KABANATA 13

157 33 16
                                    

The Memories - I

***

Sa naturang lugar sa parke naghihintay si Jordan. Alas otso ang sinabing oras ni Eight kung anong oras sila magkikita ni Shaznae.

Ala siete y Media pa lamang ay nasa lugar na si Jordan. Maya maya ay nakatanggap s'ya ng mensahe.

From: Eight Dimetre

Kuya Jords, everything will be fine po. Okay? I'll call ate Nae the moment she's pop up there. We're here for u kuya!

Napa-ngiti na lamang si Jordan sa nabasa n'ya at bahagyang lumingon-lingon. Doon ay nakita n'ya sa 'di kalayuan si Eight at ngumiti sa kaniya.

Nag-hintay pa ng mahigit dalawangpung minuto si Jordan. Nang biglang may nakita siya na isang pamilyar na kotse. Tumingin si Jordan kay Eight, si Eight naman ay sumenyas na si Shaznae na ang dumating.

Sa hindi malamang emosyon ni Jordan, napagtanto na lamang niya na pinag-papawisan na siya. Hindi alam ni Jordan ang nararamdaman niya, dahil... heto na. Heto na ang pagkakataon niya.

Lumabas sa sinabing kotse ang dalaga. Hindi nga nagkamali, si Shaznae nga ang may ari ng kotse. Sa pag-tanaw ni Jordan sa babae, hindi niya mapigilan ang sobrang saya.

Habang papalapit si Shaznae at parang hinahanap si Eight, ay kinuha niya ang kaniyang cellphone at sinagot ang tawag.

"Ha? E, bakit? Are you busy, Eight? Akala ko naman makakasama kita ngayon," sabi ni Shaznae sa kabilang linya.

"Don't worry Ate Nae. Someone... there's someone who wait you naman there eh. I'm sorry talaga Ate Nae ha? Just this one please."

"Alright, alright. Who's that ba? Nasaan ba siya?"

"Just go straight, and then turn to your left. You're going to see a cotton candy booth, nandoon po siya."

Hindi na nagawang sumagot ni Shaznae dahil naputol na ang linya. Ngunit, sinunod na lamang niya ang sinabi nito. Sa kabilang banda naman, narito ang lalaking kanina pa kinakabahan, natatakot, natutuwa at kung ano pang emosyon.

Palapit na ng palapit si Shaznae. 'Di niya rin mawari ang nararamdaman niya, dahil sa pakiramdam niya... ay ibang tao ang makikita niya. Malakas pareho ang kabog ng puso nilang dalawa at parehas silang kinakabahan.

Naglalakad si Shaznae.

Naghihintay si Jordan.

Nang marating ni Shaznae ang sinabi ni Eight, duon niya nakita ang taong 'naghihintay' sakaniya.

Nang maglapat ang paningin nilang dalawa, parehas silang nagkatitigan.

Parehas silang hindi makapaniwala na magkatinginan sila ngayon.

Pero nasaktan si Jordan na makita niya ang walang emosyon na si Shaznae. Dahil nga nakatayo lang si Shaznae sa 'di kalayuan, si Jordan na ang lumapit. Bagamat kinakabahan siya, minabuti niya'ng lakasan ang loob niya dahil ito na ang tiyansa para makausap, malapitan niya at makapag-sabi ng nararamdaman niya na tinago niya ng mahigit apat na taon.

Nang makalapit si Jordan kay Shaznae, iniabot ni Jordan ang isang cotton candy at ngumiti rito.

"Naalala ko, mahilig ka sa cotton candy," saad ni Jordan. Kinuha naman ito ni Shaznae at ngumiti pabalik.

"Can we go... for a walk? And for a talk too?" Sabi ni Jordan. Nanguna sa paglalakad si Shaznae at sumunod na lang si Jordan.

"So, set up ba 'to?" Sabi ni Shaznae kasabay ang mahinang tawa nito. "Si Eight talaga."

Between the two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon