26.
Kanina pa tumutunog ang orasan. Ngunit hindi ito pinapansin ni Shaznae. Kanina pa siya gising at walang ganang nakatingin sa kisame.
Maya maya ay may kumatok.
"Shaz, gising na. You'll be late." Wika ng kapatid niyang si Sandro pero hindi pa rin gumalaw si Shaznae at itinuloy ang pagtitig sa kisame.
Muli itong kumatok. "Shaz? You know I love you, right?" Marahang sambit ni Sandro.
Sa sinabing iyon ni Sandro ay napatikhim ang dalaga, pumikit, gumilid at niyakap ang kaniyang unan.
"I know. I know..." Sabi ni Shaznae sa kaniyang sarili.
"You can talk to me now or when you're ready. Nagkukulong kana naman." Sabi nito.
Mumunting tumulo ang luha ni Shaznae. Tinakpan niya ang mukha niya at pinipigilang umagos ang luha. Parang tanga si Sandro.
"Kung gusto mo, 'wag ka muna pumunta sa trabahon ngayon. Sasabihan ko na rin si Collin na hindi ka makakapunta sa studio. Rest now, Shaz. Okay?"
"Please... Stop..." Sambit ng dalaga sa gitna ng kaniyang pag iyak. Mas lalo niyang diniin ang sarili sa unan. Ilang minuto pa ay muling may kumatok.
"Shaz, please? Can you open the door?" Sabi ni Sandro matapos ang katok.
Pinunasan ni Shaznae ang kaniyang mga luha. Hihikbi-hikbing tumayo ay binuksan ang pintuan. Ganoon na lang ang gulat at lungkot ng kapatid niya nang makita ang mugtong mata ni Shaznae.
"Gusto ko lang itanong kung gusto mo na kumain?" Wika ni Sandro sa kapatid.
"You really look good when speaking in tagalog. Well, yeah. I'll be downstairs in ten minutes." at pinilit ngumiti ang dalaga.
Bumuntong hininga si Sandro at niyakap ang kapatid. "Don't force yourself to smile. That gives me chills."
Mahinang tumawa at umiling si Shaznae. "Alam ko naman. Pinilit ko lang ngumiti para gumaan din ang pakiramdam mo."
Kumalas sa yakap ang dalawa. "Sige na, I'll be downstairs. I'm okay, Sands. I assure you. Stressful lang siguro."
Tumango si Sandro at umalis na. Bumalik sa loob ng kuwarto at inayos na ang sarili. Habang naghihilamos ay napatanong siya sa sarili habang nakatingin sa kaniyang repleksyon sa salamin.
"Am I already forgotten about you or am I starting to remember you?"
Sa kabilang banda, isang tulalang binata ang pinagmamasdan ng mga magkakaibigang sina Lewis, Andray at Fort.
"Ano nangyari d'yan, pre? Kanina pa 'yan tulala?" Tanong ni Lewis.
"I don't even know! Akalain niyong sumasahod 'yan kahit nakatunganga?" Birong wika ni Fort at nagtawanan naman silang tatlo. Napatingin naman sakanila si Jordan.
"I'm the boss here, Fort. Kahit 'di ako mag-trabaho magdamag, may pera ako."
"Exactly, Jords! Inulit mo lang din naman sinabi ni Fort, eh." Sagot ni Andray. "Bakit ka nga ba tulala dyan? We're existing here, you know."
BINABASA MO ANG
Between the two (Completed)
General Fiction"A war between remembering and forgetting." Completed, 8.18.2020.