Chapter 12

1.8K 37 1
                                    

×OLIVIA VALENTINE×

"Myghad! Ang kapal talaga ng babaeng yun para sampalin ka!", nanggagalaiting sabi ni Keith pagkatapos kong ikuwento sa kanila ni Marcus ang nangyaring sagutan namin ni Krystal kanina.

"I should've not left you alone with her, Queen", as usual, Marcus told me with his most famous worried tone of voice.

"Guys, ano ba kayo. Okay lang naman ako no? I can manage myself already", paninigurado ko sa kanila.

"Buti na lang talaga at nasampolan mo yun, girl! Nakuuu! Pag ako dun ang kasama mo, baka nahablot ko na ang buhok ng walangyang yun", nanggigigil parin na sabi ni Keith.

I really should thank these two with me, sila kasi palagi ang to the rescue kapag may nangyayaring sagutan sa pagitan namin ni Krystal.

"Gusto mo ba dalhin na kita sa clinic?", Marcus offered.

I furrowed my eyebrows hearing that from him. Anong gagawin ko dun?

"Marcus, ano namang gagawin ni Olivia sa clinic?", nagtataka ring tanong ni Keith sa kanya.

"Baka kasi naalog ang utak niya sa lakas ng sampal ni, Krystal. Alam mo na", nahihiyang paliwanag ni Marcus kay Keith.

Keith gave him a 'are-you-serious' look bago ito tuluyang tumawa ng malakas dahilan para mapasimangot si Marcus.

Shet. Ang kyut ng bestfriend ko.

"Marcus, ang o.a mo ha? Sinampal lang, naalog agad ang utak? Di pa pwedeng namula lang muna ang pisngi?", bumunghalit na naman agad ng tawa si Keith.

Kaya pati ako nahawa na sa tawa niya.

"Ewan ko na nga sa inyo", Marcus said in defeat and walked out.

"Huy! King! Ang tampuhin oh!", natatawang tawag ko sa kanya pero ni hindi man lang niya ako nilingon.

Grabe, kalalaking tao, ang tampuhin.

Hayaan na nga, mamansin lang ulit yan mamaya hehehe

"Okay ka na ba talaga, girl?", nilingon ko si Keith na mukhang nakarecover na ngayon mula sa kakatawa kay Marcus.

"Oo naman no? Papatalo ba ako kay Krystal?", I answered her, smiling. I never wanted to make my bestfriends worry about it too much.

Kaya as long na kaya ko pa ang sarili ko, kailangan kong iparamdam sa kanila na okay lang ako.

"Basta sabihin mo lang sakin kung kelan natin reresbakan yang bote na yan, ready ako diyan, girl"

"Bote? Bakit bote?"

"Krystal diba? Eh masyadong sosyal ang Krystal, kaya bote na lang para cheap", tawang-tawa niyang paliwanag.

Eto na naman siya sa pagiging baliw niya.

"Joke ba yan? Keith? Seryoso?", ako naman ang natawa sa kanya nang sumimangot siya.

"Aww!", muntanga. Anlakas niya mambatok ha?

"Ehhhh. Naman girl eh, ang lakas mo manghopia ng joke", reklamo niya sakin.

"Lakas mo rin mambatok, Keith", natatawang tugon ko sa kanya.

'To talagang babaeng 'to, napaka-sadista at topakin.

~×~

'To talagang si Valentine, kahit kailan walang sense of humor sa katawan. Nakakatawa naman ang joke ko diba? Um-oo kayo, kundi sasapakin ko kayo. *pouts*

My Nerdy Ex Became A Campus Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now