17.
"I'm fine. Really," wika ni Jordan kay Eight na ngayon ay naka-upo sa tapat ng lamesa ni Jordan.
"Kuya Jords naman, e. I know you're not, 'wag ka ngang mag-lie sa 'kin. Panget mo, e," sabi ni Eight na ikinatawa nilang dalawa.
"By the way, Where's your Kuya Fort? Kasama niya ba si Viv?" Tanong ni Jordan habang inaayos ang mga papeles na hawak niya.
"I don't know po. I don't have any balita nga po sa kanilang dalawa. My Kuya Fort is so Torpe and Ate Viv naman is so Manhid," sabi ni Eight at umikot pa ang mga mata nito. "Poor their relationship but I can see some improvements naman po."
"Hayaan mo na sila. Kaya ikaw, 'wag ka munang mag-madali. No rush, okay? You're still young and still our baby," salita ni Jordan at ngumiti ito.
"As if naman na may magtatangka sa 'kin, Kuya Jords. E, wala ngang makalapit sa 'kin," tumayo si Eight, lumapit kay Jordan para bumeso. "Sige po, Kuya. Mauna na po ako, ah. Punta lang akong Mall. I got Kuya's card e. "
Napangiti at iling na lang si Jordan nang umalis na si Eight. Nasa opisina ngayon si Jordan at ginagawa ang mga dapat niyang gawin. Lumipas ang ilang minuto ay may kumatok sakaniyang opisina.
"Sir, mayroon pong naghahanap sa inyo. Siya daw po ang pinapunta rito ni Senyor Guillermo Mendoza," wika ni Kenneth, ang sekretaryo ni Jordan.
"What? Akala ko ba next week pa ang meeting namin?" tumingin si Jordan sakaniyang sekretaryo.
"Tumawag na po sa 'kin si Senyor Guillermo, Sir. Ang sabi wala raw ho kasi siya next week, anak na lang niya daw ho ang pinapunta. They apologized, nasa rush din daw iyong anak ni Senyor kaya ngayon na niya pinapunta," sagot ni Kenneth.
Napasabunot naman si Jordan sakaniyang ulo. Bago mag-salita, nagpakawala ito ng buntong hininga. "Ready the Conference Area. Offer him some food or what he needs. Tell him to wait for me for ten minutes."
Tumango lang si Kenneth at umalis na. Si Jordan naman ay hinanap ang ibang papeles na kakailanganin niya. Binasa niya ang iba nito. Tumayo na siya at muling nag-ayos ng sarili.
Sa kabilang dako naman, Si Shaznae ay nasa opisina niya rin nang may tumawag sakaniya.
"Hello?" Wika ni Shaznae habang abala sa pagbabasa ng isang dyaryo. Napakunot na lang si Shaznae dahil walang sumagot. "Kung wala kang balak na mag-salita bette—"
"Tsk. Hobby mo talaga ang hindi pag tingin kung sinong tumatawag sa'yo," napaayos naman si Shaznae nang marinig niya ang boses sa kabilang linya. "Where are you? Are you busy?"
"E, I'm sorry Sandro. Ikaw lang naman ang tumatawag sa'kin, 'di ba? 'Wag na tampo. Well, nasa office ako. Mamaya naman gabi, pupunta akong studio. I'm kinda busy. Why?"
"Nothing. I'm just checking you out. May meeting ako, actually he's late. I'm here eating some sushi, waiting him for almost seven minutes."
Napatawa naman ng mahina si Shaznae. "Oh, God. Pinaghihintay niya ang Sandro Mendoza? Dapat nangangatog na 'yan sa takot."
Tumawa silang pareho.
"Damn. You're crazy. So, gotta go. He's here na daw. Good luck to your day, love you!"
Napangiti na lang si Shaznae, hindi na siya nakasagot dahil naputol na ang linya. Sa isip isip niya, siya na yata ang pinaka-maswerteng babae.
Lumipas ang ilang oras, habang tutok na tutok si Shaznae sa kaniyang pag-aayos at pagbabasa ng mga papeles na hawak niya ay may tumawag muli sakaniya. Nagtaka siya dahil nagawa niya itong tignan, inaakala niyang si Sandro ang tumatawag ngunit ito pala ay isa sa mga kaibigan niya.
BINABASA MO ANG
Between the two (Completed)
General Fiction"A war between remembering and forgetting." Completed, 8.18.2020.