KABANATA 24

55 7 0
                                    

24.

"Shaz, I think I have to go." sabi ni Viv at mahinang naglakad paalis.

Tumayo na sa pagkakahiga si Jordan, napaatras naman si Shaznae at handa nang bumaba at sundan ang kaibigan.

"Babe." apat na letra pero nagpatigil sa buong katawan ng dalaga. "My Floral babe." ngayon ay nakayakap na si Jordan sakaniya. Yakap. Mahigpit na yakap. Mula sa likuran.

"Tell me I'm not dreaming. Tell me, this is not a hallucination. But it's okay anyway, kahit sa panaginip man lang ay yakap kita." sabi ng binata at mas humigpit ang yakap.

Pababa na nang tuluyan ang kaibigan nila na si Viv nang lumingon ulit siya. 'You deserve to be happy, Shaz. Follow your heart' at tinuro nito ang puso niya. Matapos nito ay ngumiti siya at bumaba nang tuluyan.

"Babe. Alam mo bang miss na miss na kita? Napapaniginipan na naman kita ngayon, yakap pa kita." sabi ng binata. "For how many years, nabuhay ako sa pagsisisi, galit at sa sakit. Pero alam mo, nabuhay din ako sa pagmamahal ko sa'yo. Alam ko kasi doon ka magiging proud, e. Me, being strong and you, being my oxygen."

Inalala lahat ni Shaznae lahat ng sakit na naramdaman niya mula noong iniwan siya ng taong pinakamamahal niya. Hindi naging madali sakaniya pero naroon pa din sa puso niya ang pag-asang muli silang magtagpo. Sa lahat ng sakit, mas pinili pa din ni Shaznae na damdamin muli ang pagmamahal na hinahanap hanap niya ng ilang taon.

Inalis niya ang pagkakayakap sakaniya ng binata at humarap. "Jordan.."

Hindi nagtagal ang pagtitig sakaniya ng binata at niyakap siyang muli nito. Mahinang napamura. Mahinang umiiyak.

Patuloy ang hagulgol ng binata at ang paghingi ng patawad nito sa dalaga. Wala na yatang mas sasarap pa sa pandinig na nagmumula sakanilang dalawa at sa huni ng kapaligiran. Iyak. Huni ng ibon. Pagpapatawad.

"I'm sorry, Babe. I'm sorry if I end up hurting you so much. For making you feel this way for so long." wika ng binata.

Hinarap ng dalaga ang mukha ng binata sa kaniya. Hinawakan niya ito at hinaplos ang mga luha. "Tahan na. Even if we end up like this, I'm still thankful na nakilala kita, I really do. Having you for God knows how long, that's also one of the reason to made me this successful today. Kung ano ako ngayon, kung ano ka ngayon. That's our changes na utang natin sa mga nangyari noon."

Napatahimik muli sila.

"I think, part ways isn't that bad. Look how successful you are right now in business. 'Di ba sabi ko noon, think always the bright side even if there's a negative that happened, right?" patuloy na saad ng dalaga. Tumango si Jordan.

"Pwede pa ba, Shaz?" tanong ng binata.

***

"Sandro, Where's Dad?" tanong ni Shaznae nang makauwi.

"You look different. Any good news?" tanong ng binata.

"What? Wala 'no. Bawal bang ngumiti nang ganito?" minuwestra ng dalaga ang kaniyang labi sa pagka-laking ngiti. Tumawa silang pareho. "So, Where's Daddy?"

"Nasa site but he'll be here in any time soon." sagot ni Sandro at pinagpatuloy ang pagkain.

Umakyat sa sariling kwarto si Shaznae. Umupo sa balkonahe at dinadamdam ang sinag ng araw na paunti-unting humahaplos sa mukha nya.

"You don't have any plans to stay in so much longer here, Shaz. You already promised yourself na mananatili lang tayo dito sa pinas 'pag okay na ang pamilya mo." sabi niya sa sarili.

Maya maya ay narinig niya ang kaniyang telepono.

Andray Calling..

"Hi, Shaz! This is literally quick but can you go down? Now?"

Between the two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon