Chapter 42

850 20 1
                                    

×OLIVIA VALENTINE×

"Haaaaay! Grabe. Buti na lang talaga at tapos na ang pahirap na subject na 'to", Gab exclaimed in relief as he stretch his arms.

Nangalumbaba naman ako habang tahimik kong pinagmamasdan ang mga kaklase kong palabas na ng classroom namin.

Lunes ngayon, obvious naman diba? At dahil Lunes ngayon, ibig sabihin back to normal days na naman, five consecutive freakin' and boring days of classes.

"Queen, are you okay?"

I lifted my gaze on Marcus as he sat on the empty chair beside me. I lazily nod and leaned my head on the desk facing his direction.

"Inaantok lang ako"

Halos dalawang oras lang ata tulog ko kagabi. Walanjo, tuloy mukha na akong na-double dead na zombie. Paano ba naman kasi, hindi lang siguro ako sanay sa ideyang nasa malayo si Ken.

"Valentine, si Ken ba hindi pa tumatawag sa'yo?", biglang tanong sakin ni Kurt.

Ini-angat ko naman ang tingin ko sa direksyon niya saka ako umiling.

"Tatawag din yun, girl. Baka naman nagpapahinga pa", nakangiting sabi ni Keith sakin.

Alam ko namang pinapagaan lang nila ang loob ko eh. Hindi naman kasi ako nalulungkot kasi hindi pa siya tumatawag, namimiss ko lang siya. Nakakapanibago pala yung biglang na lang siyang mawawala.

"Punta na kaya tayo ng cafeteria, guys? Nagugutom na'ko eh", singit ni Terrence sa usapan.

"Kelan pa ba nabusog yang sikmura mo tol?", nakabungisngis na tugon sa kanya ni Gab.

"Gago! Ang mga gwapo palaging gutom!"

"Patay gutom kamo! Gwapo mo mukha mo!"

"Aba't-"

"Hep! Bago pa kayo magka-pikunan, pumunta na tayo sa cafeteria. Ang gugulo niyo eh", awat sa kanila ni Keith.

Nagsitayuan na kami mula sa kinauupuan namin at tuluyan nang pumunta ng cafeteria.

Pagkarating na pagkarating namin sa cafeteria ay agad kaming nakakita ng table na 6 seater, saktong-sakto para sa aming lahat kaya doon na kami umupo.

Gab, Kurt and Terrence presented na sila na lang daw ang bibili ng pagkain namin kaya sa kanila na namin ibinigay ang mga orders namin. Pag-alis na pag-alis nila sa table namin para pumunta sa counter ay agad ulit akong nangalumbaba.

I saw how Marcus and Keith each other a look that feels like they're talking just by looking at each other's eyes.

"Alam mo girl, sa layo ng lipad ng utak mo, umabot na yan ng U.S", Keith said breaking the silence on our table.

"Akala ko ba inaantok ka lang, Queen? Hindi yan antok eh, balisa yan. Nagd-drugs ka ba?"

Binigyan ko ng masamang tingin si Marcus bago ko siya inirapan.

"Woah! First time mo'kong sungitan ah!", he sounded amazed.

At talagang naa-amaze pa siya ha?

"Meron ka ba, girl?", nagtatakang tanong ni Keith sakin.

Umiling naman ako sa kanya bilang tugon. Tinatamad lang talaga akong magsalita.

Nagkatingin naman ulit si Keith at Marcus at sabay na nagkibit-balikat.

Hay, kelan pa kaya tatawag si Ken? Namimiss ko na siya.

My Nerdy Ex Became A Campus Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now