08.
"Jords? Pare— Seriosly?! Alas-siete pa lang. Badtrip na buhay 'to! Wala pa 'kong tulog brad! Maawa ka naman!" Sigaw ni Fort sa kaibigang may hawak ng kaldero't sandok na kanina ay pinang-gising sakaniya.
Naka-ngising naglakad sa veranda si Jordan at binuksan ito. "Aga-aga, nagmumura. Tumayo kana dyan, si Andray on the way na."
Ngumi-ngiti pang saad ni Jordan.
"Brad naman! Kakauwi ko lang. Wala pa 'kong tulog! Hayop na 'yan! Bawal mag-pahinga? Pucha."
Muling humiga sa kama si Fort. Ngunit maya-maya pa ay may humatak sa paa nya.
"Stupid, Fort. Ikaw ang nag-suggest nito, 'di ba? Tapos ikaw pa 'tong ganyan. Gusto mo pakawalan ko mga hayop mo na nasa baba?" Sabi ni Jordan sa kaibigan. Binigyan naman ni Fort ng kunot na noo ang kaibigan, tanda ng hindi niya alam ang pinagsa-sasabi nito.
"Wala akong ginagawa sa'yo, Mondelez ha. Parang tanga 'to, pupunta ka sa bahay at bubulabugin mo 'ko para dyan? Ay, 'wag ako, iba na lang Jords."
nakatanggap naman ng suntok si Fort mula sa kaibigan. "Yung pinag-usapan natin tungkol sa babawiin ko si Shaznae."
"Ah, oo! Pucha! O, ano? Bat ka napadpad dito? Aba naman talaga, Mondelez. Akala ko ba may sapak ako, ha? Gustong-gusto bumalik floral babe?" Sa 'di inaasahan may naalala bigla si Jordan sa Gustong-gusto bumalik ang kaniyang floral-girl. huling sinambit ng kaniyang kaibigan.
Araw ng lunes, at sabay-sabay na naman ang pasok ng magkakaibigang sina Fort, Andray, Lewis at Jordan. Sa likuran ng mga binatang ito, ay ang nagtatawanan na dalaga na sina Yssa at Shaznae.
Laging ganito ang ayos nila sa Araw ng lunes. At lagi rin silang binibigyan ng espasyo para makadaan. Untimo pati sa pila, pinapa-una sila. Naging ganoon ang set-up nila sa halos bawat Lunes na papasok sila. Dahil sa mga susunod na araw, hindi na sila sabay-sabay ng iskedyul.
Nagiging tahimik ang paligid ng magba-barkada at ang ingay lang ng mga ito ang maririnig. Mga nagsisi-tawanan at nagku-kulitan ang mga ito.
Matapos ang kani-kanilang klase nakagawian na nilang magkita-kita sa paboritong parte ng iskwelahan nila. Ang likod ng isang lumang gusali na may puno at may mga halaman. Presko ang dating nito kaya dito nila napag-pasiyahan na gawin nilang tambayan.
Ngunit ang naunang pumarito sa kanilang tambayan ay sina Jordan at Shaznae.
Tahimik lang silang nag-iintay sa mga kaibigan. Alam ni Jordan na mayroong pag-ibig si Shaznae para sakaniya ngunit wala lang sakaniya ito. Dahil ang alam niya, hindi na siya magma-mahal ng ibang babae maliban sa nanay at sa unang pag-ibig nito.
Maya-maya pa ay nagbasa na lang si Shaznae ng libro. Hinanap niya ang kulay green nyang pentel pen para i-highlight ang mga babasahin niya. Lahat na ng gamit niya ay nailabas niya ngunit hindi parin niya ito mahanap.
Sa paghahanap ng dalaga naka-rinig siya ng tawa at nakita niya si Jordan na mahinang napapa-tawa sa di malaman na dahilan.
"May problema ka ba, Jordan?" Mahinang tanong ni Shaznae sa binata. Umiling naman si Jordan ngunit tuma-tawa pa rin. Napa-yuko na lang si Shaznae at naramdamang nag-iinit ang pisnge nito.
"You," napa-tingin naman si Shaznae kay jordan sa sinambit nito sa gitna ng kaniyang pag-tawa. "You really like Floral, don't you?"
Nag-patuloy ang pag-tawa ng binata, na ngayong ay lumakas na.
Tinignan ni Shaznae ang kaniyang gamit na ngayon ay mga naka-labas.
"Notebooks ko puro... floral. Bookmark. Ballpen design,... f-floral. Scotch-tape. My watch, floral. My cellphone case... pink flower. Laptop, pink with flowers too... bag ko? Gosh. Even my DSLR, floral ang design. Its so georgeous kaya. Palibhasa, lalaki ka," mahinang asal ni Shaznae.
BINABASA MO ANG
Between the two (Completed)
General Fiction"A war between remembering and forgetting." Completed, 8.18.2020.