Chapter 55

785 15 0
                                    

×OLIVIA VALENTINE×

Pagkatapos ng usapan namin ni Ms.Arellano ay agad akong lumabas ng opisina niya kasama yung Sky na pinsan daw ni Ken.

"So? You're Ken's girlfriend huh?", biglang salita ni Sky nang tuluyan na kaming makalabas ng opisina ng Dean.

"Maganda ka naman", he sarcastically added.

Gusto ko siyang sapakin sa sobrang inis ko sa kanya. Ghad! How dare him talk to me like that?

Bakit ba kasi sa dami ng estudyante ng school na 'to, ako pa ang napili para maging tour guide ng lecheng unggoy na 'to.

Wonder why I was asked to be his personal tour guide?

*FLASHBACK*

"Uhm, pardon?", I hesitatingly asked Ms.Arellano.

Baka kasi nagkamali lang ako ng rinig na magiging tour guide ako ng Sky.

"I would personally want you, Ms.Alonzo, to be Mr.Anderson's tour guide here in Zephyr University", ulit ng Dean sakin sa isang pormal na boses.

"P-po? Tour guide? Bakit p-po?"

"Well, he'll be already transferring here as a new student and I personally chosed you to be the one to tour him in the whole campus for the first two weeks na pag-aaral niya rito. That, if it's okay with you, Ms.Alonzo?", the Dean asked me.

Bahagya naman akong nasulyap sa pinsan ni Ken na mukhang bored na sa usapang ito.

"Uh, ano.. W-wala naman pong problema sakin kung yun ang gusto niyo, Ms.Arellano", I reluctantly answered.

"That's good then. I hope you too could be a good friends in the future", nakangiting sabi ng ginang samin.

Good friends agad?

"Makakalabas na kayong dalawa. By the way, welcome to Zephyr University Mr.Anderson", the Dean stood up from her seat and extended her hand to Sky to give a him handshake.

Tumayo naman agad si Sky para tanggapin ang kamay ni Ms.Arellano. After that we already went out of the dean's office.

*END of FLASHBACK*

"So pinsan ka rin pala ni Ken, huh?", ganti ko sa kanya.

Nakita ko naman ang bahagyang pagtaas ng kilay niya.

"Hindi ka naman ata niya nakuwento sakin", patuloy ko.

"Kunsabagay, sino nga bang ipagmamalaki ang isang taong sobrang antipatiko..katulad mo", halos pabulong ko na lang na sinabi ang huling dalawang salita.

"What did you say??"

"Oh, am I saying something?", I paused for a moment a faked and smile at him.

"Nothing. Gusto ko lang sabihin sa'yo na hindi sa lahat ng oras magiging tour guide mo ako"

"Well, it's fine with me. Baka kasi mabored lang ako kapag lagi kitang kasama"

"Ansabe mo???", nagtitimpi kong tanong sa kanya.

Hinayupak na lalaki 'to ah. Pinsan ba talaga 'to ni Ken?

Kung masama ang ugali ni Ken noon, aba 'tong unggoy niyang pinsan mas matindi pa pala sa kanya.

Nakuuuu! Kung hindi lang talaga si Ms.Arellano ang nag-utos nito sakin.

My Nerdy Ex Became A Campus Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now