KABANATA 22

68 12 0
                                    

22.

Tumama sa mata ni Jordan ang sinag ng araw mula sa kaniyang malaking bintana. Wala pa ang sinag ay gising na siya ngunit hindi pa rin siya tumatayo. Tumingin siya sa isang larawan, may buntong hininga niya itong kinuha.

"We can't go back to our yesterday, but I want to look us up to our future." pagkausap ni Jordan.

Nanatili siyang nakatingin sa magandang larawan. Nakalagay sa gilid ng larawan ang isang piraso ng bulaklak. Sa katagalan, ito'y bulok na.

Sa kabilang banda naman, si Shaznae ngayon ay nakikipag-usap sa kaniyang kaibigan.

"Eyra, You know I can't do this. Pinapunta mo lang pala 'ko para sa ganyan." saad ni Shaznae at binagsak ang katawan sa malambot na upuan sa opisina ng kaniyang kaibigan.

"Gosh naman! Sige na, Dahon. Please? At saka, mas maganda kung ikaw na lang, mas on-hand pa! Sige na, dahon!" kumapit pa sa braso ni Shaznae si Eyra.

"Sige nga, anong makukuha ko 'pag ginawa ko 'to?" masungit pero may pilyang tanong ni Shaznae.

Dali-dali namang nag-isip si Eyra upang sumagot. "Mas kikita ka! Makikita ka sa malaking board at malay mo, kuhanin ka nilang model rin dito sa Pilipinas! Like, hello. Kung sa ibang bansa nga gustong-gusto ka nilang kunin, eh. Why not here also, 'di ba?"

Tinignan ni Shaznae ang kaibigan niya. "Alam ko at alam mo na kinukuha na nila akong model kahir hindi pa 'ko nakakauwi ng Pilipinas but I rejected them, right? Kasi hindi ko 'yon forte, pagkuha ng litrato pwede pa- dahil iyon naman talaga ang trabaho ko."

Inayos ni Shaznae ang kaniyang mga kagamitan at nagulat siya nang muling luminkis sakaniya ang kaibigan.

"Sige na, Dahon. Please? Gusto ko gumawa ng gown at gusto ko rin na ikaw ang magsu-suot n'on at ilalagay sa Bilboard. Mas gaganahan ako 'pag alam kong ikaw ang susuot ng gown na gagawin ko. Kaya, sige na, Shaznae."

Nagbuntong hininga si Shaznae at ngumiti ng pilit. "Ewan ko sa'yo, Eyra. Sige na, bitawan mo lang ako."

"So, pumapayag kana? I lab you, prend!" at yumakap pa ito sa kaibigan.

Lumipas ang mga oras, matapos nilang mag-kuwentuhan at sukatan si Shaznae ay nag-paalam na rin ito Shaznae sa kaniyang kaibigan.

"Hoy, wala nang bawian 'to, ah!" tanong ng kaniyang kaibigan na si Eyra.

"May magagawa pa ba 'ko? 'Pag ako dinumog ng mga companies dahil d'yan sa gagawin mo, ah. Susumbong kita kay Sandro!" pilyang tugon ni Shaznae at tumawa.

"Ay, nako! Sige na, mauna kana. Dahon, ise-send ko sayo 'yong lay out sa email mo, ha. Check that out then if ever na may magustuhan ka, just give me a call. Okay?" sabi nito at bumeso na.

"Alright. Alright. Sige, alis na 'ko. Bye! See you." at sumakay na si Shaznae ng kaniyang sasakyan.

Pinaandar na niya ang kaniyang kotse at tuluyang bumyahe na. Habang nasa biyahe ay naisipan ni Shaznae na pumunta sa dati niyang iskwelahan.

Inabot siya ng mahigit isa't kalahating oras dahil sa mabagal na usad ng trapiko. Bago dumiretso ay bumili muna siya ng kaniyang makakain at nag-simula na siyang maglakad, nag-suot siya ng sombrero para proteksiyon niya sa sikat ng araw.

Bago magpatuloy ay may napansin siya sa dati niyang sintang paaralan kaya nagtanong siya, "Magandang Hapon po, Manong." ngiti ni Shaznae. "Bakit po naka-sarado na 'tong school?"

"Ah, itong binabantayan ko.. nabili na kasi ang lupang iyan, gagawin yatang factory ng mga school supplies ng nakabili. Pero kung ang nais mong tumingin, hindi pa naman ganoon natitibag ang mga gusali sa loob." sagot ng isang matanda.

Between the two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon