Jade's POV
Tanghali na pero hindi ko pa rin nakikita si Fritz. Tsk! Tinanghali na naman siguro ng gising yun. Napatingin ako kay Kurt na busyng-busy sa pagkukulikot ng cellphone nya.
"F*ck!" Narinig kong mura nya.
"What's wrong?" Nag-aalalang tanong ni Mindy.
"I can't contact my...my...sister." Sagot ni Kurt. Weh?
"Oh I see." Sabi ni Mindy.
Tumayo na ako at naglakad papunta sa cottage ni Fritz para gisingin.
*knock.knock*
Walang sumasagot. Patay! Nasa loob pa naman ang lock nito.
"Mindy, sino ba ang may-ari ng resort na to?" Tanong ko kay Mindy na nagluluto katabi si Kurt.
"Ahm hindi ko kilala eh. Bakit?" Tanong nya.
"Hihiramin ko lang sana yung susi ng cottage ni Fritz." Sagot ko. Biglang napatayo si Kurt at sobrang bilis na tumakbo hanggang sa makarating sa harap ng cottage ni Fritz.
*BLAGG*
Damn!
Sinipa nya ang pintuan. Nasira ito. Nagulat ako ng makita ko si Fritz na sobrang putla at wala ng malay. Napatigil si Kurt kaya tumakbo ako agad sa pwesto ni Fritz.
"Ang taas ng lagnat nya." Sambit ko.
"Sh*t!" Mura ni Kurt. Binuhat nya si Fritz at dali-daling pumunta sa may kotse nya at saka dahan-dahang ipinasok si Fritz.
"I'll bring her in the hospital." Kurt.
He started the engine.
I smiled. Waaahhh! Kinikilig ako sa kanila haha. Sabi ko na nga ba eh! Mahal pa nya si Fritz.
Third Person's POV
Sobrang bilis ng patakbo nya dahil kailangan nyang makarating sa ospital. He looked at her.
"Damn! This is my f*cking fault. I'm sorry." Hinawakan nya ang kamay ni Fritz at hindi nya ito binitawan hanggang sa makarating sila sa ospital.
Agad namang may rumespondeng mga nurse sa kanila at isinakay si Fritz sa hospital bed.
"I'm sorry sir pero bawal po kayong pumasok sa loob." Paliwanag ng isang nurse.
"Move." Cold nyang sabi. Mukhang natakot sa kanya ang babae kaya hinayaan na lang sya nito na makapasok sa loob. May mga chineck ang doctor ganun din ang mga nurses.
"How are you related to the patient?" Tanong ng Doctor.
"She's my wife." Sagot nya.
"Mataas ang lagnat ng misis nyo at kailangan nyang mamahinga." Payo nito. Pagkatapos na sabihin yun ng doctor, umalis na ito. Umupo sya sa tabi ng higaan ni Fritz at saka ito tinitigan.
"I miss you girlfriend ko." He kissed her forehead and hugged her.
"I'm sorry, I love you I really do."
He kissed her lips for almost 20 seconds.
"Just wait girlfriend ko."
Fritz' POV
Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. Teka..asan ako?
"Finally you're awake." Agad na nabaling ang atensyon ko kay Mindy na prenteng nakaupo sa may sofa malapit sa hinihigaan ko.
BINABASA MO ANG
The Never Been Inloved Boyish
Humor"Tangina Mo ka, Tadpole!" Eufritz Lee "Tangina mo din, Cockroach!" Kurt John Onessa Written by: Leahsena
