Fritz' POV
Tapos na ang vacation namin kaya yan nakahilata lang ako sa kwarto habang nanonood ng spongebob.
Naiinis na talaga ako kay Patrick. Tss hindi aware sa mga nangyayari.
Narinig ko ang doorbell.
Ano ba yan! Mukhang tulog pa si mama at day off naman ng mag katulong kaya ako ang magbubukas.
I slightly opened the door.
What the!
"Mr. Lee? What are you doing here?" Gulat na tanong ko. Paano nya nalaman bahay namin?
Agad nya akong niyakap, bakit parang ang sarap sa pakiramdam? Parang nakaramdam ako ng presence ng isang AMA?
"Bakit po?" Naguguluhan kong tanong
Teka...umiiyak ba sya?
"W-where's y-your mom?" Tanong nya na parang magbebreakdown anytime.
Nakadrugs ba to?
"Nasa taas po. I'll call her." Tumakbo ako paakyat nang room ni mama.
Bakit nya hinahanap si mama? Friends ba sila? Don't tell me may relasyon sila? Aish! Malandi talaga.
"Ma, bumangon-bangon ka na dyan at may naghahanap sayo." Sabi ko habang hinahampas sya ng unan.
"Sino ba yun?" Tanong nya
"Bumaba na lang kayo." Ako
Nagsuklay at nagpolbo pa sya. Arte talaga.
"Kailangan mag-ayos talaga?" Mataray kong tanong kay mama
"Baka reporters, mabuti na yung maganda ako sa camera." Sagot ni mama
"What the fuck! Kahit pa ang pinakamahal na camera, masisira pag kayo ang humarap." Banat ko
"Whatever." Sabi ni mama.
Lumabas na kami nang kwarto at talagang nauna pa si mama.
Agad syang napatigil sa paglalakad.
"E-Eundae?" Bulong ni mama.
Nakatalikod si Mr. Lee at parang tinitingnan yung mag pictures namin.
Bakit kilala ni mama si Mr. Lee? Napatingin si Mr. Lee sa pwesto namin. Dali-daling bumaba si mama at agad na niyakap ng mahigpit si Mr. Lee.
"Eundae, you came back! Thank gahd you're alive. I really miss you." Umiyak na si mama.
Teka lang ha...can someone explain to me what is happening?
"Shsss I miss you too." Mr. Lee
"Sige, magyakapan lang kayo maghapon at wag nang magpaliwanag." Parinig ko
Agad na lumapit si mama sakin at hinila ako sa may couch.
"Fritz..anak palagi mo akong tinatanong kung sino ang papa mo..at ito ang sagot sa mga tanong mo. He's your father."
Wait......
Processing.......
Speechless ako. Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko. Dapat ba akong maging masaya o hindi?
Masaya ako dahil finally nakilala ko na ang tatay ko pero pano kung hanapin nya si Ate Fritzie? Anong sasabihin ko? Dapat ko bang sabihin na patay na sya at dahil yun sa katangahan ko?
Nakaramdam na naman ako ng guilt.
"Bakit mo kami iniwan?" Yan agad ang lumabas sa bibig ko.
BINABASA MO ANG
The Never Been Inloved Boyish
Humor"Tangina Mo ka, Tadpole!" Eufritz Lee "Tangina mo din, Cockroach!" Kurt John Onessa Written by: Leahsena
