KABANATA 29

52 6 0
                                    

29.

"Shaz, wake up." Mahinang paggising ni Jordan sa dalaga.

"Kuya Jords, tulog pa din si Ate Nae?" Tanong ni Eight nang makalapit. Tumango naman ang binata. "Wake her up na. We started to cook na, e."

"You guys can go first, I'll wait for her to wake up."

Umalis na ang dalaga at sumama na sa paglalakad. Sina Jordan at Shaznae naman ay nasa loob pa rin ng kotse.

Habang hinihintay ang paggising ni Shaznae ay tumunog naman ang telepono ni Jordan. Lumabas siya at sinagot ito.

"Hello, Jords! I'll be on my way na, saan ba kayo dumiretso?" Tinig ni Andray ang nasa kabilang linya.

"We're already here in Lucban. Dumiretso na rin kami dito sa bahay bakasyunan nila Fort."

"I see. Magpapahatid na lang ako. Send me the address, dude. I'm exhausted, can't drive when I'm like this shit."

"You're already a shit eversince, dude."

"What the heck, Jordan!? Are you really my best friend and cousin?! For real?"

"So loud. Gotta go. Gising na siya." Pinatay na ni Jordan at pumasok muli sa loob ng sasakyan ng makitang gising na ang dalaga.

"Nandito na tayo? Bakit 'di mo 'ko ginising agad?" Umunat pa ito mula sa pagkakaupo.

"I tried pero hindi ka nagising, e." tinanggal ng binata ang seatbelt ng dalaga para makagalaw ito ng maayos. "You hungry?"

Tumango si Shaznae. Napagpasiyahan na nilang pumasok sa bahay.

"Finally! You're already gising na Ate Nae. I baked lasagna! I'll get you some to taste."

Napatawa naman silang lahat.

"Shaz, akala namin buong gabi ka ng tulog sa loob ng kotse ni Jordan. Bakit ba antok na antok ka?" Tanong ni Ysa habang nakaupo at nasa sala. "Pinagod ka ni Jordan, unang biyahe pa lang?!"

Lumakas ang tawa nila.

"Lewis, your wife." Banta ni Jordan.

"Oh, my wife? She's damn gorgeous." Pabalik na asar ni Lewis sa kaniya. Umupo naman katabi ni Ysa si Shaznae.

"Nasan sina Fort?"

"Oh, they're upstairs. Inaayos yung mga gamit." Sagot ni Ysa. Napatingin naman siya kay Jordan na ngayon ay nakikipagtawanan kay Lewis at Eight. "Yung gamit mo pala, naakyat na rin ni Jordan sa kwarto mo. Sabi niya kasi wag ka gisingin. Nagalit pa nga kay Fort kanina nung bumubusina siya. Asar na asar naman si Jordan."

Napatawa ng mahina at bumalik kay Ysa ang tingin ni Shaznae. "Grabe, ganoon ako katagal nakatulog?"

"Oo, Shazzy. Pero keri lang. Naayos naman na ni Jordan mga gamit niyo. Settled na lahat. Pati nga kama mo doon sa kwarto, pinapalitan niya ng bulaklakin pati nagpalagay siya ng flower vase sa tabi ng kama mo. Kilig much!"

Napatawa naman silang dalawa. Ilang minuto pa ang tinagal ng kanilang paguusap nang makita nila Fort at Viv na pababa na ng hagdan.

Between the two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon