Chapter 82

814 12 0
                                    

×OLIVIA VALENTINE×

"Hija, gising na. May pasok ka pa"

"Inaantok pa'ko, mom"

"Pero male-late ka sa klase mo. Gising na anak"

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at agad na sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ni mommy.

She's softly carressing the top of my head that makes me still want to go to sleep.

Hatinggabi na ako naihatid ni Sky kaya siguro inaantok pa ako.

"I heard you went to a party last night"

Bahagya muna akong bumangon at inayos ang sarili ko bago ko tinugon si mommy.

"Yeah. I went to my friend's grandparent's golden anniversary", kuwento ko sa kanya.

"That's good to hear. Nag-enjoy ka ba?", mom asked me habang hinahanap ko anh bathrobe ko.

Asan ko ba yun nilagay kagabi?

"Here sweetheart", natatawang tawag ni mom sakin.

Nilingon ko siyang hawak-hawak na ang bathrobe na hinahanap ko. Napahilamos ako sandali ng mukha. Oo nga pala, inihagis ko yun sa headrest ng kama ko kagabi. Bakit ko nga ba yun nakalimutan agad?

"Definitely mom, ang babait nilang lahat sakin. Lalo na yung lolo Greg ni Sky", sagot ko sa kanya bago ko kinuha ang bathrobe kong hawak-hawak niya.

I saw mom furrowed her forehead.

"Anything wrong, mom?", tanong ko sa kanya.

"Nothing, hija. Naisip ko lang. Yang lolo Greg ba ng kaibigan mo ay isang An–"

"Mom?"

Sabay kaming napalingon ni mommy sa pinto kung saan nakadungaw si kuya Adrian.

"Dad's looking for you", he announced.

"Oh. Okay, I'll be there in a minute", tugon nito kay kuya bago niya ako binalingan ng tingin.

"You go take a bath already, sweetheart. Baka malate ka sa pasok mo"

She finally stood up from sitting on the side of my bed and walk towards me. She gave me a peck on my cheek before she went out of my room.

Just when I decided to enter the bathroom already.

~×~

Halos magkanda-tapilok na ako sa pagmamadaling umakyat ng hagdan papuntang floor namin.

It's already 7:35 a.m at limang minuto na akong late sa klase namin kay Mr.Reyes.

Not to mention that today is already Wednesday at ngayon ang araw kung kailan kailangan na namin magperform para sa requirement na ibinigay niya samin.

I cursed as I remembered ni hindi pa nga pala kami nakapag-practice ng partner ko which is unfortunately Ken. Nice. Ewan ko na lang talaga sa magiging kalalabasan ng performance namin mamaya.

"The next to perform is–"

Saglit na nahinto sa pagsasalita si Mr.Reyes nang bigla kong buksan ang pinto.

"Mabuti naman at nakarating ka, Ms.Alonzo. Kanina kapa hinahanap ni Mr.Anderson", the professor told me.

I made a quick glance on Ken's direction and he was staring at me right now.

Napansin ko ang magulo niyang buhok pati na rin ang pangingitim ng ilalim ng mata niya. What's with him? Mukha siyang napuyat.

Mabilis kong iniiwas ang tingin ko sa kanya bago ako tuluyang naglakad papunta sa seat ko.

My Nerdy Ex Became A Campus Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now