Chapter 14

1.7K 35 0
                                    

×OLIVIA VALENTINE×

Dalawang araw na simula nung nakita ko si Ken at Krystal na naghalikan, at dalawang araw ko na ring iniiwasang magkrus ang landas namin ni Ken.

Nakakatawa lang isipin na iisang klase lang naman ang pinapasukan namin, so paano ko siya iiwasan? Gandang destiny, sarap ipa-sako, nang-aasar talaga eh no?

At para sa pinaka-ikakalamas ng araw ko, absent ang dalawang bestfriend ko. Potek, si Keith isinama raw ng parents niya sa isang business trip, si Marcus naman, ayun, nasa Spain, isang linggo siya dun para magtraining kung paano niya ihahandle ang kompanya nila kapag gumraduate na kami.

Wala na. Olats na talaga ang araw ko.

Gusto ko naman sanang sumama kina Terrence, Gab at Kurt kaya lang alam ko namang kasama din nila si Ken.

Aish naman kasi eh. Bakit ba dalawang besprend ko ang absent? Wala man lang natira?

"Uy, Olivia", bahagya akong lumingon sa tumawag sakin.

"Uy, Amber", I greeted Amber Acosta from Business Administration's department.

Batchmates kami nung highschool, kaya naman 4th year college na rin siya ngayon.

I Started knowing her nung nag-audition ako sa Glee club nung freshmen pa lang kami. She was the president of the club that time and I think hanggang ngayon siya pa rin naman.

Paanong hindi? Ang ganda kaya ng boses niyan, nakaka-insecure nga eh. Aish.

Kung nagtataka kayo kung anong kinalabasan ng audition, ayun hindi ako natanggap. Oy, wag kayong judgemental ah. Maganda naman ang boses ko.

Kaya lang kapag tinanggap pa nila ako, sobra na ang magiging newbie nila.

Eh sa sampung new singers lang ang kailangan nila eh. So ayun, hindi na ako natuloy sa Glee club.

"Kamusta ka na? Grabe, ang ganda mo na nga talaga!", nakangiting puri niya sakin.

There were only few persons here in Z.U that I can really consider that became my friends before, at masasabi kong naging isa dun sa mga naging totoo kong kaibigan dito sa Z.U si Amber.

"Eto, okay naman. Naku, ikaw talaga. Alam naman nating dalawa na mas maganda ka pa rin kesa sakin, pati na yang boses mong nakakainggit", nakangiting ganti ko sa kanya.

Hay, kung alam niya lang kung gaano ko kagusto nakawin ang boses niya sa kanya. Ang ganda talaga eh. *pouts*

"Omyyyy!", halos takpan ko ang tenga ko nang biglang tumili si Amber.

Pati na rin ang mga tahimik na nagbabasa dito sa loob ng library napatingin sa gawi namin na nagtataka.

"Oops, sorry!", she told the students around us with matching peace sign on her hand, saka niya ibinalik ang tingin niya sakin.

Sa sobrang hinhin nitong si Amber hindi ko inakala na may ganitong side din pala siya. May lahing Keith, alam niyo na.

She smiled at me widely and spoke again.

"You just made me remember something important", paliwanag niya ng dahilan ng inakto niya kanina.

"Huh?"

I furrowed my eyebrows in confusion. Ano naman ang pinaalala ko sa kanya? Meron ba?

"Alam mo kasi ganito yun.."

She sat on the monoblock chair beside me and continued.

"Naghahanap ako ng magiging bagong vocalist ng banda ng glee club. Magpeperform kasi ang banda namin next week para sa event ng University, kaya nga, yun lang, nagback-out yung vocalist namin kasi nawawalan na daw siya ng oras para sa boyfriend niya kapapa-practice"

My Nerdy Ex Became A Campus Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now