Chapter 37

1K 17 0
                                    

×OLIVIA VALENTINE×

"Anong mukha na naman ba yan?"

"..."

"Naku, alam ko na ata kung bakit ka nagkaka-ganyan", Keith told me as if she really has an idea why I keep on making faces.

"Naiinis ka kasi umalis na naman sila no?", panghuhula niya.

Psh. Paano kasing hindi ako maiinis? Halos tatlong oras na hindi nagtext si Ken sakin! Kung buhay pa ba siya, kung humihinga pa siya, o natisod man lang siya, o ewan! Hindi ko alam!

Nung sumapit naman ang lunch, magkasama nga kaming kumain, ni hindi man lang niya naikuwento sakin kung anong ganap sa buhay niya nang hindi kami magkasama.

Mas nainis pa tuloy ako nang makita kong panay ang kuwentuhan nina Keith at Terrence.

Hindi man lang ako dinamayan ni Keith? *pout*

Tapos eto pa! Pagkatapos na pagkatapos ng klase kanina! Ayon! Missing in action na naman ang lima! Ni hindi man lang ako nakapag-tanong kahit kay Marcus man lang kung ano bang pinagkaka-abalahan nila.

Mamaya niyan nagbebenta na pala sila ng droga o baka nagbebenta ng lamang loob, o baka kunakatay ng laman ng aso. Aish, oo na, over acting ako masyado. Pero naman kasi eh. Nakakabaliw isipin kung saan ba talaga sila busy.

Kapag tinatanong ko naman si Keith kung may alam ba siya sa ginagawa ng lima sasabihin lang niyang 'wala eh' tapos magkikibit-balikat na siya.

Halos ako nga sumabog na ang ulo kaiisip kung anong itinatago ng lima samin at ayaw nila kami isama sa kanila.

Kaya eto kami ngayon ni Keith, bagot na bagot nang naghihintay sa prof. naming feeling artista kung makapagpa-hintay samin ng halos kalahating oras na.

Arrrrgggh!

Sabihin niyo! Sinong normal na nilalang ang hindi mababad-trip sa gitna ng ganitong sitwasyon?! 
"Goodmorning class!"

Sabay kaming nag-angat ng tingin ni Keith sa prof. naming kakapasok lang ng room namin.

Bigla din namang nagsibalikan ang mga kaklase ko sa kani-kanilang upuan nang dumating ang prof.

"Sorry I'm a bit late", paghingi niya ng paumanhin habang inaayos niya ang gamit niya sa ibabaw ng mesa.

"Bit late?! Kalahating oras kang late 'bit late' pa ba yun?!", naiinis kong bulong sa sarili ko.

Nahiya naman ang labinlimang minutong late sa kanya na dapat sana ay wala nang klase kasi nga late siya!

Hello?! Wala ba siyang alam sa 'Fifteen minute rule'?!

"For our lesson to be tackled today please open your book on page hdkpwlabzbx"

Hindi ko na tuluyang naintindihan pa ang instruction niya nang inub-ob ko ulit ang ulo ko sa desk.

Mabuti pang itulog ko na lang muna 'tong pagka-badtrip ko.

~×~

"Uy girl, gising na"

"Huy, ano ba. Dismissal na"

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at inilibot ito sa kabuuan ng classroom.

Kaming dalawa na lang pala ni Keith ang naiwan dito.

I slighlty rubbed my eyes trying to brush of the sleepiness I'm still feeling right now.

Grabe, first time ko atang matulog sa klase at nagising na dismissal na.

"Oh ano? Balak mo rin bang mag-sleepover dito? Iiwanan na talaga kita", Keith told me as she tried clearing off her desk.

Iiwan? I tried examining the room.

Ghad. Ang creepy. Waaaaaah! Baka kapag iniwan ako ni Keith bigla na lang lumabas ang mga multo. Waaaaaah! Ayoko!

Nagmadali na rin akong ayusin ang sarili ko saka agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko.

"Takot ka no?", pang-aasar ni Keith sakin.

Isinukbit na rin niya ang backpack niya sa kanyang likod.

Instead saying anything, inirapan ko na lang siya dahilan para tumawa siya.

Tsk, baliw talaga 'tong babaeng 'to.

"Tara na nga"

Habang naglalakad kami sa hallway, napaisip ako bigla.

Sina Ken wala pa rin ba?

Nakatulog na ako at lahat hindi parin ba sila tapos sa pinagkaka-abalahan nila?

Ganun ba kaimportante yung lecheng kung anuman yun ang ginagawa nila para umabsent talaga sila?

I took my phone out of my pocket to check if Ken texted me.

Napasimangot ako bigla nang walang ni isang mensahe akong natanggap galing sa kanya.

"You're frowning again", Keith commented looking at me, smiling.

Anong nakakatuwa sa mukha ko?

"Tapatin mo nga ako Keith...", naiinis kong pagsisimulang magsalita.

I saw her raised an eyebrow.

"Nambababae ba si Ken??", seryosong tanong ko sa kanya.

Pero biglang magsalubong ang kilay ko nang bahagya siyang tumawa.

"You're so funny talaga girl", hanggang ngayon tumatawa parin siya.

Kutusan ko 'to eh. Nakakadagdag lang sa inis ko.

"Totoo'ng sinasabi ko no?"

"Ano ka ba girl! Hindi siyempre. Kaya nga ako natatawa"

"Eh bakit nga MIA siya buong araw??", halos magtaas na ako ng boses sa kanya.

"MIA?", Keith asked me with a confuse look.

"Missing In Action"

"Ahhhhh. Aba malay ko", kibit balikat niyang tugon sakin.

Ayan na naman siya eh.

Sa sobrang inis ko, mas binilisan ko ang bawat hakbang ko dahilan para malampasan ko siya.

"Huy! Teka lang! Saan ka pupunta?!"

"Uuwi na!", I shouted back irritatingly.

"Hindi ka pa pwedeng umuwi!"

"Olivia! Get back here!", sigaw ulit sakin ni Keith nang tuluyan na akong tumakbo.

I don't know! Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito kasobrang inis.

Argh!

What are you up to now Ken?

~×~

"Oy bunso goodev—"

"Wag mo'kong kausapin"

Malamig kong bungad kay kuya Genesis na nasa sala nang pumasok ako ng bahay.

"Oy! Bunso! Anong problema?!", nagtatakang tanong ni kuya sakin.

Wala akong isinagot sa kanya, bagkus ay padabog akong pumasok ng kwarto ko at agad na humiga sa kama ko.

Suddenly, I felt an immediate tears trying to escape from the corner of my seyes.

I tried wiping it away pero sunod-sunod na ang naging patak nito.

Bakit ba ako nagkaka-ganito? Bakit ba nararamdaman ko 'to? Hindi ko maiwasang hindi mainis, at hindi ko alam kung saan ba talaga ako naiinis, sa sarili ko ba o kay Ken?

Dumapa ako ng higa saka ko iniub-ob ang mukha ko sa unan.

I'm better sleeping off this damn weird feeling.

My Nerdy Ex Became A Campus Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now