Chapter 71

795 13 0
                                    

This chapter is dedicated to kashika_elle :)


---

×SIERRA KEITH×

It's already 4:45 p.m. Ibig sabihin fifteen minutes na lang at dismissal na namin.

Napapansin ko lang. Mukhang kanina pa hindi mapakali sa tabi ko si Valentine.

"Okay ka lang ba, Olivia?", nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Bahagya niya akong nilingon.

"I'm fine. I'm just in a hurry. May meeting pa kasi akong kailangan puntahan sa Studio A", paliwanag niya sa akin.

"Gusto mo ipagpaalam na kita kay Ms.Perez na mauna nang lumabas?"

"Ah.. No thanks. Patapos na rin naman siguro siya maya-maya lang"

She gave me a quick smile and shifted her gaze back on the discussing professor on the top of the podium.

4:49.

4:52.

Maya-maya pa ay bigla akong tinawag ni Valentine.

"Can you do me a favor?"

I smiled at her. Kahit sa mga ganitong bagay natutuwa parin ako dahil kailangan niya parin ang tulong ko.

"Oo naman"

"Can you.. Uh.. Can you.. Oh, nevermind. Ako na lang gagawa"

Bigla siyang tumayo saka siya naglakad papunta sa professor namin sa harap.

I was wrong.

Hindi niya pala kailangan ang tulong ko.

I smiled bitterly and bowed my head down. Gusto ko na naman maiyak ulit.

Maya-maya pa ay bumalik na siya sa upuan niya saka niya kinuha ang kanyang bag.

"I need to go now", nagmamadaling paalam niya samin at tuluyan na siyang lumabas ng kwarto.

I felt someone poking my shoulders behind kaya naman nilingon ko ito.

"Where's she going?", nagtatakang tanong ni Marcus sakin.

"May meeting ata sila ng banda nila", paliwanag ko sa kanya.

He nodded at me before he went back to what he is writing on his binder.

Nagsusulat pa pala siya?

Ibinalik ko na ang atensiyon ko sa harap para makinig kay Ms.Perez.

Maya-maya pa ulit ay si Ken naman ang tumayo mula sa kinauupuan niya. He just went out of the room without saying anything.

Napalingon ako sa apat na lalaki sa likod para bigyan sila ng 'where is he going?' look. Sabay-sabay naman silang nagsi-kibit-balikat bilang sagot.

My Nerdy Ex Became A Campus Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now