Kurt's POV
Nagawa ko pero nawala naman ang babaeng pinakamamahal ko. She despised me. She hates me.
"Damn!" I cussed as I drink my vodka straightly. Maghapon lang akong nandito sa unit ko habang umiinom mag-isa. Damn. Ayoko nito.
Naalala ko na naman ang sulat sa akin ni papa bago sya manatay.
Dear son,
Alam ko sa oras na basahin mo to, wala na ako. Marami akong bagay na gustong gawin pero masyado na akong mahiha para magawa pa iyon. Anak, si Edgar Horrace sya ang taong nagpakulong sa akin sa loob ng limang taon, wala akong ninakaw na pera dahil hindi ko yun magagawa at ang totoo nyan, sya mismo ang nagnakaw ng pera para ipangsugal. Nagtataka na ang mga shareholders dahil nababawasan ang pera ng kumpanya. Wala syang mapagbintangan kaya ako ang sinabi nya na nagnakaw ng pera dahil ako ang finance manager. Gusto kong bumagsak sya dahil maraming tulad ko ang nakulong din ng dahil sa kasamaan nya. Sinubukan kong magsumbong sa isang kasamahan ko sa kumpanya tungkol sa anomalyang nagaganap dahil kay Edgar ngunit nakarating ito sa kanya. Dinala nya ako sa isang private jail. Lagi nya akong sinasaktan at binubugbog dahil alam nya na ako ang nakakaalam ng lahat ng ginagawa nya. Tumagal ako sa kulungan na yun ng limang taon. Halos mamatay ako sa sakit na nararanasan ko, hanggang isang araw may isang batang babae na lumapit sa selda ko at inabot sa akin ang susi upang makatakas ako. Sya si Mindy Horrace, pamangkin sya ni Edgar at kahit bata pa sya hindi nya gusto ang pamamalakad ng tiyuhin nya sa kumpanya. Hanapin mo sya at sana mapabagsak nyo si Edgar dahil mas maraming empleyado ang maghihirap. Ingatan mo ang sarili mo at ang kapatid mo lalo na ang mama mo. Mahal na mahal ko kayo.
-Papa.
"Fritz I'm sorry." Bulong ko at mabilis kong nilagok ang natitirang alak sa bote. Kahit masakit, nagsakripisyo ako. Mas pipiliin kong mahirapan kaming dalawa kaysa mas maraming tao ang matulad kay Papa. I cursed Edgar Horrace. Ito lang ang tanging paraan para makuha ko ang hustisya sa nangyari kay Papa noon.
Nakakailang bote na ba ako? Tss hindi ko na mabilang. Mahal na mahal kita Fritz. Pupunta na sana ako noon sa duet pero kinailangan kong pumunta sa kumpanya ng mga Horrace dahil nasa Pilipinas na daw si Edgar Horrace. Kasabay din ako ni Fritz na grumaduate dahil naghomestudy ako for two months at pinapadala ko na lang kay Andie ang mga works ko. Hindi ako nakaattend ng graduation day dahil inayos ko ang mga plans pero noong araw na yun, bagaman hindi ako nakamartsa kasama sya. I'm watching her while holding her diploma. Ayokong pumasok sa school dahil alam kong nandun si Fritz at ayokong syang madamay dahil pag nalaman ni Mr. Horrace ang tungkol kay Fritz, hindi sya magtitiwala sa akin.
Walang alam si Schinecka, tanging si Andie lang. Nasa condo lang ako at hindi umuuwi ng bahay. Miss na miss ko na si Fritz pero hindi pwede. Kailangan kong maging maingat. Minsan gusto ko na syang yakapin pero alam kong may nagbabantay sa bawat kilos ko kaya kailangan kong magkunwaring wala lang si Fritz sa akin pero bago matapos ang araw, halos patayin ko ang sarili ko. F*ck this life.
Parang gusto kong pumatay ng tao sa tuwing makikita ko si Fritz na kasama si Drew lalo na yung Kier na yun. Tss mas gwapo ako sa kanila.
"UGH!"
*crassssh*
Kumalat sa sahig ang bawat piraso ng bubog mula sa baso na itinapon ko.
"I love you Fritz." Bulong ko. Napasabunot na lang ako sa sarili ko at napasandal sa gilid ng kama ko.
I can't forget her last words.
"I'm no longer your girlfriend. My dramas ends here. I'm breaking up with you. That's for our closure."
BINABASA MO ANG
The Never Been Inloved Boyish
Humor"Tangina Mo ka, Tadpole!" Eufritz Lee "Tangina mo din, Cockroach!" Kurt John Onessa Written by: Leahsena
