Chapter 63

737 15 0
                                    

×OLIVIA VALENTINE×

Halos isa't kalahating oras na akong hindi umaalis dito sa kinatatayuan ko. Halos isa't kalahating oras na rin akong naninigas sa sobrang ginaw. Isa't kalahating oras na ang nakalipas pero hindi parin tumitila ang ulan.

At eto ako, tinitiis ang ginaw. Umaasang lalabas din ulit si Ken para sakin.

I can already feel my body shaking impatiently with so much coldness. Hindi ako sanay sa maginaw. Hindi ko kinakaya ang sobrang ginaw. Cold intolerant ako. Ewan ko ba, simula pa nung highschool ganito na ako. Ginawin.

"Sht", I inwardly cursed as my body started to shake again.

Biglang sumakit yung dibdib ko. This is what I always feel when I can no longer take the coldness anymore. Pero hindi. Hindi ako aalis dito. Hinding-hindi hangga't hindi ulit lumabas si Ken. Alam kong hindi niya akong kayang tiisin.

But what did took him so long?

Napapikit ako sa ideyang pumasok sa isip ko.

Baka ngayon kaya ka na niyang tiisin.

Hindi. Hindi niya yun magagawa sakin.

I felt it. I felt tears started to stream down my cheeks. I can't let him go this fast. I can't.

I stayed for another long minutes. Lalabas din siya. Alam ko yun.

Mahigpit kong nayakap ang sarili  ko nang biglang umihip ang hangin ng malakas.

"Hangginaw", mahinang bulong ko sa sarili habang yakap-yakap ko ang magkabilang braso ko.

It's too damn cold already.

"Please, Ken. Lumabas ka na", I begged mentally hoping he'll hear me.

"Please"

×AIKA LORRAINE ANDERSON×

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko ngayon. Kakatapos ko lang magfacebook sa laptop ko. I didn't stayed long surfing the net kasi paulit-ulit lang naman ang lumalabas sa news feed ko, nakakasawa na.

*bzzt..bzzt*

I felt my phone vibrated beside me kaya agad ko itong chineck.

1 message received from: Classmate-Ariana

Aiks! Invited tayo sa birthday party ni Ysa! Pumunta raw tayo sa bahay nila around 4pm. Kaya lang umuulan. Sunduin na lang ba kita? :)

I heavily sighed after reading the message that my bestfriend sent me.

Umuulan nga. Hay, kelan pa ba titigil 'tong malakas na ulan?

Bumangon ako mula sa kama ko para pumunta sa gawi ng bintana. Bahagya kong hinawi ang kurtina para silipin ang langit na walang humpay sa pag-ulan.

"Hay", I sighed softly while silently staring at the dark sky that keeps on pouring rain.

Isasarado na sana ulit ang kurtina nang mapadako ang mata ko sa direksyon ng gate namin. When I realized what I am seeing right now, biglang namilog ang mata ko.

"Oh my ghad!"

Mabilis akong lumabas ng kwarto ko para pumunta sa kwarto ni kuya Ken. Oh ghad.

Bakit niya lang hinayaang mangyari 'to?? Wala na ba talaga siyang pakialam?

×AIKEN LLOYD×

"KUYAAAAA!"

*boogsh..boogsh..boogsh*

(A/n: Wag kayo! xD Sound effects yan ng kalabog ng pinto! Ang umepal, isasako ko. Kaya magbasa na lang kayo ng matiwasay xD)

I was quickly awaken by the noise of it.

Sht. Ano na naman bang inaatungal nitong kapatid ko. Tsk. Badtrip.

Malakas parin pala ang ulan sa labas.

"Kuyaaa! Open this goddamn door! RIGHT NOW"

"Don't you dare curse young lady!", I shouted back at her.

Ang ayoko sa lahat yung nahahawa siya sa pagmumura ko. For christ's sake, she's a grown up girl! Hindi magandang pakinggan ang babaeng nagmumura.

"Kaya nga bilisan mong buksan 'tong pinto!", she shouted again.

Padabog akong naglakad papunta sa pinto saka ko ito binuksan.

"Wha—"

"Dammit kuya! Alam kong hiwalay na kayo! Pero taena naman kuya! Bakit mo siya hinayaan sa labas?!!", galit na galit na sigaw ni Aika sa mukha ko.

Saglit akong napapikit para ipunin ko lahat ng pasensya ko.

This is the first time she shouted at me straight on my face. She really looks angry. Ano bang problema niya??

"What are you talking about, Aika?"

"YOU DON'T KNOW?!"

Hold your patience, Ken.

I reminded myself.

"Know what?"

"Hindi mo alam?!"

"Ang ano ng—"

"Si ate Tin! Kanina pa nakatayo sa labas ng bahay natin!! Oh ghad!"

Nakita kong nasapo siya sa noo niya.

"She's what?...", I asked in a low voice as what has Aika said keeps on sinking slowly inside my head.

And everything sank on me already..

"SHT!"

I Quickly ran towards my window and harshly brushed off the curtain.

And I saw Valentine there.

Goddamit! Akala ko ba umuwi na siya?! Halos dalawang oras na ang nakalipas pagkatapos naming mag-usap. So it means..

"For christ's sake! Has she gone insane?!"

×OLIVIA VALENTINE×

Wala paring Ken na lumalabas. I wanted to give up already but the fact that after this I'm gonna totally lose him emotionally kills me.

Pakiramdam ko nanghihina na ako sa tagal ng pagtayo rito. Hindi na rin ako halos makahinga ng maayos. I felt so cold and I don't think so I can bear this anymore.

My eyes started to blur. My body feels like falling anytime soon. Til suddenly, everything went black.










Author's note: Yung feeling na bihis na bihis ako, nakamake-up tsaka nagpabango ng bonggang-bongga kasi itinext ako ng amahin ko na magkikita raw kami kasi isasama niya ako sa lakad niya. Tapos nung nagkita na kami, pinagcheck niya lang pala ako ng laman ng credit card niya tapos sinabihang "Oh nak, mauna ka nang umuwi. Susunod na lang ako". HAHAHAHAHAHA. Burn! 😂 Aral-aral din misan magcheck ng balance ng CC mo pa ha? 😂 Nang aano ka eh. 😂






Sash/Otor na basang-basa ng ulan a.k.a Valentineツ

My Nerdy Ex Became A Campus Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now