Fritz' POV
Malapit na...sobrang lapit na ng kasal nila. Tss eh di magpakasal sila at magsama hanggang kamatayan. Sa araw ng kasal nila sisiguraduhin kong ako ang pinakamaganda, para sa akin mapunta ang atensyon ng lahat hindi sa bride. Tss
*knock. Knock*
"Come in." Bored kong sabi.
"Anak.."
"Bakit ma?" Tanong ko.
"Ahm anak may sasabihin sana ako." Mama
"Alangan namang tulain mo." Sagot ko.
"Umayos ka. Seryoso ako." Sabi nya at umupo sa gilid ng kama ko.
"Weh?"
"Tss anyway sa Korea ka magkacollege." Walang kaemo-emosyong sabi ni mama.
"What the heck." Mura ko.
No! Ayoko nga dun! Wala naman akong kakilala dun eh!
"Yun ang gusto ng Papa mo."
"Tang*na!"
May cornetto kaya dun? At saka wala dun sina Jade.
"Okay na ba kayo ni Kurt?" Biglang tanong ni mama.
"Not yet and I don't know if we will." Simpleng sagot ko.
"I see." Malungkot na sagot ni mama.
"Bakit parang hindi kayo galit sa kanya?" Tanong ko. Totoo naman eh.
"Dahil kilala ko si Kurt. Mabait sya at alam kong may dahilan sya kung bakit nangyayari to." Ngumiti si mama sa akin bago ako halikan sa pisngi upang magpaalam na.
Yun na nga eh! Hindi ko alam yung tang*nang dahilan na yun. Sabagay kung aalis ako makakalimutan ko sya. Why am I even thinking about him? Wala naman syang pakialam sa akin di ba?
After two years.......
Joke lang. Tumulog na ako at saka ipinikit ang magaganda kong mata.
-NEXT DAY-
"Fritz!"
"Ano?" Tanong ko.
"Anong course kukunin mo?" Tanong sa akin ni Jade.
"Ano sa palagay mo?" Balik kong tanong
"Ahmm s--"
"Wag ka ng mag-isip dahil hindi naman gumagana." Mataray kong sabi.
"Ansama mo!" Reklamo nya.
"Tss ang ganda ko kaya." Sagot ko.
"Fritz, pupunta ka ba sa kasal nina Kurt?" Jade.
Bigla akong natahimik.
"I don't know yet." Sagot ko.
Tuloy na ba talaga ang kasal nila? Tss hindi sila bagay. Inayos ko na ang sarili ko. Magpapasama kasi ako kay Jade na magmall, mamimili lang ako ng mga sumbrero at jersey.
"Tara na?" Yaya nya.
"Let's go."
Nagdrive na kami papunta ng mall buti na lang hindi traffic. Pagkarating namin sa mall, dumiretso muna kami sa men's section. Palinga-linga lang ako habang naghahanap ng magandang sumbrero. Nakita ko yung black na sumbrero, hinawakan ko yun ng biglang......
May epal na nauna.
"Ibalik mo nga yan! Ako nauna eh!" Singhal ko sa kanya.
"Sorry ka mas matangkad ako." Banat nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/63410989-288-k136180.jpg)
BINABASA MO ANG
The Never Been Inloved Boyish
Humor"Tangina Mo ka, Tadpole!" Eufritz Lee "Tangina mo din, Cockroach!" Kurt John Onessa Written by: Leahsena