Chapter 15

1.1K 48 1
                                        


Jade's POV

Ngayon ang laban ng Saint Berch at Southeast Asia kaya heto busy ang lahat sa paggagawa ng banners at mga pompoms. Mamaya pa naman 8:00 ang game.

Hindi kami nakauniform ngayon, dahil nakacivilian kame. Pati ako busy din sa paggawa ng banner para sa aking minamahal na boyfriend.

Malapit nang mag 8 pero wala pa rin si Fritz late na naman yun, may bago ba?

"Ang astig talagang pumorma ni Ate Fritz."

"Oo nga eh."

"Idol ko na sya."

Hindi na bago sa pandinig ko yan., bakit? kasi tuwing civilian ang suot namin, angat lagi si Fritz. Ewan ko ba dun, ang astig ba.

Then I saw her.

Nakabonet syang red at nakalugay ang mahaba nyang buhok, walang kulay blue sa buhok nya, brown lang tapos nakashades then may earphone at malaking black na damit, nakashort then rubber.

Kahit maluwag yung damit nya, ang sexy pa ring tingnan.

"Fritz." tawag ko sa kanya sabay ngiti ng malaki

"Wag kang ngumiti mukha kang aso." sya sabay nguya ng bubble gum.

"Ambad mo." ako

"K."

Nagring na ang bell at lahat ng estudyante ay pumunta sa field..open field.

Wag na kayong magtaka kung wala si Fritz. Malamang dun yun nakapwesto sa may acacia, mas maganda daw kasi dun mataas ang view at wala daw maaarteng ulahipan.

Fritz will always be Fritz.

Fritz' POV

Parang kinakabahan ako sa laban ngayon, maaring hindi ako kasali sa laro, pero I still care dahil naging part din ako nang soccer.

Pumwesto na ang magkabilang team, shit! Akala ko hindi na sya player.

Drew Martinez the cheater.

***Flashback 3 years ago.***

First day of being a player, freshmen pa lang ako masaya kasi pili ako, marami rin ang nag-audition for soccer sa babae that time bukod ang babae sa lalaki.

Si Jade dati rin syang soccer player pero after 1 year umayaw na rin kasi naaapektuhan daw ang studies nya. Laging nananalo ang team namin, dahil hindi sila makagoal, goal keeper ako.

Isang araw nagkayayaan ang buong team na magswimming sa malayong probinsya, hindi ako nakasama dahil hindi naman ako marunong lumangoy.

Then suddenly, nagtext sa akin si coach naaksidente daw yung van na sinasakyan nila, lima ang namatay at ang iba ay nainjury. At lahat nagbago na.

"Fritz, apat na lang kayong natitira, marami nang umayaw dahil kakaunti na lang ang members." coach

"Pero coach, panu yung laban namin bukas sa Saint Berch?" ako

"Wala na akong magagawa kundi....magbackout."

Girls vs. girls ang laban sana bukas pero dahil sa aksidente, nabuwag ang grupo..at hindi natuloy ang laban.

Narinig ko namang nagtatalo ang mga male soccer team.

"Ano ba naman yan, kung kelan kailangan saka pa umalis."

"Tsk.tsk"

Mukhang may problema, hindi kasi sila makapagpraktis.

Biglaan kasi ang pag-alis ng goal keeper nila at nagmigrate ito sa ibang bansa kaya problemado sila.

The Never Been Inloved BoyishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon