Chapter 57

732 19 1
                                    

×Skyler×

Agad akong napatuwid ng tayo mula sa pagkakasandal ko sa tabi ng pinto nang marinig ko ang pagbukas nito. Valentine already went out of the restroom.

She was kinda pale.

"You okay?", nag-aalalang tanong ko sa kanya.

I can't help but to feel worry about her and I don't know why.

"Yeah, I'm fine. Tara", tipid niyang tugon sakin bago niya ako nilampasan. Kaya wala akong nagawa kundi sumunod na lang sa kanya.

We were silently making our way back to the dining room and I was also just silently following her. She doesn't really look fine.

Palampas na kami sa tapat ng pinto ng isa sa mga guest rooms nang bigla itong bumukas.

Pareho kaming napalingon ni Valentine sa pinto kung saan iniluwa nito ang dalawang taong hindi ko inaasahang makikita ko rito.

I quickly shifted my gaze at Valentine and I saw how her eyes started to look emotionless while looking at those two person who just eventually went out of the room.

×OLIVIA VALENTINE×

I don't know what to feel right now. I don't know what I'll be capable of doing right now.

Gusto ko siyang suntukin. Gusto ko siyang murahin. Gusto ko siyang sampalin. Gusto ko siyang saktan.

Halos sumikip ang dibdib ko habang nakatitig ako sa kanilang dalawa.

Ken and Krystal together.

Krystal was wearing one of Ken's t-shirts. Alam ko, kasi nakita kong suot yun dati ni Ken.

Bigla ko na lang naramdamang sunod-sunod nang nagsipatakan ang luha ko.

Ken was obviously surprised. He couldn't even say a word. And Krystal, fvck her. She even doesn't care at all. She's staring at me with a bored kind of face habang naka-angkla siya sa braso ni Ken.

"How could you?", matigas kong tanong sa kanya.

Hindi ko alam. Pero bigla na lang napalitan ng ibang ekspresyon ang kanyang mukha. Bigla na lang naging malamig ang tingin niya sakin.

I felt like a hundreds of knives were stabbed on my chest.

"How could you do this to me, Ken?"

Tears keep on streaming down my face.

I saw how quickly Sky went by my side and told me, "Lets go".

Nakita ko ang matalim na tinging ipinukol ni Ken kay Sky. Was he even jealous?

Niloloko mo ba ang sarili mo, Valentine? Nakipag-landian siya sa ibang babae, tapos aasa ka pang magseselos siya sa sarili niya pinsan? Like he cares at all.

"Umalis na tayo, Valentine"

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Sky sa kamay ko. Pero nanatili akong nakatayo sa tapat nilang dalawa. Ni isa sa kanila, walang may gusto magsalita.

"Kaya pala nanlalamig ka na sakin. Kaya pala parati ka nang walang oras para tawagan o kamustahin man lang ako. Kahit ni isang 'Uy, tangina Valentine? Kamusta ka na?', hindi ka nag-abalang gawin. Kasi ipinagpalit mo na ako sa babaeng yan na wala nang alam gawin kundi ang landiin ka"

Wala. Wala nang emosyon ang mga tingin niya sakin. Na para bang hindi niya ako kilala.

"Valentine", bakas na ang inis sa boses ni Sky pero hindi ko pa rin siya pinansin.

"Whatever you say, dear Valentine. Fiancé ko na si Ken. At wala na akong pakialam sa kahit ano pang sasabihin mo", Krystal finally spoke.

I didn't dared to look at her. Pero ramdam ko. Ramdam ko ang unti-unting panghihina ko. Engaged na pala sila?

Natawa ako ng mapakla.

"Bakit Ken? Bakit kailangan..b-bakit mo 'to k-kailangang g-gawin..s-sakin?", halos pabulong ko na lang na nasabi ang huling salita habang kinakaya kong itanong sa kanya iyon.

My voice almost broke off.

"Tara na, Valentine", pagpupumilit ni Sky sakin.

"Ken, bakit?!!", I shouted at him.

Halos humagulgol na ako sa harap niya.

"Bakit?", I whispered as I slowly kneeled down on the cold floor.

Mabilis akong inalalayan ni Sky para tumayo.

Sinubukan ko ulit siyang titigan sa mata.

I saw a glint of emotions behind there.

Naawa? Nasasaktan?

I don't know. Kasi mabilis din iyong naglaho. He's not the Ken I used to love anymore.

"Mahal mo pa ba ako, Ken??"

"Valentine, please. You're just hurting yourself", halos magmakaawa na si Sky sakin.

Biglang tumahimik ang paligid na para bang lahat kami naghihintay sa magiging sagot ni Ken.

Wala. Wala nang ni bahid ng kahit anong emosyon sa mukha niya.

Bakit? Bakit dito pa namin kailangang magkita? Bakit dapat ko pa siyang makitang may ibang kasamang babae? Bakit hindi ko man lang alam na umuwi na pala siya? Bakit—

"Mabuti pang kalimutan mo na lang ako Ms.Alonzo. It's just that I already realized that I don't deserve you", he told me casually.

Halos hindi na ako makahinga.

"At lalong-lalo na.. Hindi na kita.. mahal", pagkatapos niyang sabihin yun ay mabilis niyang iniwasan agad ang mga tingin ko.

"It's just that I already realized that I don't deserve you"

"At lalong-lalo na.. Hindi na kita.. mahal"

Paulit-ulit kong naririnig ang boses niya sa loob ng isip ko.

Paulit-ulit. Gusto kong ulit-ulitin. Kasi baka may bakas ng pagsisinungaling sa boses niya.

Pero bakit naman niya kailangan magsinungaling sakin?

Hindi mo na ba talaga ako mahal, Ken?

"You heard it, Valentine? Kaya wag ka nang umasa pa kay Ken. Hindi. Ka. Na. Niya. Mahal", Krystal told me emphasizing each words of the last sentence.

Halos hindi na ako makapag-salita. Nakatitig lang ako sa kanya.

"Let's go"

Mabilis akong hinatak ni Sky palayo kina Ken.

Pero bigla rin siyang huminto.

Saglit niyang binitawan ang kamay ko saka siya tumalikod sakin.

Mabilis ang pangyayari. Sa isang iglap, sinuntok na niya si Ken.

I heard Krystal shrieked. Pero hindi gumanti ng suntok si Ken.

Sky went back at me and dragged me out there.







From the place where I broke my heart. Hard.

My Nerdy Ex Became A Campus Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now