Chapter 43

840 20 0
                                    

×OLIVIA VALENTINE×

It's been already a week since Ken went to U.S. Isang linggo na pala ang nakaraan, ang bilis nga talaga ng takbo ng oras. Sa loob ng isang linggo, naging okay naman ako. Well I admit I do miss him, siyempre sino ba namang hindi? But thanks to my retarded friends who never left my side. Sa loob ng isang linggo hindi nila ako pinabayaan, good thing they were there for me. Kung wala siguro sila, pati ako nasiraan na ng bait sa sobrang pagka-miss ko kay Ken.

I was also thankful that I could really see how Ken makes his effort just to make a call on me everytime he gets the chance. Isa na rin siguro 'yon sa mga dahilan kung bakit ako hindi masyadong nalulungkot.

And well, I haven't told you yet. I'm already the permanent vocalist of the Blue Horizon. Oh look at that, wasn't that amazing? Sinong mag-aakalang magiging bokalista ako ng isang sikat na banda dito sa campus? Amber asked me to, wow ganda ko diba? Hehe. But seriously, she did that as a favor. Total naman daw nagustuhan ng mga audience last event yung performance namin, at lalo na yung akin, so why don't I join the band permanently na lang daw? So I did.

Of course, nagpaalam din naman ako kay Ken. Siyempre supportive din ang lolo niyo sakin hehehe kaya go lang ng go ang oplan pagbo-bokalista ko.

"Lalim ng iniisip natin ah, mind to share?", bigla akong nag-angat ng tingin kay Keith bago siya tuluyang umupo sa tapat ko tsaka niya inilapag ang mga dala niyang libro sa mesa.

We're currently here at the library right now, dapat raw kasi naming mag-aral para sa exams namin for next week.

Grabe, exams na naman pala ulit namin sa susunod na linggo. Specifically semi-finals' exam.

Then next month, finals na namin. And then here already goes our two weeks sembreak. Then next year, we will be already graduating. Ghad, is that how time really runs fast?

"Wala lang naman, naisip ko lang. Ang bilis ng panahon. Next year g-graduate na tayo", paliwanag ko sa kanya pagkatapos kong kunin ang isa sa mga librong nasa tapat niya.

"Oo nga no? Ang bilis nga talaga ng panahon. Next year wala na tayo rito", she agreed as she also took one book in front of her and scanned it.

I sighed. I'll make sure that before we graduate, we'll be enjoying this year to the best wr can be. Aba siyempre, huling taon na 'to namin para sa aming mga kabaliwan. Dapat lang na i-enjoy talaga namin ang huling taon na 'to.

"Yo!", sabay kaming napatingin ni Keith sa apat na lalaking papunta sa direksyon namin.

Buti naman at andito na sila.

"Hi Valentine! Hi baby Kei!", Terrence greeted first as he took the empty seat beside Keith.

"Hey", mahinang bati ko sa kanya bago ko siya nginitian.

"Queen", Marcus greeted me as he also took the empty seat beside me.

"Hi King"

"Hi Keith! Hi Valentine!", bati rin sa amin nina Gab at Kurt bago sila umupo sa dulo ng mesa.

"Okay, at dahil kompleto na tayong lahat ngayon, magsisimula na tayong mag-review. NOW na", Keith announced.

"Agad baby Kei? Hindi ba pwedeng mag-kuwentuhan muna tayo? Hehehe", biglang singit ni Terrence.

Pinukol naman siya agad ng masamang tingin ni Keith.

"Biro lang, ikaw naman baby hindi ka talaga biro. Sabi ko nga ang saya mag-aral. Stress reliever hehehe"

Tumawa ng alanganin si Terrence bago niya dinampot ang librong nasa harap niya saka niya ito binuksan at binasa. I doubt kung nagbabasa nga talaga siya. Napailing na lang si Keith sa kanya bago kami tuluyang mag-review.

And let the brainstorming begin.

