Fritz' POV
*Yawn.*
*Yawn*
"Ma, anong oras na?" ako
"7 o'clock na." mama
"WHAT?? 7 O'CLOCK?" ako
"Manahimik ka nga dyan Fritz, nagulat ka pa eh lagi ka namang late."
Epal talaga si mama. Nagpapractice lang eh.
"Nga pala Ma, wala ka bang trabaho ngayon?" ako
"Day off ko. Bilisan mo na late ka na." mama
"Aba! Hindi nyo papakainin ng breakfast?" ako
"Sa school ka na kumain, oh ito lunch box mo."
Nagpahatid na ako kay manong sa school, tinatamad akong magdrive.
Gaya ng sabi ni Mama sa cafeteria na lang ako magbebreakfast.
Anong ulam ko?
Adobong kutsara na may lahok na tinidor at palakol pampalambot.
Lol.
Pork tocino at cheesedog ang ulam ko.
"Bayang magiliw, Perlas ng silanganan~~~~"
Inabot na ko ng flag ceremony. Napasarap kain ko eh.
Marahil nagtataka at hindi malimi at lubusang maintindihan ng inyong utak kung bakit late na ang flag ceremony...well, para maiba naman.
Pumunta na ako sa room.
-ROOM-
"Okay, group yourself into two. And you will be partners for the whole year." ma
"NICE! VERY NICE!" sigaw ko. Eh paano ba naman 50 kami sa klase at kanya kanyang pili ng kapartner at ang nangyari yung seat mate nila ang partner nila.
Eh sino ba ang seatmate ko?
"Pano ba yan, tayo partner for the whole year, sigurado naman akong halos mamatay ka sa kilig." ngumisi sya.
"Tadpole? Kuto ka ba?" ako
"Huh? Mukha ba akong kuto? Ang gwapo ko kaya." sya
"Ansarap mo kasing tirisin. Bwiset!"
"Dapat magpasalamat ka pa nga." Tadpole
"Wow, maraming salamat. Napakabait mo, sa sobrang bait mo hihilingin ko kay lord na kunin ka na." sarkastiko kong sabi.
"Okay, may partners na ba?" mam
"Yes mam."
"So may ibibigay ako sa inyong seed. Itatanim nyo to at aalagaan. Kung sino ang may pinakamagandang sibol, yun ang makakasama sa tour in korea. This is an extraordinary seed kailangan ng sapat na pag-aalaga."
BINABASA MO ANG
The Never Been Inloved Boyish
Humor"Tangina Mo ka, Tadpole!" Eufritz Lee "Tangina mo din, Cockroach!" Kurt John Onessa Written by: Leahsena
