KABANATA 11

175 40 26
                                    

11.

Nananatiling nakatayo si Jordan sa balkonahe ng kaniyang silid at nag-iisip.

Sa umagang ito, lagi niyang iniisip ang babaeng mahal niya at kung paano niya nagawang pakawalan ito.

Napatingin na lamang siya sa loob ng kaniyang silid at namataan ang litrato ng pinaka-maganda at mahal niyang babae.

"Kung pwede lang kitang nakawin at kid-napin, ginawa ko na," ngisi ni Jordan.

Makalipas ang ilang oras, nag-pasya na rin siyang pumasok sa trabaho. Bago umalis ng Mansyon, tinawag siya ni Manang.

"Hijo, nakita ko pala siya sa T.V. Aba! Mas gumanda pa lalo ang batang iyon, ano? Ako'y nagulat nang makita siya roon," may kagalakang sambit ni Manang. "Hindi mo pa rin ba siya makausap? Hindi pa ba kayo nagkikita?"

Tumango si Jordan para masagot ang tanong, "Wala pa ho akong sapat na lakas para harapin siya. Baka hindi niya pa po ako matanggap."

"Hijo, pag mahal mo walang lakas-lakas. Walang hina-hina. Ang kailangan mo lang ay ito," sabay turo sa puso ni Jordan. "Kung mahal mo ang isang tao, kaya mo lahat. Dahil pag nag-mahal ka, hahamakin mo ang lahat."

Umalis si Jordan sa Mansyon dala-dala ang mga sinabi ni Manang beng sakaniya. Hanggang sa kaniyang opisina ay ito ang kaniyang iniisip.

"Andrea, call Andray for me. Urgent," sabi ni Jordan sa kaniyang sekretarya.

"Sige po, Sir. And Sir?" Napatingin naman si Jordan dito at nakita niya kung paano ilabas nito ang halos kabuuan ng nang kaniyang hinaharap. "Anne po ang pangalan ko, hindi Andrea. Hehe."

"Whatever. Just call Andray. For the next Ten minutes, Andray should be in my Office. And if not, you gotta be fired."

Naiwang naka-nga nga ang sekretarya. Si Jordan naman naka-ngising naglakad papunta sa opisina. Pagka-pasok niya, agad niyang tinawagan ang Agency kung saan siya kumukuha ng sekretarya. "I want a secretary. This time, a Man please," sabi nito at agarang pinatay ang tawag.

Matapos ang halos kalahating oras, nakarating si Andray. Pag pasok nito ay hindi napigilan ni Jordan na titigan ito ng masama.

"The heck, dude. Why?" Natatawang sambit ni Andray.

"Sabi ko sa sekretarya ko, 'pag wala ka pa ng sampung minuto ay mawawalan siya ng trabaho," sambit ni Jordan.

"Seriously, man?! Damn, she's hot dude. Why'd you fire her, kaya pala nag-aayos na siya ng gamit noong nakita niya 'ko," umupo ito. "So, why did you call me so sudden? Is there any problem?"

Kinakabahan si Jordan kung sasabihin niya ang plano niya. Nag-iisip pa rin siya hanggang ngayon kung itutuloy niya 'to. Nag-aalangan siyang sabihin dahil baka hindi mag-tagumpay.

"What the heck, men. Pinatawag mo 'ko para tignan ka habang naka-tulala?"

"Impatient. Can you ask Shaznae if she's free this friday?"

Literal na napalaki ang mga mata ni Andray sa sinabi ng pinsan niya. Kalahating porsyento ay naniniwala at ang isa pang kalahati ay hindi naniniwala, dahil sa pagkaka-alam niya... hindi pa kayang harapin ng kaniyang pinsan ang babaeng mahal at pinakawalan niya.

Pero bigla rin itong binawi at agad naging walang ekspresyon ang mukha. "If you will do the same thing you did the last friday when we hang out with Shazzy, Fck off dude."

"Hindi na, kaya nga magpapa-schedule ako sa friday. May dalawang araw pa 'ko para mag-handa," sabi ni Jordan.

"So, what are your plans huh?" Saad ni Andray at nag-umpisang maging seryoso.

Between the two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon