KABANATA 15

129 30 10
                                    

The Memories - III

***

Naghihintay si Shaznae sa labas ng silid-aralan ni Jordan nang may marinig siyang usapan ng mga babaeng dumaan sa harap niya.

"Ang ganda pa rin niya no? Pero minsan talaga hindi niya matago yung pagiging war freak niya like kanina, right?" Sabi noong babae.

"Yeah, she's gone for about two or three years 'di ba? I wonder kung ano yung dahilan niya kung bakit siya bumalik..." Hindi na narinig ni Shaznae ang mga sumunod na sinabi nung babae dahil may tumawag sakaniya at napalingon siya roon.

"Floral Babe! Sorry pinaghintay kita ng almost..." at tumingin si Jordan sa orasan niya, "Almost sixteen minutes. Sorry, Babe. Are you hungry? Naiinitan ka ba? Ano?"

Mahinang tumawa si Shaznae, "Ano ka ba, Okay lang po 'ko. Atsaka, 16 minutes lang naman po ako naghintay sa'yo dito," yumuko si Shaznae, "Walang wala 'yong two years kong paghintay na mapansin mo 'tong nararamdaman ko."

"Ha? Ano 'yon, Babe?" Tanong ni Jordan.

"Wala po. Sige na, tara na? Nauna na sila Ysa sa tambayan," at nag-simula na sila maglakad pero habang naglalakad sila ay nag-salita muli si Shaznae, "Uh.. nasabi ko na din pala kila Mommy at Daddy... at kay Kuya Scrip na.."

"Na alin, Floral Babe? Na may gwapo kang manliligaw?"

"Grabe ka. Yung part lang na may 'manliligaw' ako, pero yung 'gwapong manliligaw', hindi 'ko po nasabi. Pero hayaan mo po, sasabihin ko 'yon."

Napatawa naman si Jordan. "Mahal na Mahal talaga kita. So, ano sabi ng family mo?"

"They heard about it na pala, months ago. Inaantay lang na ako mismo po 'yong mag-open up sa kanila. But, sabi ni Dad na tapusin ko muna pag-aaral ko. Na tatapusin muna natin 'tong pag-aaral natin. After this, he'll approve na daw."

"I can wait, Babe. Hindi rin naman kita minamadali. Mahal kita kaya handa akong maghintay."

"Okay lang 'yon sa'yo? May isang taon pa po bago ako maka-graduate, ikaw ga-graduate na ilang buwan na lang," bakas ang lungkot sa tono ni Shaznae.

"Ano ka ba. Don't be sad! I'm always right here for you. E, ano naman kung ga-graduate na 'ko..." napa-isip si Jordan, "Shit! Mawawala na 'ko dito sa school marami na naman ang magbibigay sa'yo ng mga love letter, oh damn it!"

Nagulat naman si Shaznae kata tinakpan niya ang bibig ni Jordan, "Ano ka ba! Maraming naglalakad na Junior High! Baka marinig 'yang mga words mo."

Inalis naman ni Jordan ang kamay ni Shaznae.

"Iniiba mo 'yong usapan e. I-bagsak ko na lang kaya 'yong isa kong subject? Para mabantayan pa kita dito ng isang taon pa?" Seryosong tanong ni Jordan.

"Hala, parang tungaw. Sayang 'yong mga pinasok mo noong bakasyon, nahirapan ka pa nga sa pagiging irregular mo 'di ba? Kaya okay lang naman po 'ko dito. Nandito pa naman si Ysa at Eight e."

"Ba't ba kasi minadali ko 'yong pag-aaral ko at bakit late ko na rin kasi naramdaman 'to sa'yo e. Wala na kami nila Andray, Lewis at Fort dito. Walang magbabantay sa'yo. Kung si Ysa naman, magiging busy na rin 'yon kasi graduating na rin. Si Eight naman, Last year na niya sa Senior's kaya alam kong gagalingan n'on."

Hinarap ni Shaznae si Jordan na ngayon ang kamay ay nasa ulo at namo-moblema sa pinag-uusapan nila. "Nakakatawa ka, 'wag kana nga po mag-alala sa akin. I can handle myself. Okay? At saka, ikaw po ang inaalala ko."

Between the two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon