KABANATA 25

60 6 0
                                    

25.

"Dahon, may naka-line up for photo shoot next week, go ka ba pa dun girl?" tanong ni Eyra.

"I don't think so. I-tanong mo muna si Collin. Baka magpa-tawag kasi si Dad ng meeting and don't your remember my purpose here?"

"Hoy, ano 'yan? Anong don't your remember na 'yan?" tanong ni Collin. Tumango at tumawa na lang sina Eyra at Shaznae.

"Wala 'yon. Anyways, maaga ako aalis ngayon dahil may pupuntahan kami." sambit ni Shaznae.

"Iiwan mo na naman ako ng ilang oras dito kay Collin? Dahon naman, e!" pagmamaktol ni Eyra, "Where ka ba pupunta? Sama na lang ako!"

"Hoy, Eyra! Kung maka-demand ka dyan! Lugi ka pa ba sakin?"

"Oh my gosh, oo! Sige na, dahon!"

Natatawa na lang si Shaznae sa dalawa, "I have a date, I don't need chaperon."

Natigilan naman ang dalawa. Si Eyra ay lumipat sa harap ni Shaznae, habang si Collin naman naiwang nagtataka.

"For real, sis?!"

"Yes. So, kung puwede lang mag-trabaho na tayo dito para matapos at makapag-ayos pa 'ko."

"Sino ka-date mo? Isusumbong kita kay Sandro! Mamaya kung saan ka lang pupunta. Don't you remember your purpose here?" She mimicked me her last sentence. I laugh.

"I already called Sandro, okay? Sabi niya kung kaya ko na daw makipag-date, bakit hindi? Tutal single naman daw ako." sabi ni Shaznae at ikinatawa nilang magkakaibigan.

"Lakad mo na naman kasi ako kay Sandro, dahon! Heto naman, parang 'di friendship!"

"Frienship tayo?" tanong ni Shaznae na ikinabusangot ng mukha ni Eyra at kinatawa naman ni Collin.

"Hay. Ang handsome naman kasi talaga ng brother mo. Is he even real?!" sabi ni Eyra.

"Kulit mo ha. Nagseselos na si Collin!" pang aasar ni Shaznae sa dalawa.

Matapos nilang mag-asaran ay pinagpatuloy na nila ang kanilang gawain. Hindi maalis ni Shaznae ang kaba na nararamdaman niya mula nung nag-usap sila ni Jordan at pagtapos ng kaniyang trabaho ay magkikita muli sila.

Ilang oras matapos ang trabaho nagpasiya na ang dalaga na umuwi para makapag-ayos na.

"Sands, do you think this will be okay?" tanong ng dalaga sa kapatid habang nakaupo sa sala.

"What do you mean?"

"Heto. Yung mag-uusap kami after years..."

Lumapit si Sandro, inakbayan ang kapatid. "You deserve explanation. Kung ako lang sana magde-decide, hindi ako papayag na mag-usap muli kayo. I've seen you in so much pain, so why the hell I will let that man who broke your heart, see and have a date with you again? I've seen you suffer for how many years and keep yourself on the blame. But I think the best way to keep my sister okay is to know what's keeping you behind him."

Napatingin ang dalaga sa kapatid.

"Nung nalaman ko na ikaw 'yong kapatid ko, that gave me a hope. Hope to make my life better. As you witnessed me before, I dont care about the companies, money and Dad. All I want before is to party, being wasted, doing stuff that our Dad doesnt like." he chuckled, "But when you came and the court granted us to have you and your surname changed, that's when I realized I have to be better."

"You are better when even without me, Sands." sabi ng dalaga.

Umiling ang binatang si Sandro, "Dad doesnt like who I am nung lumaki ako. Somehow naiintindihan ko naman si Dad, kasi nawala ka sa amin. Kung maayos lang siguro naghiwalay sila Mom and Dad before, hindi ka mawawala sa amin."

Between the two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon