Schinecka's POV
"None of your business."
"None of my business? The heck John! Do you even care about her?" Inis na singhal ko sa kanya. Nandito ako ngayon sa condo ni John. I want to make things clear up, tapos sasabihin nyang none of my business.
"I have my own reasons." Sagot nya sabay tungga sa hawak nyang alak.
"Eh di sabihin mo sa amin para walang gulo." Giit ko pa.
"Not now." He said firmly.
"What the f*ck!" Mura ko. Halatang nagulat sya dahil for the first time in my life I cussed. "Do you know how much she misses you? Alam mo ang tanga-tanga mo. Sana naman kung maglalandian kayo ni Mindy, wag sa harapan ni Fritz. Hindi ko man makita sa mukha ni Fritz na affected sya pero kami mismo ang nasasaktan para sa kanya." Ako
"So you think I'm not?" Hindi ako makasagot sa tanong nya. Walang nakakaalam sa nararamdaman nya. "TANG*NA! Kung nasasaktan sya TRIPLE nun ang sakit na nararamdaman ko. Akala nyo ba hindi ako nasasaktan? F*ck! You don't know how hurt it is to see her with some other guy which is not ME, so shut the hell up."
*BLAGGG*
He shut the door and he left me dumbfounded. Bakit? Bakit sya masasaktan? Sya naman ang dahilan kung bakit nangyayari to. Babae ako at alam ko ang pakiramdam nun. Lumabas ako ng condo ni John na lutang pa rin ang isip. Kung ako ang nasa kalagayan ni Fritz baka maghapon lang akong nakakulong sa kwarto habang nagmumukmok. I admire her for being strong.
Malapit na ang kasal nina John at Mindy, sabi sa balita. Akala ko ba nasasaktan sya? Mahal pa nya si Fritz? Bakit itutuloy pa nya yung kasal? Ilang linggo na lang at habang papalapit ang kasal nila unti-unti na akong nanghihina para sa kanila ni Fritz. Alam kong behind her boyish acts, she really love my cousin.
I glanced at my wristwatch and it's already 7pm. I got on my car and started the engine.
I don't think I can still help them fixed their relationship. It's too complicated to settle.
Jade's POV
"So what's your plan?" Tanong ko.
"Nothing." Simpleng sagot nya.
"My gahd Fritz! Wala ka man lang bang balak na ipaglaban sya?" Nakapameywang tanong ko.
"Mahirap ipaglaban ang taong sya mismo ang unang bumitiw. I will fight for him? The f*ck! There's no reason to hold on."
"Kahit girlfriend ka nya?" Tanong ko.
"GIRLFRIEND lang ako, si Mindy FIANCEE nya. So what's the use?" Fritz.
She has the point pero di ba sabi nila kung mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo. Pero si Fritz kausap ko, iba ang pananaw nya sa buhay.
Bumalik na lang ulit ako sa panonood Tv. Si Fritz na yata ang pinakamahirap na kausap sa lahat ng nakilala ko because she has her own way of dealing with this life. And I don't have the rights to disrespect it.
"Oh Jade, nandito ka pala." Rinig kong puna sa akin ni tita Samie na pababa ng 2nd floor.
"Ah hello po tita." Bati ko.
"Oo nga pala Jade may napili ka na bang school for college?" Tanong ni tita at umupo sa tabi ko.
"Ah wala pa po eh. Si Fritz po ba meron na?" Tanong ko.
"We're planning to send her in Korea para mas mabantayan sya ni Eundae sa pagmamanage ng business while studying."
What? Teka...alam na ba ni Fritz to?
BINABASA MO ANG
The Never Been Inloved Boyish
Humor"Tangina Mo ka, Tadpole!" Eufritz Lee "Tangina mo din, Cockroach!" Kurt John Onessa Written by: Leahsena