07.
"Jordan? Ba't di mo kasi pinapansin yung pinakilala sa'yo ng kaibigan ng mama mo?" Tanong ni Lewis.
"Ayoko nga. At saka baka mag-selos si Georgie pag kinausap ko 'yun."
"Wala naman na kayo ni Georgie, 'di ba? Nakipag-break na nga sayo yun eh. Ang ganda naman nung pinakilala sayo ni Tita Jen? Medyo nerd nga lang," sabi naman ni Fort.
"Ayoko nga. I'm still waiting for Georgie to come back."
"Puro ka Georgie. Sinaktan ka na nga, Georgie ka pa rin? Palitan na lang natin pangalan mo, gawin na lang natin'g Georgie. Baka sakaling makalimutan mo man lang," sarkastikong wika ni Andray.
"At least, Georgie is real. Unlike your date last week who ghosted you."
"We dated for almost fucking two months. It was as if she ghosted me. May emergency lang," sabi ni Andray. "Anyways, Shaznae seems so harmless naman."
"At saka, I heard she came from a decent family which is the Lender. Siya nga 'yung nerd na inaasar mong floral na hanggang ngayon hindi namin ma-gets kung bakit floral ang inaasar mo dun," saad ni Andray.
"Ayoko. Ang weird niya," saad ni Jordan.
"Buti nga, dala nu'n libro! 'Yung ibang babae dyan, ang dala make-up o di kaya'y wala talagang dala!"
"Punyemas ka talaga, Fort. Napakataba ng utak mo! Hayop na 'to."
At nagtawanan na lang ang mga binata. Sila ngayon ay nasa dulong bahagi ng paaralan nila kung saan sila lang ang pwedeng pumunta. Kumbaga, sakanila ang teritoryong ito.
"Jords, ayun 'yung babae!" Sabay turo ni Andray sa babaeng naglalakad at umupo sa nag-iisang upuan.
May nilabas ang babae na puro papel at mula sa kinatatayuan ng mga binata, kita mo ang pagka-bahala sa mukha ng babae.
"Ang dami naman yatang papel ng babaeng 'yan? Nagse-segregate ba 'yan?" Bahagyang tumayo si Andray.
"Dray? San ka pupunta?"
"Titignan ko lang 'yon. Kakausapin ko. Tara, samahan nyo ko dali!" At walang anu-ano'y nag-silapitan ang mga binata, habang abala ang dalaga sa pagtingin sa mga papel na nasa harapan niya.
"Hi! Ikaw 'yung pinakilala ni Tita Jen kay Jordan, 'di ba? and you're Shaznae. Right?" Sabi ni Fort ng makalapit ito.
"Hi. Yes, I'm... I'm Shaznae," Sagot naman ng dalaga.
"Ano 'yan? Ba't ang dami mong basura?" Tanong ni Lewis.
"Yung iba.. galing mismo ro'n sa mga nakaka-salubong ko. 'Y-yung iba naman sa Locker ko nakuha... Sulat. Mga love letters..." at bahagyang yumuko ang dalaga dahil sa hiya.
"Sabagay, Maganda ka naman talaga. Mag-ingat ka lang, madami pa namang Loko-loko dito sa University. Patingin ako ha? Kahit isa lang?" At dumampot si Andray ng isang papel. "Oh, sht! Dude, 'yung captain natin oh! Damn! Nag-love letter pa kay Shaznae. Akala ko ba lahat ng magustuhan nito ay makukuha niya?!"
At tuloy pa din ng tawa ang binata. "Teka, Shaz. First year college ka pa lang din, 'di ba?" Tanong nito.
"Oo. Fine arts," sagot ng dalaga.
"Ang cool!" Napansin din naman nila na tahimik si Jordan. "Oh, Jords. Ba't ang tahimik mo? Sige na nga. Mauna kana. Dito muna kami, sasamahan muna namin itong si Shaznae."
At walang anu-anoy nagsimulang maglakad palayo si Jordan.
Samantala, naging magaan ang loob ng tatlong binata na si Lewis, Fort at Andray kay Shaz. Nag-daan ang ilang araw, lagi ng magkakasama ang tatlong binata pati ang dalagang si Shaznae. Dahil nga nakakasama na nila ang dalaga naging malapit na rin sa kaniya ang kapatid na babae ni Fort na si Eight at ang kaibigan pa nilang babae na si Ysa. Ngunit, kahit ganoon na lang ang pagsasama-sama nila, nanatili pa rin ang malamig na pakikitungo ni Jordan kay Shaz.
BINABASA MO ANG
Between the two (Completed)
General Fiction"A war between remembering and forgetting." Completed, 8.18.2020.