Fritz' POV
Nagising ako dahil parang may malakas na hanging dumadampi sa pisngi ko. Nagmulat ako ng mata.
"Tangina! Tadpole ilayo mo nga yan!" puna ko.
Buhat nya yung electric fan at sa mukha ko itinutok. Sagad pa yung hangin. Papatayin ba ako nito? Abnormal talaga.
"Buti naman gising ka na, akala ko natuluyan ka na. Breakfast is ready kaya bumangon ka na dyan hindi ka naman maganda para dalhan ng breakfast in bed." Tadpole.
Punyeta! Aga-aga mukha nya agad nakita ko.
"Sinong nagluto?" tanong ko
"Ako malamang. Tss." sagot nya
Napansin ko namang nakabihis na sya.
"Saan daw tayo pupunta?" ako
"Sabi ni Mrs. Montejo may pupuntahan daw tayong company." Tadpole
Pumunta na kami sa may table. Marunong pala syang magluto? Pinakasipat-sipat ko yung pagkain dahil baka may lason.
"Walang lason yan at saka kung may balak man akong patayin ka, isisilid na lang kita sa sako at ibibitin ng patiwarik at saka kita susunugin." sya
Paano nya nalaman yung iniisip ko?
"Kumain ka na lang, nakakahiya naman sa sobrang sarap ng tulog mo baka gutom ka na." sarcastic nyang sabi
"Dapat lang na mahiya ka."
Hindi ko alam kung anong tawag dun sa kinakain ko pero I admit, masarap talaga. Pero hindi ko sya pupurihin.
"Dahan-dahan naman, napapaghalataan ka tuloy na nasasarapan sa luto ko." Tadpole
"Binibilisan ko nga ng pagkain para maubos agad at ng matapos na ang kalbaryo ko." sagot ko
"So pangit ang lasa?" tanong nya
"Yeah." ako
Tumayo sya at lumapit sakin tapos kinuha yung kinakain ko.
Kurt's POV
Fuck this! I tried my best just to make this fucking dish perfect. I even woke up early to look for the damn ingredients .
She doesn't like it. First time to cook for a girl but I failed.
"Tadpole? What are you doing?"
"Di ba pangit ang lasa? Bakit mo pa kakainin?" I looked at her
"Is that so? Dahil lang sinabi ko?" sya
"Yeah, wala rin namang ibang kakain." tumalikod na ako para itapon.
.
.
.
.
"Fine! It taste great."
I smiled a bit.
Humarap na ako dahil parang nawala lahat ng inis ko kanina.
"Oh? Ano pang ngini-ngiti mo dyan? Akin na yang breakfast ko." Fritz
"Here." Ibinigay ko na ulit sa kanya.
Akala ko talaga hindi nya magugustuhan. After naming kumain, isinama kami ni Mrs. Montejo sa isang mataas na building company. Mas malaki ang building na to kesa sa kumpanya ni papa.
FRISAM COMPANY yan ang pangalan.
Ngayon ko lang napansin na company pala to ng mga kotse. Teka...nasan na ba si Fritz?
BINABASA MO ANG
The Never Been Inloved Boyish
Comédie"Tangina Mo ka, Tadpole!" Eufritz Lee "Tangina mo din, Cockroach!" Kurt John Onessa Written by: Leahsena
