31.
Kasalukuyang naghahanda ng mga kagamitin ang mga magkakaibigan sa gaganaping kaarawan ni Eight mamayang kinagabihan.
"Jords! Kami ang tulungan mo, hindi si Shaznae!" sigaw ni Andray. "Hoy, ikaw din Fort! Tawa ka dyan?!"
Napangisi si Jordan habang buhat ang iilang upuan. "Kaya niyo ni Lewis yan."
Tumingin naman si Shaznae sa papalapit na si Jordan. "Oo nga. Tulungan niyo na lang si Andray at Lewis. Hindi yata alam kung paano mag-ayos ng mga bandana, eh."
"Kaya na nilang dalawa 'yan." banggit ni Jordan at inilapag ang upuan.
"Jords, ikaw na doon. Ako na bahala dito." singit ni Fort. "Alam mo na 'yan si Andray, ayaw na ayaw mahirapan!"
"Naririnig kita, Fort!"
"Pinaririnig ko talaga!"
Nagtawanan naman silang magka-kaibigan. Tumango lang si Shaznae para magbigay ng senyales na maaari naman na niyang tulungan ang iba nilang kaibigan.
Habang naggugupit si Viv ay nakaramdam siya ng sama ng pakiramdam. Sinubukan niyang tumayo ng dahan-dahan ngunit muntik na siyang matumba.
Agad naman ang paglapit ng kaniyang nobyo na si Fort. "Are you alright?"
Tanging tango lang ang naisagot ni Viv at humawak kay Fort. Lumapit naman ang iba nilang kaibigan.
"Viv, ano, ayos ka lang?" tanong ni Shaznae.
"Pahinga ka muna, love." wika ni Fort at sinang-ayunan ito ng mga kaibigan nila.
Tahimik na bumalik sa mga gawain sina Lewis, Ysa, Andray, Shaznae at Jordan.
"Baka kulang ang tulog. Sunod-sunod rin kasi ang biyahe natin." sabi ni Ysa. "Ako na lang tutulong dyan kay Shaznae."
Lumapit si Ysa kay Shaznae at umupo. Humawak ng gunting at tinanong si Shaznae kung ano pa ba ang mga gagawin.
"Dray, si Eight ba nag-reply sa iyo?"
Tumigil si Andray sa kaniyang ginagawa at tinignan ang cellphone.
"Yep. Hindi pa raw sila tapos mag-usap. Let's just give her time. She's alright."
"Tanong ko lang pala kung nakausap niyo na iyon?" si Shaznae. "Feeling ko kasi may something sa kanila? Hindi naman ba-biyahe iyon mula Maynila hanggangg dito sa Bicol kung magkaibigan lang sila?"
"Actually, there is something happened between them months ago." saad ni Jordan.
"Yeah. That boy is the son of the Mayor in Rizal. We've met him last year. He's good. Mukha naman siyang disente. Napalaki ng mga Santiago kahit ma-politika ang pamilya niya. Then, after that nakita ni Fort na umiiyak si Eight papasok ng bahay nila tapos nasa labas din iyong lalaki." wika ni Lewis.
"Naabutan pa nga daw ni Fort na umiyak din kaya kinausap niya ng maayos kahit gusto na niyang sapakin talaga." natatawang sabi ni Andray. "Hindi na nasabi sa amin ni Fort yung pinag-usapan nila. Privacy na rin siguro."
"Alam mo ba, Shaz, that time naging tahimik si Eight. Palagi ang tanong namin sa kaniya kung ayos lang siya buti nga hindi siya narindi sa amin noon, eh." Napatingin naman si Shaznae sa sinabing iyon ni Ysa.
"Ngayon kaya? Maayos pa rin siya?" wala sa sariling tanong ni Shaznae. Lumapit sa gawi niya si Jordan.
"Let's just her birthday pass then you go ask and talk to her. Okay?" mahinang saad ni Jordan. Tumango si Shaznae at tinuloy ang ginagawa nila ni Ysa.
"Hoy, Jordan! Ano, titig lang ambag mo dyan kay Shaznae?" pang-asar ni Andray na ikinatawa naman nilang lahat.
Natatawang bumaba si Andray sa hagdanan. "Joke lang! H'wag mo 'kong habulin! Martilyo 'yang hawak mo!"
BINABASA MO ANG
Between the two (Completed)
General Fiction"A war between remembering and forgetting." Completed, 8.18.2020.