Chapter 45

994 41 0
                                    

Fritz' POV

"Cockroach!"

"Cockroach!"

"Angel wake up."

"Wake up."

Naririnig ko ang boses nya pero hindi ko alam kung saan yun nanggagaling.

"I love you."

Minulat ko ang mata ko.

I'm just dreaming.

"I miss you Tadpole." Nasabi ko bigla. Bakit ganun? Kahit galit ako sa kanya mahal ko pa rin sya? I miss his voice.

Kurt, kelan ka ba babalik? Bumangon ako sa pagkakahiga. Sikat na pala ang araw.

"Goodmorning young Lady." Bati sa akin ni Papa.

"Goodmorning Pa, where's mom?" Tanong ko.

"Office." Sagot nito.

"Oh I see, have you taken your breakfast already?" I asked. 

"Not yet. I'm waiting for you to wake up." Sagot ni Papa.

Teka...bakit ko ba to ini-english? Nakakaintindi kaya si Papa ng tagalog. Tss

"Gutom na ako." Reklamo ko.

"Then let's eat." 

Naghayin na si manang ng pagkain, alangan namang sapatos sa breakfast di ba? Umupo na ako.

"Pa, gusto ko sanang magbakasyon." Ini-slice ko na ang meat na nasa harap ko.

"Sure, where?"

"Wag na pala, nagbago na isip ko." Sabi ko.

Sinamaan ako ng tingin ni Papa. Suplado.

Tumayo na ako pagkatapos kong kumain. Umakyat ako pabalik ng kwarto. Mag-o-online na lang muna ako sa facebook. Pagkabukas ko ng account ko, pangalan nya ang unang-unang lumabas sa news feed ko.

Kurt John Onessa

I always love you (eel ztirfue)
5 seconds ago

Hindi ko na lang pinansin, hindi ko naintindihan eh may balak pa ata syang magpagawa ng puzzle.

Kier Thunder Harris sent you a friend request,
Confirm. Delete.

Inaccept ko, dagdag collection din ng friends yun.

*ting*

Kier: Habagat, inaaccept mo na ang pag-ibig ko?

Me: ulol, wag ako!

Naglog-out na ako, ayokong kausap si Kulog nakakabadtrip sya. Gusto kong pumunta sa school ngayon, lumabas na ako ng bahay.

-SCHOOL-

Namiss ko tong school ko. Dahil sarado, umakyat ako sa may pader at saka tumalon sa may gate.

Ayos to! Walang tao, dumiretso ako sa may acacia. 

Teka...nandito si Tadpole.

Dapat pa ba akong tumuloy? Umakyat na rin ako dahil ayokong isipin nya na iniiwasan ko sya. Magmumukha akong pathetic.

"Tabi! Aakyat ang maganda." Singhal ko sa kanya.

"What are you doing here?" Gulat na tanong nya.

"Nakikisagap ng Wifi." Bored kong sagot.

"Stupid." Bulong nya.

"Kung tanga ako, ano ka? Sobrang tanga?" Hindi nya ako sinagot. He's staring at me. What the heck!

The Never Been Inloved BoyishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon