
"Pag inupakan mo ko, uupakan din kita eh di upakan tayo." Fritz
"Magsitigil na nga kayo. Pinagtitinginan na kayo." Jade
Ang tahimik nga nila at parang kinikilig?
Damn! Hawak ko pa rin pala ang kamay ni Fritz.
Agad kaming nagbitaw.
"Alcohol please." maarteng sabi nya.
"Ang arte mo! Safeguard nga." ako
"Germs talaga ang tinding kumapit." Fritz
"Feel na feel naman nya." ako
Pagkarinig ko pa lang nung bell lumabas na ako. May praktis pa kame eh.
Pagdating ko sa locker room kumpleto na sila.
Ang aga nila ngayon.
After naming magpalit ng Jersey dumiretso na kami sa field.
"Okay pahinga muna kayo." coach
"Tol, nalate ka ata ah." Paul
"Ha? Mga ilang minuto lang naman ah." ako
" Kanina pa kaya kaming lunchbreak dito." Paul
"Kala ko ba second period?"
"After lunch na wala ka kasi kahapon, nasa office ka daw."
Bigla naman akong napatingin sa malayo at nakita ko si Fritz sa may acacia.
"Paul, si Fritz ba yun?" tanong ko
"Ah oo favorite tambayan nya yan." Paul
"Class hours pa ah." ako
"Alam mo Kurt mahilig talagang magcutting yan." sya
"Di ba dati syang player?" ako
"Yup. Bakit?"
"Bakit sya lang ang babae?" curious kong tanong
"Malakas kasi syang maglaro, talo nga ako nyan eh."
"Palaruin kaya natin sya?" suhestiyon ko.
"Tara subukan natin malay mo pumayag."
Para kasing wala akong tiwala sa kanya. Parang puro yabang lang ang alam nya.
Fritz' POV
Two minutes ng late si Mam kaya nainip ako and as usual tumakas ulit ako.
Pumunta ako sa favorite place ko syempre sa acacia tree. Kinuha ko muna yung headphone ko at sinagad ang volume nang mp3 ko.
BINABASA MO ANG
The Never Been Inloved Boyish
Humor"Tangina Mo ka, Tadpole!" Eufritz Lee "Tangina mo din, Cockroach!" Kurt John Onessa Written by: Leahsena
