18.
Naglalakad ngayon si Jordan pauwi sa condo niya nang makita niyang may tao sa labas ng pintuan niya. "Viv? What are you doing here? It's already late."
Tanong ni Jordan nang madatnan niya si Viv.
"Sa tingin ko kasi nagiging unfair na 'ko sa'yo. Sa inyo," sagot ni Viv. "I guess, it's time to say kung anong nangyari kay Shazzy noong umalis ka."
Tahimik na naglakad si Viv, dinala sila sa itaas ng gusali. Sa rooftop. Si Jordan naman kahit hindi alam ang mangyayari ay sumunod pa rin siya at kinakabahan na rin siya kaya hinanda na niya ang sarili niya.
"Ano ba 'yon, Viv? You're creeping me out," wika ni Jordan.
"Sorry, kasi tinago ko sa inyo 'to. Nadala lang din talaga ako ng galit ko," sabi ni Viv. "Noong mga araw na wala ka, nakita ko 'yong weakest side ni Shaz. Mahigit isang taon ka rin nawala, 'di ba? At mahigit isang taon din nawala ang kaibigan ko. Hindi siya physically nawala, but she's emotionally gone."
"What? How could you hide this to me, Viv? You know I suffered too," saad ni Jordan.
"Sabi ko nga, nadala lang ako nang galit ko sa'yo! Halos hindi ko makilala ang kaibigan ko dahil sa'yo! After noong graduation namin, nagtanong siya sa'kin. Hindi lang simpleng tanong iyon, naramdaman ko ang sakit d'on."
"Viv. Tapos na tayo ng college. Congrats sa 'atin! Parehas natin natapos 'yong isa sa mga napag-usapan natin na pangarap na sabay nating gagawin," wika ni Shaznae habang umiiyak.
"Oo nga, Shaz, e. Kaunti na lang, maabot na rin natin 'yong magandang pangalan at buhay na gusto natin," sabi ni Viv at napansin niya pa rin na hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak ang kaniyang kaibigan. "Ano ka ba, tama na. Grabe naman 'yang tears of joy mo, e. Tamang-tama, uhaw na uhaw na 'ko!"
Tumawa sila pareho. "Natutuwa lang ako. Kasi kahit magkaiba tayo ng school, friendship pa rin tayo. At saka, ako pa rin ang nag-iisa mong bestfriend."
"Ang drama drama naman nitong matalik kong kaibigan!" Tumawa si Viv at niyakap ang kaibigan niya. "Ikaw na ang naging kaibigan ko simula pa lang. Hindi na magbabago iyon 'no! Kahit medyo malayo ang katayuan natin sa buhay, walang wala 'yon."
"E, Viv? Hindi mo rin naman siguro ako iiwan, 'di ba? Hindi mo naman siguro ako sasaktan?" Tanong ni Shaznae at walang naisagot si Viv sa tanong ng kaniyang kaibigan kaya ang ginawa na lamang niya ay yakapin ito at hindi napigilan ang lumuha.
"Iyong tanong na iyon? Kahit hindi siya mag-open up sa 'kin? Alam kong nasasaktan siya n'on. Oo, masaya kami pareho noong araw ng Graduation namin pero makikita mo sa kaniya na hindi siya kumpleto. Una, because her parents are not there. Si Kuya Scrip lang ang nag-sabit ng medals niya. Pangalawa, dahil naalala niya 'yong pangako mo sa kaniya."
"Oh, Shazzy! Mabuti na lang naabutan kita dito sa school ninyo. Bakit ba kasi nag-sabay 'yong araw ng Graduation natin pareho, e," sambit ni Viv ng makita niya ang kaibigan.
"Hindi, kanina pa tapos 'yong Graduation namin. Sorry 'di ako nakapunta sa school mo," sagot nito at saka luminga-linga na para bang may hinihintay. Tumingin naman sa gawi si Viv kung saan tumitingin si Shaznae.
"Ano 'yon, Shazzy? May inaantay kapa ba? Dumating naman siguro sila Tito at Tita, 'di ba?"
Napayuko si Shaz. "Hindi nakarating si Daddy and Mommy, e. Si Kuya lang 'yong sumabay sa akin paakyat ng stage."
"E, Ayown naman pala! Nand'on naman pala si Kuya Scrip, e. Nasan nga pala siya? Nauna na?" Masiglang wika ni Viv.
"Pinauna ko na siya. Ayaw pa nga niya umalis, ang gusto niya nga mag-date daw kami. Sabi ko naman, mamaya na lang gabi. Di-diretso ako sa resto na favourite ko, d'on nalang kami magkikita," paliwanag ni Shaznae.
BINABASA MO ANG
Between the two (Completed)
General Fiction"A war between remembering and forgetting." Completed, 8.18.2020.