06.
Matapos ang araw na 'yon ay nag-pasiya na rin silang umuwi. Ngunit bago umalis at magkaniya-kaniya ng landas nagsalita si Viv.
"Hoy, Jordan. Can we talk?"
Bahagya naman napatigil ang mga kasama nila. "What for?" Pabalik na tanong ni Jordan.
"Some stuffs, dude. Don't worry, 'di tayo kemper 'no!" Natawa namang sagot ni Viv sa kaibigan.
"Is it too serious to talk?"
"Well, kinda."
At sa pagkakataong iyon nagpasiya na rin umalis ang iba nilang kasama. Si Viv at Jordan ay naiwan.
"Jords, 'dun tayo sa romantic place 'nyo ni Shaz. We're going to have a serious talks," At walang anu-anoy pinaharurot ni Jordan ang kaniyang sasakyan papunta sa romantic place nila ni Shaznae.
Gabi na rin kaya masiyadong magandang ang tanawin. Kita kasi mula dito ang siyudad.
"Viv..." panimulang sabi ni jordan sa kaniyang kaibigan na ngayon ay nakatitig sa punong may naka-ukit.
"Jordan, alam mo ba kung kailan niya 'to inukit dito?" Tanong ni Viv nang nakatitig sa ukit at bahagyang nilingon ang kaibigan na siyang umiling para sa sagot. "Inukit nya 'to, nung unang araw ka niyang nakita at nakilala." Ngiting tugon ni Viv at nagpasiyang umupo.
"The first time we've met.. is actually not good."
"Yun ba yung sa school ninyo nung college?"
"Yes—"
"Nah! Hindi 'yun ang una niyong pagkikita, ano ka ba! I remember nung kinuwento niya saken 'yon. Priceless ang strawberry face nya!" At tumawa ito. "Pulang-pula ang babaeng 'yon, Susme! Dahil nga umangat na naman ang pamilya niya, lumipat na sila ng bahay 'non at lumipat na rin siya ng school kaya every weekends na lang kami nagkikita. She even told me every details nung unang pagkikita 'nyo."
Nag-ring na ang bell, hudyat na tapos na ang klase sa araw na iyon. Naghahanda na si Shaznae Lender ng gamit ng may marinig siyang mga tili sa labas ng kaniyang silid-aralan. Napahawak siya sakaniyang tainga dahil sa lakas ng ingay.
"Ano bang mayroon? Susme! karindi sa tenga ng mga 'yon ah! Ano bang meron?" Dali-daling isinukbit ang bag at hawak ang mga libro. Nang lumabas siya ay mas tumindi ang tilian ng mga kababaihan. Halos hindi lang ang mga kapwa niya nasa ika-apat na baitang ng hayskul ang mga nakikita niyang tumitili. Nakita niya ang isa niyang kaklaseng babae na tumitili rin kaya't lumapit siya. "Uy, ano. Uh, jel? Anong.. anong meron ba't ang ingay nila?"
"Sabagay, transferee kasi ang aming President e," at bahagya itong natawa.
"'Wag na ipa-mukha, jel. Mahirap na nga mag-adjust e."
"Tumitili sila kasi nandyan na ang anak ng isa sa mga may hawak ng school na 'to."
Napakamot sa ulo si Shaznae. "E, sino naman 'yon? Maganda ba siya?."
"Ay, hindi siya maganda Ms. President!" Bahagyang sigaw niya dahil palakas ng palakas ang tili ng mga kababaihan.
"Boset 'yan! Hindi naman pala maganda e bakit tinitilian? Nakaka-loka dito ah!"
"Hindi naman kasi siya babae, Ms. President e. Lalaki siya! Isang Gwapong Nilalang! Na halos lahat ng babae gusto siya!"
"Ay, pag 'yan hindi gwapo, Jel ah! Sinasabi ko sayo, papatanggal kita sa isa nating org. De, biro lang. O, sige uwi na 'ko. Bye."
"Ay, hindi mo man lang titignan yung lalaking sinasabi ko? Sayang naman 'yon, Ms. President. Sabayan mo na kami nila Angela maki-tingin. Ang alam ko ay di-diretso 'yon sa Office, diba dun din ang office niyo? Ng Students President?"
BINABASA MO ANG
Between the two (Completed)
General Fiction"A war between remembering and forgetting." Completed, 8.18.2020.