10.
"Jordan, ano ba?! Ano bang nangyari ha? Bigla ka na lang naging ganyan after that friday night. What's wrong?"
Napangisi na lang sa sarili si Jordan sa tanong ng kaniyang kaibigan. "You know what is wrong, guys. You all fcking know."
Itinuloy niya ang gawain niya sa kaniyang lamesa.
Narito ang buo niyang mga kaibigan. Sina Viv, Fort, Andray at ang mag-asawang kakauwi ko lang galing ibang bansa na sina Lewis at Ysa.
"Teka, ano bang nangyari last friday ha? Wala 'kong alam oh," singit ni Lewis. Wala naman tumugon sa kaniya ngunit ang lahat ay naka-tingin ngayon kay Jordan na tutok sa kaniyang laptop at mga papeles.
"I'm busy. So please, don't disturb me. Can you guys leave me for awhile?" Seryosong sabi ni Jordan.
Bigla namang tumayo ang kaibigan nilang si Andray. "What the heck, dude?! Last week lang okay ka. Tapos ngayon, ganyan na naman? You really fcked up, bro."
At bigla na lang itong lumabas. Natira ang mga kaibigan nila na 'di alam kung saan pa titingin, sa kaibigan nilang halos nakatitig lang sa kaniyang mga papel o ang kaibigan nila na umalis.
"Sundan niyo na 'yon, okay lang ako. I'm sorry guys. I.. I just need time. And silence."
Seryosong saad ni Jordan. Napa-buntong hininga na lang ang magka-kaibigan. Wala silang nagawa kaya't tumayo na sila para umalis. Ngunit si Lewis ay nanatiling nakaupo. Tinignan ito nang iba pa niyang kaibigan.
"Mauna na kayo. I have to punch this man. Ysay, love. Sama kana muna sa kanila ha? I'll call you after this. Okay?" Sabi ni Lewis at sinara ang pinto ng office nang kaniyang kaibigan. Lumakad ito papunta sa harap ni Jordan.
"Now, Mondelez. Talk."
Napa-ismid si Jordan. "I told you, I'm busy. I don't have time to this, man."
Kumuha ng dalawang baso si Lewis at nag-salin ng Wine na nakita niya sa maliit na lamesa sa opisinang ito. Inilapag ni Lewis ang isang baso sa tabi ng mga papel ni Jordan. "Nawala lang ako nang ilang linggo, ganito na agad bro? Hindi man kayo mag-kwento sa akin, alam ko na kung ano 'yon."
"Lewis, you're damn tired. Kakagaling mo lang sa honeymoon n'yo, I know. So you can kick your ass outta here. I don't have time to share what's inside me today. Okay?"
Pero hindi pa rin nagpa-tinag si Lewis. Iniisip niya na kailangan siya ng kaibigan niya ngayon kaya tiniis niya ang ugali nang kaibigan niya.
"Nakita mo na siya. Am I right?" napatingin si Jordan sakaniya. "Of course, I knew. I already saw her twice. Noong una sa Eyra's Glimpse. Second is... the day of my wedding."
Napatigil sa pagta-type si Jordan, "So, matagal n'yo na palang alam? Ano 'yon, Lewis? Inantay n'yo talaga na ako mismo ang makakita talaga?"
"Exactly, man. Gusto namin na ikaw mismo ang mag-approach sa kaniya. Gusto namin kung ano ang gusto mo yung gawin mo! Kasi ang tagal mo siyang hinintay, hindi ba? Ang tagal mong nagpaka-tanga at umasa sakaniya. And now man, she's here. Abot kamay mo na nga kung tutuusin! Hindi ikaw si Jordan na kilala namin noon. It's not really fcking you."
"Of course, I've changed. For her. For better me," tinigil ni Jordan ang kaniyang ginagawa at sumandal sa kaniyang upuan. "That friday night was supposed to be my chance to talk to her. But... but heck dude! I don't get it, when I looked at her that night nakita ko na ang saya-saya na niya. She changed a lot. Everytime na makikita ko siya na madaming nagpapa-picture sa kaniya kasi Lewis, sikat na siya! Nakuha na niya 'yung pangarap niya! Tapos ako, naghihintay na bumalik siya kasi mahal na mahal ko pa rin siya. Na kahit ano ang gagawin ko, bumalik lang siya! Oo, she's here. She's near but too far from me."
BINABASA MO ANG
Between the two (Completed)
General Fiction"A war between remembering and forgetting." Completed, 8.18.2020.