Chapter 89

797 17 0
                                    

×OLIVIA VALENTINE×

"Hindi mo ba alam na halos mamatay kami sa pag-aalala sa'yo??", seryosong sabi ni Kuya Adrian sakin.

"Adrian, calm down. What matters is that Tin is okay", mahinahong sabi ni mommy sa kanya.

Then mom went to my side and carressed my hair.

"You okay, baby?", mom's voice is full of concern.

I lightly nodded. Pero nakatungo parin ako.

Andito na ako sa bahay ngayon at kauuwi ko lang. It was already 7 A.M nang may nagbukas na ng SSG office.

Ihahatid pa sana ako ni Ken pero tumanggi na ako. Baka kasi magkagulo pa kapag nakita nina Kuya na siya yung kasama ko sa SSG office na nakulong.

Pagdating na pagdating ko ng bahay naabutan ko agad ang tatlo kong kuya at si mommy na nasa sala at hinihintay ako.

Wala si daddy kasi maaga pa raw umalis. Pero sabi ni mommy alalang-alala raw si dad sakin.

Kaya heto ako ngayon, halos pagalitan na ng mga kuya ko.

"Have you eaten already?", seryosong tanong ni Kuya Genesis sakin.

I shook my head.

Kahit si Kuya Gen nakakapanibago. Ngayon ko lang ata siya narinig na nagseryoso.

"Umakyat ka na at magbihis na muna. Then take your breakfast right away. Magpapahanda na ako kay Yaya Emilda ng makakain mo", utos ni Kuya Duke sakin bago siya umalis para pumunta ng kusina.

Bahagya kong sinulyapan si mommy.

"Sige na, hija. Magbihis ka na sa taas at para makakain ka na rin at makapag-pahinga", mom told me.

Tumayo na ako mula sa sofa saka ko muna tinapunan ng tingin sina Kuya Genesis at Kuya Adrian. Seryoso lang nilang sinalubong ang tingin ko.

Mabilis akong tumalikod sa kanila bago ako tuluyan nang umakyat ng kwarto.

I heavily sighed as I reached my room.

Naiintindihan ko namang nag-aalala lang sila sakin. I can't blame them for acting like that.

I took my phone out of my bag then charged it. Then I went to my bathroom and took a quick shower.

Sabi raw ni Kuya Adrian maghalf-day na raw muna ako para makapag-pahinga ako ng mabuti. I didn't argue with him kasi mukhang kailangan ko pa nga talaga ng mahabang tulog. I haven't slept well last night. Kasi naman eh, naco-conscious ako sa presensya ni Ken. Knowing that we're stuck in the same room. Gustong sumabog ng dibdib ko sa dami ng nararamdaman ko.

Bumaba ako saglit pagkatapos kong maligo para kumain ayon sa utos ni kuya Duke. Kahit inaantok na'ko, kelangan kong gawin ang utos niya. Or else lumala ang tampo nun sakin. Kahit naman palagi nila akong inaasar ayoko rin namang sumasama ang loob nila sakin.

As soon as I finished eating I immediately went back to my room. I lazily threw myself on the top of my comfy bed as soon as I entered.

Suddenly I unconsciously drifted into dreams.

~×~

"Tin, hey. Wake up. It's already lunch time"

Nagising ako sa mahinang pagyugyog ni Kuya Genesis sa balikat ko.

Saglit kong kinusot ang mga mata ko bago ko binalingan sa likod ko si kuya na nakaupo na sa gilid ng aking kama.

"Kuya", mahinang tawag ko sa kanya.

My Nerdy Ex Became A Campus Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now