EPILOGUE

133 3 0
                                    

35.

"Hindi ka talaga nag-iisip, Georgie?! I don't know how to face his family!" Her Lola shouted.

Kakauwi ko lang ng trabaho. Katatapos lang ng napakahabang araw ko. Tinext ko muna si Shaznae na hindi ko siya masusundo. Just for this day. Just for this fucking day. Napapagod na 'ko.

Walang imik pa rin si Georgie na nasa hospital bed. She was sobbing and crying her lungs out before her parents come. She was pleading at me to go away because she knows my relationship with Shaznae.

Everyone knows that huh. I smirked.

I was in my casual attire nang makarating ako dito. Tinawagan ako ng pinsan ni Georgie dahil napaka-daming dugo raw ang bumababa mula sa binti ni Georgie. I called someone to rescue them but Georgie refused to kaya napilitan akong pumunta at dalhin siya sa hospital.

Tinext ko agad si Shaz kasi baka maghintay siya sa'kin. Hindi yata ako paalisin ng mga magulang ni Georgie ngayon.

Narinig kong kumalabog ang pinto. I saw Georgie's Dad, looking at me, fuming mad and then I saw myself lying on the floor with blood in the side of my lips. I heard everyone gasped.

"How can you do this to Georgie?! Jordan, tinanggap kita bilang nobyo ng anak ko noon tapos ganito ang igaganti mo sa'min!? Sa apo ko?!"

Nahihilo akong tumayo. Anong apo? The fuck?

"Alam mong kasal na si Georgie tapos malalaman ko nakikipagkita ka sa kaniya? Kaya ba pinaglaglag mo ang batang dinadala niya kasi ayaw mo silang magkaanak?!" Her Dad shouted at me.

"Sir, I don't know what you're talking about. Georgie and I ended years ago," I said. "Hindi na kami nagkikita pa."

Ang relasyon namin ni Georgie noon ay natapos na. Naghabol ako noon pero hindi ko na tinuloy lalo nang mabalita kong ikakasal na siya. I was already move on and that's the time when I started noticing Shaz.

Agad akong napabalikwas nang maalala ko si Shaz. Baka magtampo 'yun kasi ilang araw na kaming hindi nagkikita. Sobrang busy na talaga 'ko sa trabaho. I know I choosed to start from the bottom because I want to earn everything. That is one of the many things that Shaznae said to me: that I need to work hard for something I really want.

"Saan ka pupunta?! Panagutan mo ang kagaguhang ginawa mo sa anak ko, Mondelez!"

"Sorry but I need to go, Sir. I need to see my-"

"Jordan..." Biglang sabi ni Georgie habang may oxygen sa bibig niya. Hindi niya binubukas ang mata. Hinawakan ako sa balikat ng Mama niya. Looking at me like pleading that I should talk to Georgie first.

Pumunta ko sa gilid niya. Nakita ko ang luha niyang dumadaloy kaya hinawakan ko ang kamay niya. Pinisil niya ito ng mahina.

"My c-child... Ang anak ko. Ang anak ko ba ay wala na talaga?" Nahihirapan niyang sabi.

Iyon ang sabi ng doctor kanina.

Dalawang buwan na raw siyang nagdadalang tao ngunit sa hindi inaasahan ay maaga rin sa kaniyang kinuha.

Georgie is important to me. Like everyone else in my life. Hindi naman porke wala na kami ay hindi na 'ko mag-aalala sa kaniya. Naging malapit rin naman ang mga pamilya namin noon. Pero ang pagka-importante niyang iyon ay hindi ko alam na magdudulot sa'kin para masaktan.

Mahimbing na ang tulog ni Georgie nang magpasiya akong umalis. Madaling araw na pala. Nakaidlip ako kanina at sa tingin ko ay sapat na 'yun para makapasok sa trabaho mamaya.

Nakita ko ang pamilya ni Georgie sa lobby. Magpapaalam na sana 'ko dahil may pasok pa 'ko mamaya pero agad kong nakita si Lola.

She was kind of friends with Georgie's family.

Between the two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon