04.
Makalipas ang Isang buwan.
Natapos ang araw ng kasal ni Ysa at Lewis del Mundo. Ganap na silang mag-asawa. Ngayon ay nasa reception ang mga ito at napuno ang kasalan ng tawanan at iyakan. Ngunit sa kabilang banda, may dalawang taong pilit na hindi dapat magtagpo.
"Uh, Fort! Samahan niyo muna si Jordan!" Sabi ni Andray. "Sasabihin ko lang kay Lewis na patapusin na 'yung picture taking nila."
"Sige ako bahala," paniguradong sagot nito.
Sa isang sulok, nandito ang babaeng kumukuha ng mga larawan. Tahimik siya'ng nakatingin sa mga taong dumadaan sa harapan niya. Ani nito'y hindi siya mapakali. Kanina pa ito binabagabag ng kaba.
"Bakit ka nga ba kinakabahan? They're just your past friends," pagkausap nito sa sarili. Maya-maya pa ay narinig nito ang pagtawag ng kaniyang kaibigan.
"Shaz, pack up na tayo. Patapos na raw," sabi ng kaibigan niya'ng si Collin.
"Okay. Puntahan ko lang sila—"
"No. Ako na. Ayusin mo na lang 'yung gamit na nailagay ko na sa Van. Nasa parking area 'yun. Tapos, kung gusto mo umuwi kana. Ako na bahala dito," pag-putol nito sa sasabihin ng dalaga.
"Okay so, I'm going then. See you tomorrow sa Shop," at dumiretso na ang babae sa parking area. Natapos na ang trabaho nila at kailangan na nilang maghandang umuwi. Itinabi ng babae ang kaniyang camera, ngunit bago ito tinignan niya muna ang mga kuha niyang litrato.
"Hindi 'ko akalaing ikinasal na ang dalawang 'to, parang kailan lang ayaw na ayaw nila ang isa't-isa," napailing ang dalaga at ngumiti. Inayos na niya ang kaniyang mga gamit.
Tinext naman nito ang kaniya'ng kaibigan na ipinapa-abot na siya'y mauuna na at iiwan na lang nito ang van. Tutal nasa kaibigan n'ya ang susi nito.
With her Ford GT car, umalis na ito. Sa pagta-trabaho niya, ngayon nya lang nabatid ang pagod. Matagal siyang nakatayo sa gilid at tahimik na kumuha ng litrato. Isa siyang photographer, ka-trabaho niya ang kaibigan niyang si Collin.
Kasama ang team, sila ang kumuha sa malaking kasalang naganap. Sa kaibigan niya'ng si Eyra nalaman ito, hindi na siya nakatanggi dahil sa mga nagawang mabuti nito sa kaniya.
Pagka-uwi n'ya sa condo'ng kaniya'ng tinitirahan, napasapo siya sa kaniyang noo.
"So tired. Grabe kasi si Collin e. Nakakita lang ng pagkain, iniwan na 'ko," naramdaman na lang niya na inaantok na siya kaya napahiga na lang ito sa couch. Still wearing her plain shirt and pants.
Sa kabilang banda, naiwan sa reception ang magka-kaibigan. Ang bagong kasal ay dumiretso na sa Airport para sa kanilang honeymoon.
"Hoy, ano na? Hindi pa ba tayo uuwi?" Tanong ni Viv.
"Oo nga. Tara na, tayo na lang nandito. Mahiya kayo sa mga maglilinis dito. Tsaka, pagod 'yang si Jordan. Pabalik-balik 'yan dito. Isang oras lang yata ang tinagal n'yan dito e," pagsang-ayon naman ni Fort. Tinitigan nila ang kanina pa'ng tahimik.
"Jordan? Ba't ang tahimik mo?" Pagtatanong ni Fort. Ngunit, Katahimikan ang nag-hari sa kanila.
Lahat sila, nakatingin at nag-aantay ng sagot dito. Ginulo nito ang buhok niya at Napasalubsob ang binata sa lamesa. Nakita nilang yumugyog ang balikat nito.
Umiiling sabay sabing. "Hindi ko alam pero... pero mukhang nakita ko siya."
***
Kinabukasan. Nagising si Jordan sa alarm clock at nagpagising lalo sa kaniya ang sinag ng araw na galing sa kaniyang veranda na tumatama sa kaniyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Between the two (Completed)
General Fiction"A war between remembering and forgetting." Completed, 8.18.2020.