Chapter 90

877 14 0
                                    

×OLIVIA VALENTINE×

"Sorry talaga ah. Hindi ko naman kasi talaga inexpect na mangyayari yun kahapon", I sincerely told Cross as we pass the noisy hallway.

I've already told him what had happened last night. Eh siyempre, childhood bestfriend, like Marcus, he reacted exaggeratedly. Pero mas sobra lang ata yung sa kanya compared kay Marcus.

"Sabi ko na nga ba eh. Dapat pinayagan mo na lang akong samahan kita. Para kung sakali..", he paused for a couple of seconds.

"Ako yung kasama mong nakulong", a sheepish grin escaped from his lips.

"Aww! What was that?"

Reklamo niya nang bigla ko siyang kurutin sa tagiliran.

"Ang landi mo talaga, Cross"

"Oy, sa'yo lang ako naglalandi ah", he wiggled his eyebrows on me.

Natatawang inirapan ko siya. Ang kulit talaga.

Nagkuwentuhan lang kami hanggang sa makarating kami sa tapat ng classroom namin. I still have two subjects left.

Kaklase ko pa si Keith sa next subject namin. Tapos yung last subject ko, dismissal time na niya. May mga subjects pa kasi akong kailangan habulin considering na nagtransfer back ako rito. But I have no worries. Kasama ko naman sina Marcus hanggang sa last subject ko.

"Oh siya, dito na lang ako. Ikaw? Wala ka na bang klase?", I asked him.

He shook his head.

"Want me to wait for you?", he asked.

"Wag na. Andiyan naman si Marcus eh", paliwanag ko sa kanya. Bigla naman siyang sumimangot nang banggitin ko ang pangalan ni Marcus.

Hanggang ngayon ba nagseselosan parin sila bilang dalawang lalaking bestfriend ko?

"Now go, Mr.Miranda", pagtataboy ko sa kanya.

"Hintayin na lang kasi kita", he said pouting.

Halos gusto kong matawa sa mukha niya. Kelan pa siyang natuto ngumuso?

"Wag na kasi. Promise, I'll text you as soon as our prof. dismisses us"

Bahagya siyang sumilip ng classroom namin kaya ginaya ko rin siya.

I saw Marcus, Terrence and Keith talking. Sina Gab at Kurt naman abala sa kani-kanilang cellphone.

Then I remembered someone.

I wonder where he is?

"Sige na nga. Basta, text mo'ko ah. Kundi lagot ka sakin"

Naibalik ko ang tingin ko kay Cross nang bigla siya ulit magsalita.

Then I gestured my hand giving him a salute.

"Yes, boss", natatawa kong sagot sa kanya.

He lightly tousled my hair saka siya tuluyang umalis.

Naiiling akong bumalik ng classroom namin bago tuluyang magsimula ang klase.

~×~

Nasa kalagitnaan na kami ng last subject namin nang biglang bumukas ang pinto.

I almost skipped a beat as I saw the person who opened the door.

Bigla ko namang nakita sa peripheral vision ko na nilingon ako ni Marcus na nasa tabi ko lang nakaupo.

"What a luck for you, Mr.Anderson. Buti na lang at nakaabot ka pa sa natitirang kinse minutos ng klase ko", Mr.Alenjandro sarcastically told Ken.

But the latter seemed not to care.

He's with his usual aura again. Yun bang walang pakialam sa kahit anong bagay sa paligid niya. Face, poker. Eyes, empty.

Naiiwas ko ang tingin ko sa kanya nang dumapo sakin ang kanyang mga tingin.

Then I felt him finally enter our room leaving our professor no answer.

Ramdam ko parin ang mga tingin niya sakin. But I remained looking straight at the board.

Pinagpatuloy na rin ni Mr.Alejandro ang lesson niya nang mapagtantong wala na siyang makukuhang sagot mula kay Ken. Lagi naman eh.

Ken sat behind us. I can feel his mere presence. And it almost suffocates me.

Natapos ang klase namin na halos matulog na ako sa arm chair ko. Ghad, my sleep earlier wasn't still enough to get me through 'til the end of the day.

"Grabe, halos mapikit ko na yung mga mata ko", exhaustion crossed Gab's voice. Bahagya siyang nag-unat-unat ng katawan sa kinauupuan niya.

"Ako nga rin eh. Wala talagang patawad yung Alejandro na 'yon. Hindi man lang naawa satin", Terrence agreed.

"Buti pa 'tong si Valentine oh. Ni hindi man lang ata napapagod", puna ni Kurt sakin.

"Uy, grabe kayo ah. Kahit nga ako inaantok nga rin eh", I commented.

"Ako na", Marcus offered nang makita niyang bubuhatin ko na ang bag ko.

I let him took my bag na lang kasi mukhang ramdam ko rin naman sa sarili kong tinatamad akong magdala nito.

Sabay kaming lima na lumabas ng room papuntang parking lot. Masayang nagku-kuwentuhan lang silang apat habang ako nakikinig lang sa kanila. Minsan makikitawa ako kapag nag-aasaran sila. Kahit kailan talaga ang kukulit nila.

"See you next week mga pre!", paalam ni Kurt samin.

"Valentine!", tawag niya sakin bilang pagpapaalam na rin.

"Ingat!", I waved at him.

Pati sina Gab at Terrence nagpaalam na rin samin bago sila tuluyang pumasok ng kotse nila.

Si Marcus na ang nag-offer na magpasok ng bag ko sa passenger's seat. Kahit kailan talaga ang gentleman nitong bestfriend ko.

"Drive safely, okay?", paalala niya.

I nodded at him.

"You too"

Tumango din siya bago siya bahagyang lumapit sakin saka niya ako hinalikan sa noo.

I felt a warm tingling sensation in my chest. Minsan hindi parin talaga ako nasasanay sa mga ganitong gestures ni Marcus.

Nagpaalam na ako sa kanya bago ako naglakad papunta sa kotse ko.

Pero bago ako makapasok rito.

Hindi nakaligtas sakin ang isang pares ng matang nakatingin samin mula sa malayo.

Ken.

My Nerdy Ex Became A Campus Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now