Chapter 40

969 20 1
                                    

×OLIVIA VALENTINE×

"Oh bunso, kamusta naman ang punta ni Ken dito?", biglang tanong sa akin ni kuya Genesis habang kumakain kami ng breakfast.

Kakaalis lang ni Ken, ang sabi niya sakin, pumunta lang naman daw siya rito para makita niya ako bago niya simulan ang araw niya.

Grabe, ang corny na niya. Hindi naman siya ganyan noon ah. Pero infairness ha, kinilig ang lola niyo.

"Huy, ngiti-ngiti mo diyan?", I was back to my sense when I heard kuya's voice again.

Mabilis naman akong umiling sa kanya.

"Okay lang naman kuya. Bakit mo naitanong?", I asked him as I take a mouthful spoon of rice.

"Wala lang naman, gusto ko lang malaman. Anong oras ba ang flight niya?"

"Sabi niya sakin 6PM daw"

"Ah. Eh ikaw? Sasama ka bang maghahatid sa kanya mamaya?"

Huminto sa ere ang kamay kong hawak-hawak ang kutsarang sana ay isusubo ko nang dahil sa tanong ni kuya Genesis sakin.

"Ewan ko", mahinang tugon ko kay kuya bago ko ipinagpatuloy ang pagkain.

"Anong ewan? Ikaw lang ata ang kilala kong babaeng ayaw ihatid ang boyfriend niya sa airport eh"

"I can't bear to watch him leave", I told him as a sigh.

Pagkatapos ng nangyari kanina, kakayanin ko pa bang makita siyang paalis?

Natatakot ako. Natatakot ako na baka sa pag-alis niya, magbago ang lahat.

"Everyone's feeling the same way as you feel, Olivia. Pero sa tingin mo ba kaya niyang umalis nang wala ka dun?", makahulugang sabi ni kuya Gen sakin.

Nakita kong tapos na pala siya sa kinakain niya.

"Alam ko namang babalik siya agad kuya eh. I just can't help feeling that after he's gone for a couple of months, baka may magbago samin. Including his feelings", I almost whispered the last two words.

"Hindi yun no?", kumpiyansang tugon ni kuya Genesis sakin.

"Paano mo naman nasabi kuya?"

"Kasi kapag ginawa niya yun, sasapakin ko talaga siya hanggang sa malagutan siya ng hininga"

I frowned at him. Ang sadista talaga nitong si kuya.

"Tsk you're not helping kuya", I curtly told him.

"My point is, why would he even make an effort to win you back again if he'll just gonna waste it, right?"

Natahimik ako bigla sa paliwanag ni kuya Genesis. Yeah right, I now got his point. Mabuti at minsan may sense din 'tong kausap si kuya eh no? May silbi din pala siya hehe.

Sana nga walang may magbago samin hanggang sa bumalik siya dito. Maybe I was just over-thinking things.

~×~

It's already 4 PM at halos tapos na akong maligo at magbihis para sa paghatid namin kay Ken sa airport mamaya.

Hanggang ngayon napa-paranoid pa rin ako.

Quit thinking irrelevant things, Valentine.

Bahagya akong umupo sa sulok ng kama ko saka ko tinignan ang cellphone ko. Kanina pa nagtatalo ang isip ko kung tatawagan ko ba siya o hindi.

Paano kung abala siya ngayon?

Eh kakamustahin mo lang naman eh. At isa pa, girlfriend ka naman niya. A side of my thought interrupted.

My Nerdy Ex Became A Campus Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now