~×~

Halos dalawang oras kaming nagbabad sa pagre-review sa loob ng library at halos dalawang oras na ring patuyo ang utak ko.

Paking tape, hindi naman ako sanay sa ganito katagal na pag-aaral eh. Actually, hindi naman talaga ako pala-aral. Kaya nga naging malaking pala-isipan sakin kung paano ako naging running for suma cumlaude.

As far as we all know, may meeting ang lahat ng faculties ngayon kaya halos walang klase ang lahat ng mga estudyante ng University. Kaya heto, napag-isip-isipan naming dito na muna sa library tumambay, alam niyo na.. aircon kasi hehe. May aircon din naman yung rooms namin, kaya lang bawal tumambay sa bawat kwarto kapag wala daw namang klase. Save energy raw, psh. Eh sa tuition nga namin sila kumukuha ng pambayad sa kuryente eh, ba't kami nila titipirin?

Anyway, hindi naman talaga yan big deal sakin, kaya nevermind na lang hehe.

"Queen, can I ask a favor?"

Mula sa librong inii-scan ko, napalingon ako kay Marcus na halata na ang pagkabagot sa mukha.

"Hmm?"

"Pwede mo ba akong samahan sa cafeteria? I'm a bit hungry already"

"Su—"

"Kami tol! Sasama kami! Kami na lang sasama sa'yo!", nag-uunahang prisenta ng tatlo.

Bahagya naman akong natawa sa inakto nila. Kahit kelan talaga basta pagkain ang pinag-uusapan nabubuhay ang lahat ng natutulog na dugo nila.

"Wag na! Baka mamulubi pa ako sa katakawan niyo eh. Stay here, babalik din naman agad kami"

Bago pa silang tatlo makapag-welga ay nahatak na ako ni Marcus palabas ng library.

Hindi na nga ako nakapag-paalan kay Keith na mahimbing na umiidlip sa mesa.

"Aaaah, King", I slightly poked his shoulder.

Mabilis naman siyang lumingon sakin with a 'what?' look. Ininguso ko sa kanya ang kamay niyang nakahawak parin sa kamay ko.

"Ow, sorry"

"Nah, its okay", I told him.

Sabay kaming naglalakad ngayon papuntang cafeteria. Tahimik lang kaming dalawa at ang tanging ingay lang na bumabalot sa amin ay ang mga boses ng mga estudyanteng nagtatawanan sa ground floor.

Library is located at second floor and also occupying the whole floor kaya ingay lang sa ground ang maririnig namin mula sa dito sa itaas.

Lihim kong sinilip ang mapayapang mukha ni Marcus na diretso lang ang titig sa harap habang naglalakad siya nang nakapamulsa. And I almost jumped as he looked back at me.

"Something bothering you?"

"Ha? Wala naman. I was just thinking..", I stopped at my mid-sentence.

Ano nga ba ang iniisip ko? Wala naman akong iniisip kanina ah.

"Thinking what?"

"Uh. Na ano, ano nga ba?"

Bahagya kong kinamot ang ulo ko. I suddenly heard his soft chuckle echoing the hallway. Ako naman itong wala kaide-ideya kung bakit siya natawa binigyan siya ng isang nagtatakang tingin.

"Oh bakit?"

"Nothing, hindi ka parin kasi nagbabago", paliwanag niya.

Bago? Wala naman kasi akong dapat ipagbago eh.

"Queen", he called me out.

Andito na kami ngayon sa ground floor.

"Hmm?"

"No matter what will happen, would you promise me that you'll always remember that I'll be here for you always?"

Bakit ba ang weird nitong si Marcus ngayon? May lagnat ba siya?

"Bakit naman?"

"Just promise me"

"Okay, I promise King", nakangiti kong tugon sa kanya.

"Good then", he smiled back at me.

Alam ko namang kahit anong mangyari hindi niya ako papabayaan eh. That's why I'll always be lucky to have him as my bestfriend.

My Nerdy Ex Became A Campus Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now