Chapter 48

761 17 0
                                    

×OLIVIA VALENTINE×

"Sigurado ka bang hindi ka na papasok sa loob?", I assuringly asked Cross.

Dapat kasi magco-commute na lang sana ako pauwi kanina pagkatapos ng practice pero nagpumilit siyang ihatid ako. Gabi na raw kasi at baka mapano pa ako sa daan.

Siyempre mapilit, kaya hinayaan ko na lang siyang ihatid ako pauwi.

"Nah, it's okay. Maybe next time", nakangiting tugon niya sakin.

"Ow-key then. Mag-ingat ka pauwi. Thanks for the ride"

"Anything for you, Tintin. Have a good night"

At bago pa man ako makapagsalita ulit ay nakaalis na ang kotse ni Cross palayo sa bahay namin.

I was already about to enter the gate when I remembered something.

"Tintin? Tinawag niya akong Tintin?", I asked to myself recalling the last thing Cross has said before driving away.

"Anything for you, Tintin. Have a good night"

Did I heard him right? Isang tao lang naman ang natatandaan kong tumatawag sakin ng Tintin. Imposibleng iisang tao lang si Cross at si—

"Oy bunso"

"Ay kapreng panget!", I freaked out.

"Wow naman bunso, ganun na ba talaga ako kapangit?", busangot na sabi ni kuya Genesis sakin habang nakasandal siya sa gilid ng gate.

"Papatayin mo ba talaga ako sa gulat kuya? Kanina ka pa ba diyan?"

"Hindi naman, kalalabas ko lang. May narinig kasi akong busina ng sasakyan mula sa loob. Si pareng Marcus ba 'yon?", usisa niya sakin.

I crossed my forearms before answering him.

"Si Cross yun"

"Ah, yung manliligaw mo?"

"Bandmate kuya, bandmate", pagtatama ko sa kanya.

"Ganun na rin yon", nakangisi niyang tugon.

I rolled my eyes at him exaggeratedly. Palagi na lang kasi niya akong inaasar kay Cross. Ilang ulit ko nang sasabihin sa kanya na mabuting magkaibigan lang kami nung tao. Ayaw papigil sa katutukso.

"Whatever, Genesis. Ang gulo mong kausap", bored kong sabi sa kanya bago ko siya nilampasan para pumasok na ng bahay.

"Hoy! Hindi mo na ako iginagalang ha? Bakit walang 'kuya'?!"

"Asal bata ka kasi!", I shouted back at him.

"O-oy! Anong bata ang sinasabi mo?! Oy! Bumalik ka dito!"

Halos lumabas na ang tonsil ni kuya kakasigaw sakin pero mas pinili ko na lang na manahimik at diretsong pumasok sa bahay. Baka kasi kapag sumagot pa ako humaba pa ang usapan namin.

Nakakabaliw kayang kausapin si kuya. Hay, mas mabuti pa sigurong magpahinga na muna ako. This has been a long day for me.

~×~

~riing..riing~

~riing..riing~

~riing..riing~

"H-hello?", I sleepily asked on the other line as soon as I answered the call.

Ni hindi na nga ako nag-abala pang tignan kung sino ang tumatawag.

[Tin]

Halos mahulog ako sa kama ko nang marinig ko ang boses sa kabilang linya. Kasabay ng pagbangon ko ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"K-ken?", I hesitatingly asked.

Pakiramdam ko mukha akong tanga. Alam ko namang siya ang nasa kabilang linya nag-abala pa akong magtanong.

Ghad. My heartbeats seemed not to stop from being too rapid.

[Did I wake you up?] he asked in a husky voice.

Here goes my heart again. I feel like catching my breathe right now that I already heard his voice which I've been longing for almost three days.

Bahagya akong nag-angat ng tingin sa wall clock na nasa kaliwa ko. It's already two in the morning.

"H-hindi naman. B-bakit ka napatawag?"

Another nonsense question again. Of course! He wanted to talk to you, Valentine. For God's sake!

Talk to me? After three days? Wow, unbelievable.

[I just wanted to talk to you]

*lubdub..lubdub*

He called me just because he wanted to talk to me, not because he missed me. Great purpose of calling me.

"Ahh o-okay, sige", I stutteringly told him.

Bahagya akong bumangon tsaka ako sumandal sa headrest ng kama ko.

Pagkatapos kong marinig ang boses ni Ken, bigla na lang nawala ang antok ko.

[So.. How are you? Inaalagaan ka ba nina Marcus?] he asked casually.

Hindi ko lubos matukoy kung nag-aalala ba siya sakin o nagtatanong lang.

And after all somehow, I feel hurt. Hindi naman siya ganito makitungo sakin noon ah. Why is he already being cold to me?

"O-okay naman ako. And yes, they're..they're taking good c-care of me"

Pinilit kong ayusin ang boses ko habang nagsasalita ako. Kahit na ang totoo, sunod-sunod na namang pumapatak ang mga luha sa gilid ng pisngi ko.

Damn, this is too much pain to bear. And I don't know why I'm feeling this way. Dahil ba pakiramdam ko nagbago na si Ken sakin?

[Are you crying?]

This time, bakas na ang pag-aalala sa boses niya. And that just made me cry harder. I miss everything about him. The way he worries about me, the way he wanted me to take care. Damn this, I miss the old him.

"A-ako? Iiyak? Ha-ha-ha. Bakit naman ako iiyak?"

[I don't know. Bakit ka nga ba iiyak?] he really sounds so clueless.

Hindi mo nga ba talaga nararamdamang nasasaktan na ako, Ken? Kailangan na nga ba talaga kitang sabihan na sobrang sakit na?

"Ken"

[Hmm?]

"I.. I miss you so much"

Pagkatapos kong sabihin yun ay bumuhos na ang mga luhang kanina ko pa sinusubukang pigilan.

Ang sakit. Ang sakit sa pakiramdam na parang sa isang iglap, nagbago na lang bigla ang lahat.

I heard a heavy sigh on the other line.

And suddenly...

[Get back to sleep, I know you're still tired. Goodnight]

*toot..toot..toot*

"Mahal na mahal kita, Ken. Sana hindi dumating ang araw na kinakatakutan ko..Yung araw na iwan mo ulit ako", I whispered on the other line even if I know he's not there anymore.

I laid back down on my bed hugging one of my pillow tightly.

Tears keep on streaming down my cheeks.

Kakayanin ko pa ba?



Author's Note: Ang hirap um-emote! Charito solis! Na-nosebleed aketch sa chapter na 'to 😂 Pero keribels itey. Anyways, ingats kayo! :) Wag kayong magpa-ulan ah! Mahirap na kapag magkasakit kayo. Salamat sa lahat ng mga patuloy na nagbabasa ng story na 'to. :*

Ciao!

♡Shangshang

My Nerdy Ex Became A Campus Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now