Kurt's POV
"Dapat magpasalamat ka kasi may tatay ka." napalingon ako kay Fritz na ngayo'y nakaupo na sa tabi ko. Narinig nya siguro na kausap ko kanina telepono si Dad.
"He doesn't deserve it." sagot ko sa kanya.
Huminga sya ng malalim at saka tumingin sa'kin ng diretso, bakit parang may lungkot sa mata nya?
"Ang sarap siguro ng pakiramdam ng may tinatawag kang papa." I've never seen her like this...sobrang seryoso. Parang hindi si Fritz ang kaharap ko ngayon.
"What do you mean?" I asked
"Hindi ko pa nakikita ang papa ko simula pagkabata. Sabi sakin ni mama mas makakabuti daw para sakin na hindi ko sya kilala."
I never thought na ganito kabigat ang pinagdadaanan ng isang Eufritz Lee. Nakilala ko sya bilang amazona, tarantado at puro kalokohan. "Alam mo ba gusto kong maranasan na magkaroon ng papa. Siguro kong kasama ko sya tuturuan nya akong magbasketball, papangkuhin ako pag pagod na ako...yung papa na ipagtatanggol ka pag may mga umaaway sayo. Yung papa na hihipan ang galos mo sa tuhod pag nasasaktan ka."
Tiningnan ko sya...nakangiti sya...totoong ngiti.
"You look beautiful when you're smiling." out of the blue kong sabi.
"T-tara na nga!" Tumayo na sya at iniwan ako.
Anong problema nun?
-MORNING-
LAST 2 DAYS
Ang ganda ng gising ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Natutulog pa rin si Fritz at gaya ng dati para syang anghel.
Sana makita mo na daddy mo.
I kissed her forehead.
"Sleep tight, Angel." bulong ko
I heard my phone rang. I answered the call.
"Yes? Mrs. Montejo."
[Pumunta kayo dito sa FRISAM company.]
"Okay. Bye."
I ended the phone call.
"Tadpole ako na magluluto." Gising na pala sya.
"Are you serious?" ako
"Mukha ba akong nagjojoke?" Fritz.
Inabot ko sa kanya yung lulutuing manok.
After 5 minutes.......
"Let's eat." nakangiting sabi ni Fritz na pawis na pawis habang dala yung lalagyan.
Ibinaba nya sa table..
"FUCk! Are you trying to kill me?!" ako
"Why? May mali ba?" inosenteng tanong nya...seryoso sya.
"Mukhang uling yang chicken."
Napakamot sya ulo.
"Ayy akala ko kasi pinapag-iga yung mantika pag nagpiprito."
"Tss."
Tumayo na ako at pumunta ng kusina at nagluto ulit ako. After naming kumain pumunta na kami sa FRISAM company.
"Brand new car para sa inyo." Mrs. Montejo.
Pansin ko namang hindi masaya si Fritz at nakatingin na naman sya dun sa black na kotse. Ano bang meron dun?
Nilapitan ko yung kotse.
Iba ang pwesto nya kumpara sa ibang kotse. Ngayon lang din ako nakakita ng ganitong kotse...personalized car. Pumunta ako sa likuran para alamin kung anong brand name.
BINABASA MO ANG
The Never Been Inloved Boyish
Humor"Tangina Mo ka, Tadpole!" Eufritz Lee "Tangina mo din, Cockroach!" Kurt John Onessa Written by: Leahsena
