19.
"Sandro? Is everything okay?" Tanong ni Shaznae matapos makitang iritable si Sandro.
"Well, I'm fine. It's just that.. Dad is blaming me again," at bumuntong hininga ito. "I know, wala ng bago sa paninisi ni Dad but this time, it's really not my fault. Damn this business world."
Lumapit naman si Shaznae sa kaniya. "Ano ba 'yan. What happened ba?"
Hinilot ni Shaznae ang noo ni Sandro. Naka-upo sa swivel chair ito at kumalma nang hilutin ito ni Shaznae. "Okay. Ganito na lang, after my work I'll take care of your bar and you.. You need to take a rest after your work here. Got it?"
"Yeah. Thanks. I got some issues regarding sa ipapatayo ni Dad na building sa Davao and also, I need to be there next week kasi I'm actually invited sa gathering. Are you going with me or nah?" Tanong ni Sandro at tumingala para tignan si Shaznae.
"Next week? I don't think I can go with you," bakas naman kay Sandro ang pagtataka. "I have photoshoot next week and dadalaw din si Tita sa condo ko. Iiwan niya sa 'kin si Slope."
"Tsk. Bakit? Saan na naman daw siya pupunta?"
"I don't know. Okay na 'yun, para mag-bonding ulit kami ni Slope. I miss him too! Sama na lang ako next time," wika ni Shaznae at umupo na. Si Sandro naman ay bumalik sa pagbabasa niya sa ilang papeles na nakalat sa harap niya.
"Nag-seselos na 'ko. 'Pag nandyan talaga si Slope, panira e," ngisi ni Sandro at sinuot ang salamin. Napatawa naman si Shaznae.
"Para kang baliw! Si Slope pa talaga ang panira, ah? E, 'di ba sa 'kin lang naman nakikinig 'yun?" Sabi ni Shaznae.
"How about dinner tomorrow night?" Tanong ni Sandro.
"Tomorrow night? I'll think about it..." ngumiti si Shaznae. Tinapunan naman ni Sandro ng tingin si Shaznae. "Why? Don't give me that look, Sandro. You have to rest. Baka magkasakit ka niyan sa sobrang pagod. Ma-over fatigue ka. Mag-girlfriend kana kasi—"
"Fine. Tsk. Anyways, what are you doing here?"
"Heto naman, sungit mode agad. I just came here because of this," nilabas ni Shaznae ang isang lalagyan ng pagkain. "I made this for you. Sige na, dumaan lang talaga 'ko rito. Babayu! 'Wag masiyadong ma-stress, a'. Pa-panget ka lalo!"
"Shut up, you brat," at tumawa si Sandro, "Ikaw din, don't be so friendly sa boys. Love you!"
Napatingin naman si Shaznae kay Sandro bago ito tuluyang umalis. "Love you too!" At humabol pa ito ng pag-hagis ng unan na nasa sofa ng opisina ni Sandro.
Sa kabilang banda naman, magkasama ngayon sina Andray, Lewis, Fort at Jordan sa opisina.
"Ba't ba kayo nandito ha? Don't you guys have any works? Because me? Mayroon akong ginagawa, so please guys don't disturb me here. Hilig niyo nang pumunta rito kapag may ginagawa ako," wika ni Jordan.
"Bro, minsan na lang tayo makumpleto so bare with us, beside may nalaman kami sayo, a! F ck bro Lewis, you won't believe what Jordan did," mala-histerikal na wika ni Fort at ininom ang kaniyang alak na hawak.
"Ano na naman? Wala talaga akong matatago sa inyo, e, ano? Show me some privacy?" Wika ni Jordan at tinigil niya ang kaniyang ginagawa, tila hinihintay kung ano'ng sasabihin ng kaniya'ng kaibigan.
"Mula nang maging kaibigan tayong apat, wala na sa utak natin ang salitang privacy," wika ni Lewis at ngumisi. "So, what, Andray the Gay?"
BINABASA MO ANG
Between the two (Completed)
General Fiction"A war between remembering and forgetting." Completed, 8.18.2020.