Fritz' POV
"Ma, pasok na po ako." Sigaw ko mula sa may pintuan.
"Aba ang aga mo naman ata ngayon." Puna sa akin ni mama.
"May gagawin pa po kasi ako." I kissed her cheeks and bid my goodbye to her. Wala si Papa dahil nasa Korea sya. Every weekend lang sya umuuwi and It doesn't matter to me anyway.
Pagdating ko sa school kokonti pa ang estudyante. Wala naman talaga akong gagawin eh. Gusto ko lang talagang tumambay sa may acacia bago magklase. Pagnagpractice na kasi ang mga players hindi na pwedeng gumala. Last practice na nga pala nila ngayon.
Calling Tadpole.......
Huh? Bakit naman sya tumatawag? I answered the phone call.
"Hello." Bati ko.
[......]
"Hello. Tadpole?." Ulit ko.
[....]
"Aba! Uso magsalita." Inis na sabi ko. Tatawag tapos hindi magsasalita. Parang tanga.
[...]
"Kurt."
[I love hearing your voice.] He said from the other line. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
I cleared my throat and managed to speak clearly.
"What do you want?" Tanong ko.
[Where are you?]
I smirked.
"Sa puso mo." Walang kaabog-abog na sabi ko.
[Huh? Paano ko malalaman kung nasa puso kita kung hawak mo ang puso ko.]
"Shut up! Ang corny mo." I hissed.
[Bumaba ka na nga dyan. Mukha kang unggoy.]
Nagpalinga-linga ako para hanapin sya at parang gusto kong tumalon dahil makikita ko sya.
[At your back.]
And there I saw him. He smiled at me and I smiled back. Bakit parang namiss ko sya? Pakiramdam ko gusto ko syang yakapin. Apat na araw kaming hindi nagkita. I was about to step forward to give him a hug but to my surprise he made the first move. He hugged me.
I stiffened.
"I miss you badly." He kissed my forehead.
"K-kurt." I whispered.
"Shss. Let's just stay like this." He hugged me tighter. I savor the moment and closed my eyes. Dahil kumportable ako sa yakap nya.
'I miss you Kurt.' Yan yung gusto kong sabihin sa kanya.
"I...I.." Ba't hindi ko masabi?
"You're what?" Tanong nya habang yakap pa rin ako.
"I..I..I am pretty." Ugh! Hindi ko kaya.
"You're not." Sabi nya.
"Okay. I'm gorgeous." I stated.
Humarap sya sa akin at tumingin sa akin ng diretso. Ngayon ko lang sya natitigan sa mata ng ganito katagal.
"Ang pangit mo." Biglang lumabas sa bibig ko.
"Liars go to hell." Sabi nya.
"Kaya pala nandun ka. Oh? Kamusta ang buhay nyo? May relief goods ba?" Tanong ko. If this is the only way para maitago ang nararamdaman ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/63410989-288-k136180.jpg)
BINABASA MO ANG
The Never Been Inloved Boyish
Humor"Tangina Mo ka, Tadpole!" Eufritz Lee "Tangina mo din, Cockroach!" Kurt John Onessa Written by: Leahsena