KABANATA 14

137 30 11
                                    

The Memories - II

***

"Shazzy! Nandoon sa labas ang Jordan. Ay kaloka ka Ganda ha! Ang gwapo ng manliligaw mo," sabi ng isang baklang kaklase ni Shaznae. Pinamulahan naman ng pisngi ang dalaga.

"Si Josh talaga. Jordan is my friend. O, heto na ang ballpen mo. Salamat Ken. Yung photocopy ha? 'Wag mo kalimutan 'yon. O kung gusto mo ako na ang gagawa?" Ngiti nito at kinuha ang bag.

"First, Friend ba 'yon, Ateng? Halu sige lumabas ka para malaman mo kung ano ang ibig sabihin ko. Second, Ako na ang gagawa non, Shaz ganda. Oki? Sige na lumabas ka muna," gaya nga ng sinabi, lumabas si Shaznae ng silid niya. Ngunit bago pa siya lumabas ay may humarang na sakaniyang bulaklak.

"For my Floral Babe," inabot ni Jordan ang bulaklak na hawak niya at nag-simulang tumugtog si Fort ng gitara, na nasa likod ni Jordan.

"~ When I see your smile
Tears run down my face
I can't replace~"

Nagsimulang mag-ingay ang mga nakatingin sakanila. Hindi man ganoon kaganda ang boses ng binatang si Jordan pero pinagpatuloy niya pa rin ito dahil ito ang gusto niya at magpapasaya sa babaeng gusto niya.

"~And now that I'm stronger
I have figured it, How this
world turns cold and It
breaks to my soul~"

Hinayaan ni Shaznae na magkatitigan lang sila ni Jordan habang kumakanta. Ninanais ni Shaznae na mawala na lang lahat ng tao sa paligid niya at matira lamang silang dalawa. Hindi man ganoon pinapakinggan ni Shaznae ang kinakanta ni Jordan, pinapakinggan naman niya ang puso niya na halos ito na lang ang marinig niya sa lakas ng tibok nito.

"~I can show, I'll be the one.
I will never let you fall
I'll stand up with you forever.
I'll be there for you through it all,
even if saving you
sends me to heaven~"

Sa buong pagkanta si Shaznae ay nakatitig lamang kay Jordan. Na hinihiling na sana ay 'wag na matapos ang sandaling ito. Matapos ang kanta, inabot ni Jordan ang isa pang bulaklak.

"Hi Floral babe. Yeah, I know this is not really my style. But this is what I want for you," lumapit ito at niyakap si Shaznae. "I know we're still not official but let me just hug you this time, kasi baka magkasala ako, e."

Naguluhan naman si Shaznae rito kaya kumalas sa yakap at tumingin kay Jordan. "Ano 'yang sinasabi mo, Jordan? Siguro nahihiya ka na po sa ginawa mo 'no?"

"Of course not, Babe. I'd kill for you. Ang daming nakatingin sa'yong mga lalaki. Parang mali yata 'tong ginawa ko. Mas dadami ang makakakilala sa'yo," halata mo ang galit at nagtatampo sa boses ng binata.

"Baliw ka na talaga. Tara na nga, alis na tayo. Ang dami nilang nakatingin o. Atsaka, gutom na rin ako, e."

"Tapos na ba klase n'yo?" Tumango naman si Shaznae, bumaling naman siya kay Fort na nasa likuran pa rin. "Fort, alis na kami. Salamat sa tulong mo."

"Tsk, ginising mo 'ko ng 6 am just to perform with a three mins exposure with all of the students. Naghintay tayo ng apat na oras tapos, papauwiin mo ako agad? Panira ka ng imahe, Dude," sabi ni Fort na para bang nagtatampo.

"Naghintay kayo ng four hours?" Tanong ni Shaznae kay Jordan, tumango naman si Jordan. "E bakit? Hay, wrong timing pala si Sir kanina. Nag-extend kasi siya. Sorry kung naghintay kayo."

"No, it's okay babe. It's all worth it. Okay nga 'yon eh. Naayos ko ng mabuti 'yong kanta," lumakad naman si Jordan papunta kay Fort may binulong siya rito at umalis na si Fort. "Come on, akin na bag mo. Alis na tayo. Fort, 'yong bayad ko ay mamaya na lang gabi. Isama mo na rin ang barkada."

Between the two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon