34.
"Shaz! Wake up! Breakfast is ready," Pagtawag ni Sandro sa kapatid.
"Yep, I'll be down in a minute," sagot naman ni Shaznae.
Inayos niya ang suot niyang high heels at muling tumingin sa kaniyang salamin.
"Okay, dokie," nakangiting saad ni Shaznae sa repleksyon.
Kinuha niya ang kaniyang gamit at nakangiting lumabas sa kaniyang kwarto. Dumiretso siya sa kusina.
"Ang bango naman po, Manang. Good morning po," bati ni Shaznae.
"Naku, umupo kana Hija."
Umupo silang magkapatid at nagkatinginan.
"What's with the morning smile?"
"Why? Wala naman, I just had a good sleep," sumandok si Shaznae ng kaniyang pagkain.
"You were so grumpy this past few days. Are you sick or what?" Natatawang tanong ni Sandro.
"No, kuya!" Natatawang sagot rin ni Shaznae sa kapatid. Tumuloy sila sa pagkain at muling nagsalita si Sandro.
"May susundo daw sa'yo, ihahatid ka sa trabaho."
Munting kinabahan si Shaznae ngunit mas nangibabaw ang kaniyang galak. Iniisip niya ang isang lalaking tanging gagawa lang nito sa kaniya.
"Okay,"
Nakangiti pa rin ang dalaga. Si Sandro naman ay napailing sa inaasta ng kaniyang kapatid.
Nang matapos kumain ay naghanda na siya upang lumabas dahil may bumusina na doon at hudyat na naghihintay ang maghahatid sa kaniya sa opisina.
"Wow, in a hurry?" Panunuksong sabi ni Sandro dahil sa pagmamadali ng kaniyang kapatid.
"Baka ma-late ako sa trabaho," humalik sa pisngi si Shaznae sa kaniyang kapatid bago lumabas ng bahay.
Ganoon na lang ang pag-uwang ng labi niya nang makita ang kung sino ang maghahatid sa kaniya. Naglakad na siya palabas. She sighed but she managed to smile at him.
"Clark..."
"The one and only!" Humalakhak ito, "Tara na?"
Tumango ang dalaga. Lumapit siya sa kotse at pinagbuksan ni Clark ng pinto.
"You look good, Shaz, well always naman," mahinang sambit ni Clark at ngumiti. "I have flowers for you at the back seat."
Pumasok na sa loob ng kotse si Clark at nag-simula nang magmaneho. Si Shaznae naman ay hawak hawak ang pulang mga rosas at hindi niya malaman kung bakit pakiramdam niya na si Clark ang maghahatid sa kaniya.
"Good morning, Ma'am Shaz," bati ng sekretary. "Good morning, Sir Perez."
"Good morning," nakangiting tugon ni Clark.
Hahabol pa sana ang sekretarya ngunit dire-diretsong naglakad sina Clark at Shaznae papunta sa opisina.
"Hindi mo na sana 'ko hinatid dito sa opisina ko Clark. Kaya ko naman," sabi ni Shaznae.
"It's okay, I want to do it since wala pa naman akong ginagawa dito."
Pinagbuksan ni Clark ng pinto si Shaznae at nagulat sila na nandun si Jordan. Inakbayan ni Clark si Shaznae at naglakad papasok ng silid.
"It's you again, Mr. Mondelez," nakangiting saad ni Clark. Pumasok na sila sa loob ng silid.
Pinasadahan ni Jordan ng tingin si Clark at tumingin na kay Shaznae
BINABASA MO ANG
Between the two (Completed)
General Fiction"A war between remembering and forgetting." Completed, 8.18.2020.