Chapter 77

766 14 1
                                    

×OLIVIA VALENTINE×

I'm on my way to studio A when someone grabbed my arms from behind.

"Aww– Sky?"

Nagtataka ko siyang tinignan na halos galing pa siya sa isang marathon na habol-habol pa ang hininga niya.

Sumenyas siya sakin ng 'teka lang' gamit ang kamay niya, still trying to catch his breathe.

Bakit ba kasi hingal na hingal siya??

As soon as he finally caught his breathe he immediately stood straight.

He was trying to say something but I can't hear him.

"What???"

He rolled his eyes before stepping closer to me. He reaches for my ears and..

"Oh sorry", natawa ako ng malakas.

Naka-earphones nga pala ako. Kaya pala hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

"Stupid girl. Kanina pa kita tinatawag. Kaya pala hindi mo man lang ako nililingon", busangot niyang sabi sakin.

I crossed my arms beneath my chest.

"So kasalanan ko pa?"

"Tss. Malamang. Alangan naman kasalanan niya"

Tinuro niya ang napadaang estudyante sa tabi namin.

Muntik na ulit akong matawa dahil sa nakita kong reaksyon ng estudyante pagkatapos siyang idamay ni Sky sa usapan namin. Kala mo naman inakusahan siyang nakapatay ng tao.

"Ano ba kasing kailangan mo sakin?", I asked him changing the topic.

"I'll fetch you later at your house. 8pm sharp. Get dressed. Basta, magpaganda ka. Yung magmumukhang tao ka naman. Ok?"

Akmang tatalikod na sana siya nang bigla ko siyang tawagin.

"Hoy! Hoy! Hoy! Teka. Anong 'i'll fetch you later' yang sinasabi mo? At excuse me ha? Hindi ako mukhang tao kasi Diyosa ako! Duh?", I retorted.

Pusang gala 'to. Pagmumukhain pa akong taong grasa. Makapagsalita siya. Kala mo naman ang gwapo-gwapo niya.

"Goddess? Hah! Asa ka naman. Just do what I say. Pag hindi kapa bihis mamayang susunduin kita. Patay ka sakin", he threatened me before he turned his back on me and walked away like nothing happened.

Napa-tss na lang ako sa inakto niya. Ano na naman kaya ang plano ng pesteng langit na 'yon?

After that nonsense conversation we had, I continued my way to studio A.

Pagkarating na pagkarating ko sa tapat ng pinto ng studio ay agad kong pinihit ang door knob. Expecting it's lock, I was surprised when the door opened.

May tao kaya dito? Saglit kong inilibot ang paningin ko sa loob ng kwarto bago ako tuluyang pumasok at isinara ang pinto.

I found no one except– "Cross?", I said to myself as soon as I saw his bag on the table placed on the corner of the room.

So andito siya? Pero asan siya? Baka naman nag-cr lang? I shrugged.

Humakbang ako papunta sa kaisa-isang upuan dito sa studio na nasa gilid lang ng mesa kung saan nakalagay ang bag ni Cross.

Oh yes, baka kasi nagtataka kayo kung bakit nandito ako sa studio.  Tatapusin ko na kasi yung kino-compose naming song para sa subject ni Mr.Reyes. Para naman bukas, magpa-practice na lang kami ni Ken.

Wala sa sariling naitirik ko ang mata ko nang sumagi sa isip ko ang pangalan niya. The idea of him.. Ugh. Nakakainis.

Ilalabas ko na sana mula sa bag ko ang notebook kung saan ko isinusulat ang kantang ginagawa ko nang may mahagilap ako sa labas ng bag ni Cross.

A keychain hanging on his bag caught my attention. Yung keychain, maliit na bola na pang-basketball, kulay blue.

Wala sa sariling hinawakan ko ang keychain na nakakabit sa labas ng bag ni Cross. Dahan-dahan ko itong inikot sa kamay ko. Then my heart almost skipped a beat when I saw something written on it..

Tintin-Cyvin.

~×~

×CROSS YRVIN×

Pabalik na ako sa studio A galing Boy's restroom. Balak ko kasi sanang saglit na umidlip sa studio bago ang susunod na subject ko.

Nak ng tae naman kasi. Kung bakit pa kasi sa aming lima nina Seven, Luke, Psyche at Aris, ako lang ang nahiwalay sa kanila sa subject na Accounting.

Kaya eto ako ngayon, mag-isa, kasi mas nauna ang dismissal ko sa kanilang apat.

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng studio pagkarating na pagkarating ko sa tapat nito nang biglang mag-ring ang phone ko sa loob ng aking bulsa.

I immediately took it and answered the call.

"Oh, Aris napatawag ka?"

[Yo, Cross. Saan ka ngayon?]

"Andito ako sa studio A. Bakit?"

[Hinahanap ka kasi sakin ni Amber]

"Bakit daw?"

[Aba malay ko. Itext mo na lang siya na nandiyan ka]

"Ow-key, sige. Salamat"

Pagbaba na pagbaba ko ng tawag ay agad akong napaisip. Bakit naman kaya ako hinahanap ni Amber? Ah, di bale na. Itetext ko na lang siya.

Bubuksan ko na sana ang pinto nang kusa itong bumukas at..

"Valentine??", bungad ko sa paglabas niya mula sa studio A.

Andito pala siya?

"Kanina ka pa diyan?", tanong ko sa kanya.

Pero nanatili lang siyang nakatitig sakin. Her damn serious stares are so intimidating. May nagawa ba akong kasalanan sa kanya?

"Hindi naman masyado, Cyvin", malamig niyang tugon.

I almost frooze from where I am standing right now.

She called me.. She called me Cyvin.

So does this mean—

"Surprised, Cross? Hindi mo ba inaasahang malalaman ko na ang ka-bandmate ko.. At dating childhood bestfriend ko ay iisa pala?"

Bakas ang galit sa boses niya. At heto ako, wala man lang salitang gusto lumabas mula sa dila ko.

"Buhay ka pa pala, ano? So all this time.. Alam mo? Kilala mo ako? But you said nothing, Cyvin! You. Said. Nothing. Sabihin mo sakin.. Paano? Paanong hindi kita nakilala? Ha?"

"Tintin–"

"You know what? Wag ka na lang magsayang ng oras para magpaliwanag. I'm already sick with all these lies around me. Never knew you'll be one of them, Cross. I didn't saw that coming"

Mabilis niya akong nilampasan at ang tanging nagawa ko na lang ay ang sundan siya ng tingin habang papalayo siya sakin.

It feels like my whole world has just shattered.

Hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako.

I bitterly smiled to myself.

Simula pa lang siya na. Siya na ang babaeng alam ko mamahalin ko ng ganito.

I need to fix this mess I made.

I really need to.

My Nerdy Ex Became A Campus Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now